My Heart's Angel
Chapter 38
Daniah
Mabilis na lumipas ang mga araw, dumaan na ang birthday ko, at nadagdagan na naman ang edad ko. Natupad ko na rin naman ang plano kong magpakain ng mga aso at pusa sa isang shelter. Nakakatuwa at memorable ang experience kong iyon, isa pa, dahil nagpumilit si Chichi na sumama sa akin, kahit kapwa naming alam na mayroon siyang hika. Nag suot na lamang siya ng face mask para proteksyon. Iyon na yata ang pinaka masayang birthday ko. Tuwang tuwa ako sa ingay ng mga asong nagtatahulan, ang mga mata nilang nangungusap. Ang pagwagayway ng mga buntot nila tanda na masaya silang makita ka. Sa labis na katuwaan ko, pakiramdam ko ay magiging tradisyon ko na iyon taon taon.
Si John naman ay panay ang text, binati rin ako nito noong Birthday ko, at ilang beses na ring nagtatangkang tumawag. Pero ni minsan ay hindi ko ito sinagot, hindi rin ako nagrereply sa mga text niya. Hindi ako komportable na kausapin pa siya, ngayong malinaw na sa akin ang lahat. Hindi ko na siya mahal. Naghintay lang ako ng dalawang taon, para mabigyang linaw ang lahat. Siguro isang araw, makakaya ko na ring sabihin sa kanya na, okay na ako. Pero sa ngayon, hindi pa ako handang mag bukas ng komunikasyon para sa kanya.
Lumipas na rin ang Pasko. Nahihiya man ako ay doon pa rin ako kila Chichi nagdiwang ng pasko. Gaya dati ay masaya ang pasko sa kanila, kainan, kantahan, sayawan, pati ang mga pamangkin niyang maliliit ay talaga namang nakakatuwa. Syempre dahil wala naman akong mga batang inaanak, ay sa kanila na lang ako nagbigay ng mga aginaldo.
"Daniah anak, wag kang mahihiya ha?parang kapatid ka na ni Chichi, alam kong malapit na malapit sayo ang anak ko na yan. Salamat nga pala sa pagaalaga mo sa kanya kahit halos magka edad lang kayo, alam mo naman ang kaibigan mo na yan..minsan isip bata pa rin.." nakangiting sabi ni Nanay Flora, ang nanay ni Chichi. Isa na yata siya sa pinaka mabait na nanay na nakilala ko. Napaka swerte ni Chichi sa nanay niya, at ako na rin. Hindi man niya ako anak, sa twing tatawag siya para kamustahin si Chichi, ay hindi niya nakakalimutan na kmustahin rin ako. Sa twing dadalaw siya sa bahay, palagi ring siyang may dalang lutong ulam, o mga prutas, baka raw kasi hindi kami nakakakain ng maayos ni Chichi dahil maikli lang ang oras namin sa bahay.
"Nay, wag po ninyong alalahanin iyon, kasi tama po kayo, parang kapatid ko na po iyang si Chichi, tsaka po..salamat din po dahil welcome po ako dito sa bahay ninyo, parang pamilya ko na rin po talaga kayong lahat dito.." sa sobrang katuwaan ko, dahil sa masasayang mukha sa paligid ko, hindi ko napigilang maluha.
"Naku..bata ka..huwag kang umiyak dito..ang bahay na ito ay puro kasiyahan lang ang alam ng mga tao..walang lugar para sa mga luha mong iyan.." natatawang pinahid nito ang mga luha ko ng suot niyang apron. Natatawa naman ako sa ginawa niyang iyon.
"Nay..amoy ulam na yung mukha ko.." biro ko rito.
"Naku..eh..sorry..ikaw naman kasi, hala pumunta ka na muna doon sa sala at makisaya ka na doon, ako naman ay matatapos na dito sa kusina.." taboy nito sa akin. Magaan ang loob kong tumungo sa sala at nakisaya sa pamilya ni Chichi. Pamilyang ni minsan ay hindi ko naranasan na magkaroon. Pero ganun pa man, ay nagpapasalamat pa rin ako at binigyan ako ng pagkakataong maging masaya lalo na sa araw ng Pasko.
--------
"D..." tawag ni Chichi sa akin habang inihahanda ang mga gagamitin niya sa kusina at ako naman ay naghihiwa pa ng ibang rekado para sa pansit na lulutuin niya, wala namang okasyon, naisipan lang namin kumain ng pansit.
