FOUR

170 8 0
                                    


Inner Poblacion,Sitio Abana
******************

bumukas ang pinto nang isang napakalaking silid. pumasok ang isang matandang lalaki at isang magandang babae. sinara agad ng mga goons ang kahoy na pinto. malawak ang buong silid---may isang malaking kama, dalawang sofa at nagkalat na mga blangkong canvass, paint brush, water colors, oil pastels at pintura.

naka-upo sa stool ang isang babaeng may mahabang kulay abong buhok na naka-pigtails. nagpipinta lang ito at 'di alintana ang mga tao sa paligid nya. ang liwanag na mula sa nag-iisang bintana ang tumatanglaw sa kanya. nagkatinginan ang matanda at ang babae.

"kunin mo yun." utos ng matandang lalaki sa kanyang alipores. kinuha nito ang isang kulungan na may lamang munting kuneho. kinuha nito sa loob ang kawawang hayop at hinawakan sa tenga. sumenyas ang babae sa iba pa na lapitan ang nagpipintang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso. nagpumiglas ito pero tumigil nang makita ang kuneho.

"Mimi...h-huwag!" pero 'di nakinig ang lalaki----at nilaslas ang leeg ng inosenteng hayop.

bumagsak ang babae sa sahig at humagulhol. kinuha nito ang hayop na kalunos-lunos ang sinapit. yumugyog ang balikat nito habang niyayakap ang munting nilalang. malayang umagos ang mga kumikintab nitong mga luha.

maya-maya pa, maririnig ang mga nahuhulog na mga matitigas na bagay sa sahig. malakas na napahalakhak ang matanda at napapalakpak pa.

"ayan! tingnan nyo! ang aking kaban ng yaman!" wika ng matanda sabay palakpak at malakas na humalakhak. "pulotin nyo,dali! kilos na!"

nagkumahog na pinulot ng mga tauhan nya ang mga makikintab na bilog na mga bagay sa sahig. kumuha ng isa ang matandang ganid at sakim at sinuri ang bilog na bagay.

"ahh! isang puro at mamahaling perlas! tyak na milyon naman ang kikitain natin! sige,umiyak ka pa at paabutin mo muli ng bilyon ang aking pera! hahaha!!"

ang mala-demonyo nitong tawa. napuno ang dalawang timba ng mga puro at kakaibang klase ng perlas. nabuo ang mga ito mula sa luha ng babaeng kanilang sinaktan at sadyang pinaiyak.

"isunod nyo ang dulo ng buhok nya." utos naman ng babae.

"h-hindi! t-tama n-na! tama n-na!!"

kinuha sa kaawa-awang babae ang kuneho. pinatalikod sya at pinaluhod. hawak ng dalawang lalaki ang mga braso nya. tinanggal ang pantali ng kanyang buhok, kaya lumugay ito.

kulay abo iyun, pero gaya ng luha nyang nagiging perlas, ang dulo ng buhok nya ay pinagka-kakitaan din ng mga taong ito na halang ang kaluluwa. lumapit ang isang babae na may dalang isang batyang tubig. lumuhod din ang babae at sinimulang gupitin ang dulong bahagi ng buhok ng babaeng nakatalikod. bumagsak ang mga buhok sa tubig at sa isang iglap, ang dating kulay abo naging purong ginto.

nagningning ang mata ng babae at matandang lalaki.

"timbangin mo na. at ipakita mo sa 'kin." tumalima ang gumupit at kinuha ang makapal na kumpol ng mga ginintuang buhok sa timbangan para sa alahas. at tumataginting na 200K kilos ang kumpol ng mga buhok. tiba-tibang yaman ang nakuha nila mula sa babaeng walang awa nilang sinaktan at inabuso ng sobra.

naiwan itong lugmok sa sahig, wala nang luha sa mga mata pero tulala.

"iligpit nyo yang kuneho. ayokong may amoy dito pagbalik namin." utos ng babae na agad sinunod ng katiwala. tiningnan nito ang walan labang babae at nahahabag na nilapitan ito inalayang makatayo.

"patawad,ha? wala kaming magagawa para sa 'yo. gusto ko mang itakas ka dito, pero 'di ko magawa. tulad mo,nakakulong din kami dito para pagsilbihan ka. patawad talaga, Sarah."

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon