Metropolis Harbor Port, 15:45AM, 17000 HRS
***†**************(antagal lumabas ng mga hudas,Boss. nilalamok na ko. asar.)
reklamo ng isa sa kanila sabay sampal sa maliit na insekto na nag-buffet sa kanyang dugo.
"huwag ka ng magreklamo, Arevalo. lamok na nga lang nagtyatyaga sa 'yo. choosy ka pa."
anang leader nila. maririnig ang hagalpakan ng tawa ng iba pa mula sa kanilang mga point-tech bluetooth earpiece device.
(ay bwiset areh. pag ako eh naburyong may sasabog na bungo ngayong gabi! nakow.)
mas lalo silang natawa nang sumirit ang pagka batanggenyo nito pag naaasar.
"keep your eyes on the target. palapit na ang truck." ang pormal nang utos ng pinuno nila." umayos na kayo."
natahimik na ang iba. minutes later, bumukas ang pinaka-likod ng pantalan. naningkit ang mata ng pinuno.
normally, sarado na dapat ang pantalan para sa mga ganitong kargamento. but not this time---dahil may mangyayaring yarian ngayong gabi.
"wait for my cue. 'pag nakapasok na ang huling truck,alerto na lahat. walang kukurap. kuha nyo?"
(copy,boss.)
ang sabay nilang tugon. mula sa kinaroroonan nya, mabilis na tumakbo nang walang ingay ang pinuno at nilundag ang cargo box ng trailer truck at tinamnan iyun ng mga detonator bombs. nakalundag sya pabalik just in time na sumabog ang bomba.
"ngayon na!!"
nabulabog ang katahimikan ng madaling araw sa tila fireworks display na palitan ng mga apoy at tingga, granada at bomba.
"Fuentez,make a cover for Luchavez and the rest! i-secure ang mga epektos! kilos na!"
anang pinuno na tumatakbong nagpapaulan din ng mga bala. she jumped from one cargo box to another habang nakikipag-palitan ng mga bala laban sa mga myembro ng sindikato. nilundag nya ang isang mahigit 10 talampakang crate habang nagpapa-putok gamit ang dalawang .45 tactical magnum gloc.
todas lahat ng nasa baba at lumapag sya sa semento firmly on the soles of her feet at tumakbo muli. kinuha nya ang granada mula sa belt bag nya,kinagat ang pin at hinagis sa mga salot. sabog ang mga ulupong.
"parating na ang SWAT at CIDG for back-up, Boss!"
imporma ng kasamahan nya sa kanya.
"eh di wow. ipa-secure mo ang mga kargamento kina Luchavez! NBI dapat ang makakuha sa mga ebidensya! go!"
nagtago sya sa likod ng isang cargo box at madaliang nagpalit ng magazine. ikinasa nya ulit ang baril at patakbong lumabas pero may nakaabang na pala sa kanya. kinuha nya ang isang yuping yero para gawing kalasag.
pero napaigik sya ng may dumaplis sa balikat nya. gumulong sya sa lupa at pinatamaan ang sniper na nasa ibabaw ng cargo box. bagsak ito. nakita na rin nya ang mga taga PNP at ang mga media. napapalatak sya. too much intel leak. bwiset lang. ang gulo na tuloy.
"putragis talaga. Arevalo!" tawag nya sa kasama mula sa earpiece nya.
(Boss! umaatras na sila, at nahuli namin ang kanang kamay ni Boy Butete! alis na dyan, Boss! bahala na sa kanila ang mga pulis!)
anito. ininda nya ang hapdi ng daplis sa balikat at tumakbo papuntang extraction point nila. mahihiya si flash sa bilis ng takbo nya. palapit na sya sa extraction vehicle nila, nang....
***************Barangay 143, Altagracia Avenue Metropolis
*******†*******[hoy, gising! hoy, gising!]
ang nakakarinding tunog ang umalingawngaw sa loob ng silid na iyun. lumusot mula sa ilalim ng kumot ang isang braso at kinapa ang ibabaw ng isang mesita at nang makapa ang hinanap, binalibag nya ito. nagkalasog-lasog ang alarm clock.
ibinaba muli ang braso at kamay. wala syang makita. madilim. di rin sya halos makahinga dahil natatakpan din ata ang ilong nya. inabot nya ang balakid. nakapa nya ang isang mataba at mabalahibong nilalang. mainit at humihinga.
wala pang segundo, dinig na sa silid ang sigaw nya. umunat ang nilalang, kaya nakalmot ang kanyang mukha. napabalikwas nang bangon ang natutulog at huminga ng malalim na daig pa ang nakaligtas pa sa pagka-lunod.
matalim nyang tiningnan ang salarin na prenteng naka-upo, at walang paki syang tiningnan. napahilamos sya sa kanyang mukha. umigik sya ng kumirot ang daplis sa balikat nya. hinarap nya ulit ito.
