bahala na. may feelings man ito sa kanya, o wala. magtatapat na sya dito,anuman ang kahihinatnan nun. ang buhay, kahit bago pa o huli na,nag-iisa lang talaga. ilang beses ka mang ipanganak---iisang buhay lang ang meron ka. maaari iyung humaba, maaaring umikli.
but whatever that is, Life is both a blessing and a gift. you have to make the best out of it. kaya buo na ang desisyon nyang sabihin ang nararamdaman nya kay Sarah. may katumbas man ang feelings nya o unrequited love ang kalalabasan. kagaya nga ng sabi ni Magnus---huling life cycle nya na ito. kaya gagawin na nya ang mga magagawa nya pa, para wala na syang pagsisisihan pa.
kaya inaya nya ito na mag stargazing sa rooftop ng bahay. magkatabi silang dalawa, nakasandal sa pader. kagaya nung nag-usap sila nina Magnus at Sorelle, maaliwalas ang kalangitan. punong-puno ito ng mga lagsa-lagsang bituin.
"kita mo ang tala na yun?" anya, at tinuro ang pinaka-makinang na bituin. ngumiti ito at tumango.
"yan ang Polaris. ang Northern Star."
"ang ganda at ang kinang nya. kumikislap pa sya,oh." ang natutuwang sambit nito.
"ang bituing iyan ang pinaka-makinang sa lahat. nagsisilbi syang gabay sa mga naglalayag at mga taong naliligaw. ang sabi pa nga nila dati, kapag nakita mo ang Polaris---ramdam mo na hindi ka nag-iisa. na lagi kang may kasama, nakatanaw sa 'yo mula sa malayo. 'di mo man maabot at mahawakan-di ka pa rin iniiwan."
Sarah look up to her---her soulful hazel green orbs mirrors the beauty of the stars. huminga ng malalim si Peregrine at sinalubong ang titig ng mga mata nito.
"mahal kita,Sarah. mula nung una kitang makilala, hanggang ngayon. hindi tiyak ang takbo ng buhay-kaya ayoko nang magsayang pa ng oras. wala pa akong minahal ng ganito buong buhay ko. gusto kong malaman mo ito, at tanggap ko anuman ang desisyon mo. wala akong hinihintayng kung anuman mula sa 'yo---sapat na sa akin...na... alam mo na." anya, without breaking eye contact with her.
mahabang katahimikan ang dumaan. 'di ito sumagot pero umusog ito palapit sa kanya at sumandal.
inakap sya nito sa tagiliran. Perry's heart jumped the moment Sarah snuggle close to her. inakbayan nya ito at hinaplos ang malambot nitong buhok.
"magaan ang pakiramdam ko pag nandyan ka. masaya ang puso ko kapag hawak ko ang kamay mo. pinaparamdam mo sa 'kin na mahalaga ako, na may nagmamahal sa 'kin. hindi ko alam kung pa'no ba magmahal---'di ko pa kasi naranasan yun. pero..." tumingala ito sa kanya at ngumiti. it made her even more beautiful. "mahalaga ka sa akin, Perry. gusto ko na lagi kitang kasama. ligtas ako kapag kasama kita. hindi ko na ata kayang mabuhay kung wala ka sa tabi ko. m-mahal...mahal din kita." Sarah said, blushing hard.
yumakap ito ulit sa kanya at itinago ang mukha sa kanyang leeg. Peregrine hug her tightly, tears running down her face. hinalikan nya ang noo nito ng ubod ng pagmamahal. ang mga narinig nya mula dito ang pinaka-magandang pangyayari sa buhay nya. handa na syang tumanggap ng pagkabigo sa pag-aakalang 'di sila pareho ng nararamdaman. daig pa nya ang naabot ang kanyang North Star.
************magmula nang gabing yun, lagi nang magkasama ang dalawa. walang araw at sandali na hindi sila naging masaya kahit paikot-ikot lang sila sa buong isla. laging pinapadama nina Peregrine at Sarah kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. pero kahit madalas silang maging intimate, 'di hinahayaan ni Peregrine na matangay sya ng tukso. mas malaki ang pag-ibig nya para dito kesa sa tawag ng laman.
"ang ganda na nyan, mahal ko. okay na yan." anya sa girlfriend habang gumagawa ito ng sand castle, na laging nasisira nina Aning at ng alaga nitong kuneho na si Kara. panay kasi ang habulan ng dalawa sa buhanginan. kinuhanan nya ito ng larawan na ikinatuwa nito. masaya silang nagmamahalan---'di ramdam ang pares ng matatalim na mga mata na nasa labas ng isla na kanina pa sila pinagma-masdang dalawa.
"mukhang may nakita na kong kahinaan ng Nephilim. ang kailangan na lang natin ngayon ay mapasok ang kalasag ng isla. tayo na. ibabalita ko pa to kay Boss." muling lumubog sa tubig ang submarine at naglaho.
******************"saan ba talaga tayo p-pupunta?" tanong nito habang ginigiya nya ito sa surpresa nya ngayong gabi.
"basta. malapit na tayo. magtiwala ka sa kin,okay? 'di kita hahayaang matapilok man lang,mahal ko." anya dito at hinalikan ito sa sintido. naka-piring kasi ito at mahigpit na nakakapit sa kanya. binabaybay nila ang pathway na nilagyan nya ng sandamakmak na mga spring flowers, rosas at orchids.
"mga bulaklak ba tong naaapakan ko? ang lalambot,eh." tanong nito habang naglalakad sila.
"yes. wag kang mag-alala, makikita mo sila pag nakarating na tayo." anya. finally, huminto na sila sa gitna ng santwaryo.
"andito na tayo,mahal." ani Perry at tinanhal ang piring nito. unti-unti itong dumilat, at tiningnan ang paligid. bakas sa mukha nito ang tuwa at pagkamangha. nagningning ang gabi 'di lang dahil sa liwanag ng buwan, kundi dahil sa mga nagkalat na mga lambana, gintong alikabok at mga alitaptap. napakaganda ng babaeng minamahal nya sa suot nitong white sleeveless long gown at flower crown.
then, a soft, enticing and lovely piano song played. pagtingin ni Sarah, it was Sorelle playing the instrument. Perry held out her hand.
"maaari ba kitang isayaw, mahal ko?" tanong nito. she smiled and took her hand.
The day we met, frozen i held my breath
right from the start, i knew i found a home for my heart beats fast
colors and promises
how to be brave
how can i love when i'm afraid to fallwatching you stand alone
all of my doubts suddenly
goes away somehow
one step closer...I have died everyday, waiting for you
Darling don't be afraid i have loved you for a Thousand years
I'll love you for a Thousand more...."nagustohan mo ba?" tanong nito sa kanya habang mabagal silang sumasayaw sa saliw ng awitin. nakakawit ang mga braso nya sa leeg nito, habang yakap nito ang bewang nya. Sarah reach out a hand to touch Peregrine's face and caress it.
ang mukhang laging maaliwalas, mga mata at labi na laging nakangiti.
mahal na mahal nya ito---
at ito lang ang gusto nyang makasama habang-buhay....
********†******************
BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Fantasypaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...