"Uhmmm?" tanging sagot ko sa kanya na hindi inaalis ang mata sa repolyong hinihiwa ko.
"Gusto mo bang umattend sa Year End Party ng Empire?" Oo nga pala. Gaya ng taon taong nakasanayan, nagkakaroon ng Year End Party ang Empire at ginaganap iyon bago matapos ang taon. Pero matapos ng nangyari sa amin ni Mr. Romano, bigla ay nawalan na ako ng ganang pumunta.
"Uhmm..parang ayaw na gusto ko Chi.." kibit balikat kong sagot.
"Parang ayaw na gusto? Ano kaya yun.." masungit na tanong nito.
"Kung pupunta ka, pupunta ako.." baling ko naman.
"Ayun..ganun dapat ang sagot..sige, attend tayo..Winter Wonderland yung theme..mukhang nakaka excite naman.." Winter Wonderland? Ano namang klaseng theme iyon? Iniwan nito ang ginagawa sa kusina at kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa taas ng ref at tila nagmamadaling nag send ng message.
"Winter Wonderland? Mukhang bongga na naman ang set up sa Atrium niyan.." tama. Hindi naman kasi kuripot ang Empire pagdating sa mga ganitong okasyon. Bigay todo kung magpa party ang mga Boss.
"Oo, bongga yun malamang. Tsaka nga pala, dahil aattend ka na, nag confirmed na rin ako kay Ma'am Greta na tuloy ang intermission number mo ha, ngayon lang!" bigla akong napalingon sa sinabi niya.
"Intermission number? A-ano yun..? H-huwag mong sabihi-" pinigil ko ang paghinga ko ng putulin niya ang sasabihin ko.
"Kakanta ka sa Year End Party.." walang anumang sabi nito.
"Anoooo?s-sinong may sabing kakanta ako? Panong nangya-" syempre pinutol niya uli ang sasabihin ko.
"Ako! Naghahanap kasi sila ng mga may talent na pwedeng mag special number..isa ako sa kinukuha, eh wala ako sa mood sumayaw eh, kaya ikaw na lang ang sinabi ko, sabi ko magaling kang kumanta!" hala kang bata ka.
"Hala?bakit ako?naku naman Chichi, bakit mo naman ako pinahamak?" wala pa man ay kinakabahan na ko.
"Anung pinahamak? Pasisikatin pa nga kita D eh..!" Santisima.
"Chichi! Alam mo naman hindi ako kumakanta sa harap ng maraming tao. Baka hindi pa man naguumpisa, himatayin na ko dun.." tumayo na ako at di mapakaling niligpit ang mg pinag gamitan ko sa lamesa.
"D..makinig ka nga.." lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa dalawang balikat.
"Syempre naman alam ko iyon. Hindi ka talaga komportableng kumanta sa maraming tao. May plano na ako para dyan. Huwag kang mag alala.." niyakap niya pa ako at niyugyog yugyog.
"P-pero Chichi, hindi ko kaya.." tanggi ko pa rin.
"Kaya mo D..tsaka nandun ako ano..hindi kita pababayaan.." kung umasta ito akala mo ay kasama siyang papanik sa stage.
"Sige..mag isip ka na kung anong kakantahin mo ha, kahit ano lang naman eh..special number lang naman..tsaka sa makalawa ng yun ah?" Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang babaeng ito, siguro ay nagalit na ako sa kanya. Sa twing nagkakatuwaan kaming dalawa ay nagvivideoke kami dito sa bahay, at palagi niyang sinasabi na maganda raw ang boses ko, at pag may chance daw ay pasisikatin raw niya ako, palagi niyang biro. Madalas pa ay kung ano ano ang pinakakanta niya sa akin, kaya sa huli, puro ako na lang ang kumakanta, at siya ay tagapakinig at taga cheer na lamang habang inuubos ang pagkain namin at inumin. Ganun pa man, kahit kaylan ay hindi ko naranasang kumanta sa harap ng maraming tao. Hindi rin ako panatag na hindi magkakaproblema kapag nangyari yun. Haay..Chichi ano ba itong ginawa mo? Hindi yata ako makakatulog, dalawang araw na lang mula ngayon? Santisima.
itutuloy..
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
Roman d'amourMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...