TEN

126 9 0
                                    


"C-Cen...ano? t-teka nga. anong hindi ako purong tao? so ano ang kalahati ko,alien? alam kong kakaiba ako dahil may kapangyarihan akong taglay, pero..."

napahilamos sya sa mukha nya. parang may bumubutas sa ulo nya dahil nag-leak lahat ng mga nalalaman nya. 'di nya ma-absorb lahat. nakakaliyo. pa'no nangyaring di sya totoong tao? dahil ba kakaiba sya? mula sa hitsura, kakayahan at lahat?

"nung unang banal na digmaan sa kalangitan nang ipatapon ang pinuno ng Sheol na si Lucifer dahil sa tangka nyang pagrebelde sa Dyos, kasama nyang nahulog sa karimlan ang mga ninuno ninyo---kayo ni Sorelle." tukoy nito sa babaeng kasama. "nang malaglag sila, namuhay sila sa iba't-ibang dako ng sansinukob. meron sa lupa, tubig at himpapawid. at ang iyong pinagmulan, ay ang mga itinakwil na mga anghel na piniling mamuhay bilang mga nilalang ng kalangitan. isang araw iyun, nang bata pa ang daigdig---nagmahal ang iyong ninuno sa isang mortal na babae mula sa lahi ni Adan at Eba, ang unang tao sa mundo mula ng nilikha ito ng Dakilang Lumikha."

"nagpanggap bilang tao ang iyong ninuno at nag-ibigan sila. yun ang unang lahi ng mga taong may dugong anghel. kayo ni Sorelle, magka-ugnay kayo sa isa't-isa. nung 1985, kami ang nagtanggal ng alaala mo sa mga mortal na kinilala mong magulang. inaatake kayo noon ng mga kampon ng isa pang itinakwil na piniling maging masama kesa gumawa ng mabuti. sya si Mattheos. magkasabwat sila ng necromancer at mangkukulam na si Aznarham o mas kilala sa panahong ito bilang si Nathalia. ngunit ang mga mortal na kinilala mong magulang, hindi sila ordinaryong mga tao lang. isang babaylan ang iyong ina at isa namang medium ang iyong ama. kaya ka hindi natunton kaagad ng mga kampon noon ni Matheos dahil sa protection spell na ginawa ng iyong kinilalang ina, para mapangalagaan ka kapag sila'y mawala na."

ngayong narinig nya ang paliwanag ni Magnus, naging malinaw sa kanya kung bakit sila noon kakaiba sa lahat. the reason why they were a recluse; and why her parents was not even surprised when she told them she could see ghosts, entities and other unlikely creatures.

ngunit nagsalubong ang kilay nya ng marinig din ang pamilyar na pangalan ng babaeng binanggit ni Magnus.

"Nathalia? you mean Nathalia Monseratti? isa din syang..i mean gaya nyo, n-natin?" tanong nya. tumango ito.

"ganun nga. magkasabwat na sila noon pa man. nakuha na ni Aznarham ang gusto nya. pero si Mattheos---hindi pa. at ikaw ang gusto nyang makuha para maisa-katuparan ang mga binabalak nya."

ang diretsahang sabi nito sa kanya. nangilabot sya sa nalaman. kilala nya ang IT Mogul na si Mattheos Mori. ito ang may-ari ng isa sa pinakamalaking internet service provider sa mundo.

kilala itong tuso at ganid pagdating sa negosyo. maugong ang balita na myembro ito ng Mafia at marami nang mga tao itong ipinatumba, lalo na yung mga nangahas na ibulgar ang mga ilegal nitong mga gawain. 'di nya akalaing kagaya nya rin ang damuhong yun.

"bakit? bakit ako ang habol nya? ano namang mahihita nya sa akin?" gulong-gulo na talaga sya. matatanggap nya sigurong 'di nga sya purong tao, pero bakit naman sya pag-iinteresan ng gahamang negosyante na yun?

"Cendelion. masanay ka na sa pangalang yan magmula ngayon. libong taon ka nang nabubuhay at 'di na mabilang ang mga pagkakataong isinilang kang muli sa iba't-ibang panahon at lahi. at ang huli mong buhay---ay nung 1980's hanggang ngayon. gusto ka nyang makuha dahil nakaukit sa 'yo ang palatandaan na magtuturo sa kinaroroonan ng Codex Sinaiticus...o nang Codex Covenant. isa iyong papan ng kasunduan sa pagitan ng Dios at tao. mula kay Noah at naipasa sa mga salinlahi nya. mas popular ito sa tawag na Dead Sea Scrolls..."

"Codex? Dead Sea Scrolls? jusko naman. alam ko kung ano ang Codex. maraming mga halang ang kaluluwang hackers na gusto itong mapasakanila. pero ano namang koneksyon ko sa mga yan?" this time, ang babae naman ang nagsalita.

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon