Chapter 15
Daniah
" Eh ano kaya sa tingin mo? Bakit naman kaya biglang sumulpot sya dun sa botique D?" kanina pa ako kinukulit ni Chichi mula ng makauwi kami galing sa mall. Nagpasya kami na mag take out na lang ng kakainin at dito na lang sa bahay kainin yun. Ngayon ay nandito kami sa sala at kasalukuyang kinakain ang iba't ibang pagkain na nabili namin.
"Siguro naman nakita mo na kilala sya ni Carl, siguro magkaibigan sila.." sagot ko habang ngumunguya ng moshi manju, sa lahat ng matatamis ay ito talaga ang paborito ko.
"Kung ganun nga, bakit naman siya magprepresentang bayaran yung binili mo?eh hindi naman kayo magkakilala eh, well alam ko nagkabungguan din kayo the last time na nagkwento ka sakin. Pero, how come na gagawin niya yun without talking? Basta na lang binayaran, tapos nagmamadaling umalis?" dagdag pa niya, curious talaga sya sa misteryosong lalaki knina.
"Siguro dahil nakita niya na nag offer ng tulong si Carl, pero nagkataon na wala rin palang dalang wallet. Kaya nagkusa na siya, para sa kaibigan niya.." pilit kong pagpapaunawa kay Chichi. Parang gusto kasing palabasin ni Chichi na interesado sakin ang lalaking yun. Pero sa tingin ko, ginawa lang nya yun para kay Carl, para makaalis na sila, isa pa, mukhang nagmamadali din kasi siya. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit hindi man lang siya nagsalita ni ha ni ho, at basta na nga lang sumulpot at binayaran pa yung item ko. Bigla kong ipinatong sa ang box ng moshi manju sa katabi kong unan ng may maalala.
"Naku! Hindi kaya.." dahan dahan akong lumingon kay Chichi na nabitin naman ang pagsubo ng kinakaing siomai.
"Ano D?" agad naman nitong tanong. Ikinwento ko sa kanya iyong eksena sa store nung pagkatapos kong inassist si Carl, nung may sumulpot na lalaki sa likuran ko at kinausap ito.
"How many times do I have to tell you, do not flirt with my employees..?, ganyan yung pagkakasabi niya, kaboses na kaboses niya iyong nagsalita at kumausap kay Carl, hindi kaya siya at yung nagbayad ng item ko kanina ay iisa??my employees daw..my..Chi..hindi kaya sya yung may ari ng Empire?" ulit ulit kong sabi kay Chichi.
"Eh kasi bakit di ka lumingon para nasigurado mo eh..tsaka sabi sa mga tsismis, di raw nagpapakita sa public yung may ari. Baka para maprotektahan din nya ang sarili nya diba..kung ikaw ba naman sobrang yaman, maraming threat sa buhay mo malamang.., tsaka hindi naman natin alam kung binata nga ba o matanda na yung may ari ng Empire.." kibit balikat lang na tugon niya.
"Medyo natulala kasi ako, at kinabahan na baka sya nga yung nakabungguan ko sa tapat ng elevator eh, natakot ako na baka makilala niya ko at maalala nya yung chatting namin ni Clarisse." naalala ko tuloy kung paano niyang nilapit ang kanyang mukha saakin nung araw na yun. Pati yung amoy niya. Napaka bango..
"Tingin ko, kung sya man yun, wala na yun sa kanya, at kung nagkataon naman na siya nga ang may ari dahil sa sinasabi mong narinig mo, aba D..maswerte ka at hindi ka niya pinagalitan, or worst..sinisante.." pagkuway ngumiti ito dahilan para lumabas ang isang dimple niya sa pisngi. Oo nga ano, pareho silang may dimple ni Carl. Natawa na lang ako ng maalala ko kung pano sila nagsagutan kanina. Tingin ko ay magiging mortal silang magkaaway kung palagi silang magkikita.
------------------
Malalim na ang gabi, at heto ako..hindi pa rin inaantok. Minsan lang naman akong ganito, pero kapag sinumpong, talaga namang inaabot ako ng umaga sa pagiisip. Kaya naka earphone ako ngayon para marelax ang isip ko at makatulog na. Pero napakaring tumatakbo sa isip ko. Napakaraming tanong pa rin ang gusto kong masagot.
"Kamusta ka na kaya ngayon? Naaalala mo pa kaya ako? Nasan ka na? Hinahanap mo rin kaya ako?" mahinang bulong ko sa sarili ko. Hindi na sana ako iiyak..pero agad tumulo ang mga luha ko ng marinig ang kantang "Jealous" ni Labrinth. Oh..
Sa mahigit isang taon na nakalipas, totoong may kurot parin ang alaala ni John. Kung mahal ko pa siya, hindi ko alam. Iniisip ko, na baka kaylangan ko lang ng closure. Kaylangan ko lang marinig mula sa kanya na masaya na siya ngayon sa kinalalagyan niya. Iyon lang naman ang lagi kong hinihiling sa twing pumapasok siya sa alaala ko. Na sana, nasa mabuting kalagayan siya, at malayo sa anumang kapahamakan. Nung umalis siya ng walang paalam, akala ko hindi ko kakayanin.
Akala ko mawawala ako sa katinuan dahil hindi ko lubos maisip kung paano ang magiging buhay ko kung wala na siya. Akala ko, hihinto na noon ang mundo ko. Napakabigat sa dibdib, na kahit ihinga mo ng malalim, ay lalo lang bumibigat sa pakiramdam.
Sa naging pagsasama namin ni John, ramdam kong totoo ang kasiyahang nararamdaman ko sa araw araw. At ramdam kong tunay rin ang kasiyahang nararamdaman niya. Ang tanging tanong ko lang talaga ay kung bakit..bakit sa isang iglap ay nagbago ang lahat.
Malaki ang pasasalamat ko kay Chichi, at lagi ko iyong sinasabi sa kanya. Na kung hindi dahil sa kabutihan niyang patuluyin ako sa bahay na ito, ay hindi ko yata alam kung anong buhay meron ako ngayon. Naiinis akong isipin na nung una ay pinag dudahan ko pa siya, sa nangyari kasi sakin, nasaling ang tiwala ko. Natatakot na akong magtiwala uli. Pero si Chichi ang nagparamdam sa akin na hindi masamang subukan na magtiwala uli. Wala man akong matatawag na pamilya, si Chichi lang sa tabi ko ay ok na ako. Kahit ang pamilya niya, sobrang bait sa akin, makailang ulit na rin kasing dumalaw rito ang nanay at tatay niya. Pati na rin ang iba niyang mga kapatid. Napaka swerte ko at nakilala ko ang mga taong tulad nila. So..bakit ka pa umiiyak Daniah? Tanong ko sa sarili ko. Napaka swerte ko dahil nabigyan pa ako ng pagkakataon na maging maligaya at maging kontento, hindi man sa piling ng taong minahal ko..kundi sa piling ng mabubuting tao sa paligid ko. Nang maisip yun ay malungkot akong napangiti. Pasasaan ba, at tuluyan na magiging buo na uli ang mga ngiti mo Daniah..
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
RomanceMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...