FIVE

141 7 0
                                    

"maganda kaya sa labas?" tanong nya sa tagasilbi habang sinusuklay nito ang mahaba nyang buhok.

"oo,sa natatandaan ko. pero antagal na noon, Sarah. hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa labas magmula nung mapunta kami dito." sagot nito. napayuko si Sarah.

"gusto kong makita ang mundo. gusto kong tumakbo sa labas,makakita ng mas malaking liwanag. ng mga hayop. gusto kong malaman ang pakiramdam ng hangin, magtampisaw sa dagat. gusto kong...maging malaya."

namuo ang mga luha sa mga mata nya na agad inagapan ng taga-silbi.

"tahan na,Sarah. huwag mo silang hayaan na pagsamantalahan ang kahinaan mo. hangga't mahina ka sa paningin nila, patuloy ka lang nilang gagamitin. magpakatatag ka, para makaalis tayo dito. kung kinailangang magmatigas ka,gawin mo. Sarah, makikita din natin ang mundo. may magliligtas din sa atin. naniniwala ako dun."

anito habang pinapahid ang mga luha nyang nagiging perlas na naman.

"Sarah, ba't nagiging ganito ang luha mo? ito yung dahilan kung bakit 'di ka nila pinapakawalan..."

umiling sya.

"hindi ko alam. w-wala akong m-matandaan. buong buhay ko,andito na ako. ito na ang nakikita ko. gusto ko nang makaalis."

anya,at pumunta sa nag-iisang bintana ng tore. pero wala syang nakikita kundi malawak na damuhan, kalsada at mga mga tumatakbong may mga kahon na di nya alam kung ano ang tawag.


"ano yung mga tumatakbong mga kahon? nakakatuwa sila." anya, at nakangiti. ang bilis nila tumakbo.

"sa natatandaan ko, mga sasakyan sila,Sarah. 'di ko nga lang alam kung ano nang mga hitsura nila ngayon. Sarao jeepney pa kasi yung naabutan ko."

anito, na natawa ng bahagya. na para bang may naalala itong kakatwang bagay.

"buti ka pa, may naabutan ka. ako---wala. ni hindi ko nga alam kung...kung Sarah ba talaga ang pangalan ko."

umalis na sya sa bintana at umupo sa silya, kaharap ang isang puting blangkong papel. blangko---gaya ng buhay nya.

walang maaaninag,

walang kabuhay-buhay.

ilang taon, dekada na ba sya tore na ito? may pag-asa pa kaya syang makalabas, makalaya? hindi nya alam. at ayaw na nyang umasa pa.
***************************


pagbalik nya sa trabaho, nagulat si Peregrine sa dami ng mga taga-media sa labas ng NBI. kaagad nyang nilapitan ang mga ito.

"mawalang galang na. ba't kayo nagkukumpulan dito?" pagtanong nya sa mga ito, sa kanya naman bumaling ang mga bubuyog na reporters at kanilang mga cameraman.
" anong nangyayari?"

"Agent Buenavidez, kayo ba ang hahawak sa nude photo scandal ni Amara Contreras? kailan nyo po sisimulan ang imbestigasyon? may lead na po ba kayo?" naririndi talaga sya sa mga taong ito. may respeto sya sa press freedom pero naiirita talaga sya sa mga reporters na kulang na lang, isubo sa bibig nya ang microphone. gustong-gusto na nyang paliparin ang mga ito palayo at nang umaliwalas ang paligid nya.

pero nagpipigil lang talaga sya. 'di nya itinago ng napakatagal ang sikreto nya para mabulgar lang sa ganitong paraan. hindi na nya pinatulan ang mga ito at pumasok sa loob. pati pala mga uniformed at civilian staff ng ahensya, nagkagulo din sa panauhin. napipikang sininghalan ang mga ito.

"magsitabi nga kayo!"



napalingon lahat sa kanya. nagkukumahog na bumalik sa kanilang mga trabaho ang mga ito, takot na takot. kilala sya ng mga ito. patas nga ang trato nya sa lahat at okay syang superior---pero strikto at mahigpit sya pagdating sa trabaho.

she's a no- nonsense kind of law enforcer at 'di sya magdadalawang isip na magbitaw ng masasakit na salita pag may pepetiks-pekiks sa kanilang tungkolin.