"tumuntong ka ulit sa mukha ko at gagawin na kitang palaman sa siopao!"
tiningnan lang sya nito at ikiniling pa ang ulo at muling nahiga at pumikit. napailing na lang sya at tumayo. lumabas sya ng kwarto at dumiretso sa banyo.
hinubad nya ang lahat ng kanyang damit at humarap sa salamin. tinanggal nya ang benda at di na nabigla sa nakita. wala nang bakas ng sugat dala ng daplis ng bala. ni peklat, wala. hindi na rin ito kumikirot. pati na nga ang parteng nakalmot ng pusa nyang asungot,wala na din.
kung tutuosin, kahapon pa ang sugat nya sa engkwentro nila sa mga myembro ng sindikato sa pantalan. sariwa pa, pero heto't naghilom na. isa ito sa mga bagay na pinakatago-tago nya sa lahat ng tao. kaya talagang ingat na ingat sya na magkasugat man lang.
tyak na mawiwindang ang mga makakakita sa bilis ng pagkawala ng mga sugat nya sa katawan. isang matalinghagang bagay na kahit sya, hindi nya maipaliwanag. tinakpan nya ulit ang salamin at pinaandar ang gripo.
itinapat nya dito ang malaking balde, kinuha ang tabo at naligo. may mga tambak pa syang mga kaso sa opisina na dapat atupagin.
****************0o0***************agad syang nagbihis ng kanyang uniporme: itim na short-sleeved polo na may tatak na kataga in bold letters: NBI. itim ding slim fit jeans at ang kanyang leather boots. ikinabit nya ang belt bag na may holster at inilagay duon ang kanyang service firearm.
sinuklay nya ang hanggang balikat na buhok at nagwisik ng kaunting pabango. sinara nya ang pinto ng kanyang silid at dumiretso sa munti nyang kusina/kainan. nilagyan nya ng tubig ang takure at isinalang sa kalan tsaka ito sinindihan. hinanda nya na rin ang mug nya at ang bote ng kapeng barako.
inilapag nya ito sa mesa at akmang kukuhanin ang tinapay at piniritong galunggong na inilagay nya sa basket na sinabit nya sa kisame, nang makita ang pasaway nyang alaga na nakatuntong sa ibabaw ng mesa at nakatingala sa basket. 'di na nya tinuloy ang pagkuha dito. mahirap na.
"aba. kita mo nga naman, Aning. at mas nauna ka pang dumulog dyan sa mesa kesa sa 'kin." anya at akmang kukunin ito para ibaba sa sahig pero inangkla nito ang mga kuko sa mesa at dun kumapit.
"hay naku, Anastacia! umagang-umaga, eh! ginawa mo na ngang higaan ang mukha ko, nagpa-pasaway ka pa. haist!"
hinayaan nya na lang ito duon. total, 'di naman nito abot ang basket. maya-maya tumunog na ang takure kaya pinatay na nya ang kalan. naglagay sya ng dalawang scoop ng kape sa mug tsaka binuhosan ito nang bagong init pang tubig. naglagay na rin sya ng kaunting asukal.
this time, kinuha na nya ang basket na may isda at tinapay. hinati nya ang malaking tinapay at pinalaman duon ang galunggong. inabot naman ni Aning ang paa nito na tila ba nanghihingi.
"oo na. nakow. pasalamat ka talaga at mahalaga ka sa 'kin pusa ka. oh,ayan. kain na."
anya at inilagay sa harap nito ang isa pang piraso ng galunggong. mas nauna pa itong natapos kesa sa kanya.
"naku. ang sugapa mo talaga. ayun,wala na. bahala ka dyan. papasok pa 'ko." anya at humigop ng mainit pang kape nang maibuga nya ito kay Aning ng 'di sinasadya kaya napasigaw ang pusa.
pa'no ba kasi, may biglaan ba namang kumatok at may plano pa atang sirain ang pinto nya.
*******************welcome po sa mga nagbabasa nitong bago kong story 😊 salamat po ng marami 😉
ML's story is still on-going pa rin at tatapusin ko po yun. sana po magustohan nyo ang kwentong ito 👍

BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Fantasíapaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...