"kung sino man yang nilalang na yan sa loob ng opisina, 'di nyo dapat pinapabayaan ang mga trabaho nyo, mga bwiset. ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa atin? huwag nyo ngang dungisan ang magandang reputasyon ng ahensyang ito. umayos kayo. pag naulit pa to, ipapatapon ko kayo sa malalayong destino. mga Agents at staff kayo ng NBI. hindi kayo mga tsismosang kapitbahay!"

anya at pumasok sa complaints room kung saan tinatanggap ang mga taong may gustong ipahawak na kaso sa kanila. parang mga basang sisiw ang mga ito at nakayuko lang. masama ang timpla na nagbigay-galang sya sa chief nila at umupo. nakita nya na din ang panauhin.


"mabuti at andito ka na, Buenavidez." anang hepe nila. ngumiti lang ng konti si Peregrine. wala sya sa mood maging palabati ngayon.

"Agent Perry, this is the famous actress and model Amara Contreras. dumulog sya sa atin para mahuli ang nagpapakalat ng mga hubad nyang pictures online. and i want you to handle her case, Agent." sabi pa ng superior nya. napakamot si Perry sa kilay nya.

"permission to speak Sir, but i have my hands full as of now. and one of them is the Tancinco case. Cybercrime will accept the case, pero 'di ako ang hahawak nito." ang diretsahan nyang sagot sa hepe nila. nagkatinginan ang team nya, pati na ang ibang Agents na nanduon. nanibago ata sa awra nya ngayon.

dati kasi,nakangisi na sya papasok pa lang sa opisina. madalas pa nyang pinapaandaran ng mga pick-up lines nya ang mga complainants na dumating. at lahat ng mga kaso na may involve na VIP gaya ng artista na si Amara Contreras, sa kanya napupunta.

pero nanatili syang tahimik.lalo pa't napanaginipan na naman nya ang magician na iyun.


may pumasok na isang Agent sa loob ng opisina.

"mawalang galang na,Chief. may naghahanap po kay Agent Buenavidez." sabi pa nito. napalingon si Perry dito.

"sino?" tanong nya dito.

"Helena Tancinco at Sebastian Aquino po. nasa opisina nyo po sila." tumingin sya sa hepe nila.

"I have to go,Chief. Madrigal, Fuentez." tawag nya sa dalawa.

"yes, boss?" tugon ng mga ito.

"you handle Miss Contreras' case. permission to leave, Sir." anya,sumaludo at umalis. "you come with me,Luchavez and Arevalo. sige na."

nagkatinginan ang dalawa at agad sumunod. pagkarating nila sa opisina ni Perry, nanduon ang isang sopistikadang babae at isang naka-formal attire na lalaki.

"Mrs. Chan, Sir. kayo po pala. ano pong maipag-lilingkod ko?" anya at nakipagkamay dito.

"dala namin ang mga ebidensya na makakatulong sa pagdiin kay Belinda sa finile naming kaso,Agent. heto." ani Mr. Sebastian sabay abot sa kanya ng tatlong makakapal na brown envelopes at apat na flashdrives. kinuha nya ang mga iyun at tila nawala bigla ang bad mood nya.


kulang na lang magningning ang mga mata nya sa excitement ng makita ang mga files. may mga nakuha na syang solidong ebidensya laban sa matandang babae. idagdag pa ito. Belinda Tancinco is digging her own grave indeed.

"maraming salamat po dito. matagal ko na syang hina-hunting talaga. anlaking tulong po nito." anya.

"hindi lang yan sana ang ipapakilos namin sa inyo, Agent. gusto ko sanang alamin nyo rin ang nangyari sa pamangkin ko bago ang aksidente." ani Mrs.Chan sa kanya.

"pamangkin nyo ho? maari ko bang malaman kung sino,Maam?" usisa pa nya. nagkatinginan ang dalawa. bumuntong-hininga si Helena.

"kung maaari sana, Agent---tayo lang muna ang makakaalam ng identity nya. she's in coma right now at pino-protektahan ko sya laban sa mga nais manakit sa kanya." sagot nito. tumango si Peregrine.

"I swore to secrecy every bit of information you entrust me,Maam. nangangako po ako." anya, at itinaas pa ang kanang kamay. ngumiti ang ginang.

"thank you,Agent. si Major Marione Lewis Agcoili." tugon ng ginang sa kanya. "sya ang pamangkin ko."
***********************

maraming Salamat po sa nagbabasa nito, whoever you maybe.

sana po 🙏, mag-iwan po kayo ng comment.

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon