Chapter 12

886 24 0
                                    

Surprise POV❤

Chapter 12

Carlisle

Damn that man, where is he?. Kung hindi ko lang bestfriend ang taong ito, I really won't spend a week here. I'm currently sitting inside a famous coffe shop, at almost 30 minutes na akong naghihintay. I'm making myself busy looking around and eye flirting with some girls. But now, Im starting to get bored. Kung sana umuwi na lang ako kagabi sa penthouse niya at hindi nagpakalasing ng husto, baka sabay pa kaming nagpunta dito sa Empire ngayon. Heto tuloy ako at naghihintay sa pagdating niya para sabay kaming pumunta sa office ni Tita Greta. Nung tumawag siya sa akin 30 minutes ago, he said he's on the way, and now I keep on calling and texting him, but that man doesn't know how to answer his fucking phone.

I decided to roam around, Xavier really has a class when it comes to exteriors and interiors of his malls. Even the tenant botiques and brands are classy. Once you enter, you'll be getting the perception na mahal ang mga items dito, though meron din namang iilang brands na affordable and cheap. Nakakainip man magpa ikot ikot,.pero mas ok na ito, kesa nakaupo lang ako sa coffee shop na iyon, lalo lang sumasakit ang ulo ko dala ng hangover. I can sense people, specially women gawking at me. Well, what can I do, If I was born with a Godlike features. Nangingiti pa ko at iiling iling habang papaliko sa kanang bahagi ng isang botique.

Nayanig ako ng bahagya ng may katawan na nabunggo sa pagliko ko, as an instinct, I have to stand firm, para di ako ma out balance, na ikinatumba naman ng kasalubong ko. Not one, but two. Two cute girls huh..ang isa napaupo sa sahig, ang isa naman ay napatid at padapang bumagsak sa kaibigan niya. Gusto kong humalakhak sa itsura nilang dalawa, parang isang eksena lang sa comedy ang nangyari.

"Oh! Look at you two..so cute..!" ang nasabi ko habang pinagmamasdan sila. Pero ng tumingala ang babaeng nakadapa, ay agad ko siyang nakilala. Yung magandang sales assistant sa Empire. Tama, si Daniah.

"Hi Daniah! Nice to see you..again!" nakangiting bati ko sa kanya ng magtama ang aming paningin. Hindi na ako naka bwelong tulungan silang makatayo dahil mabilis lang rin naman silang nakabawi sa pagkakasalampak sa sahig na tiles.

"S-sir..kayo po pala.." sagot naman nito habang tumatayo. Magsasalita pa sana ko ng mapansin ko ang kaibigan niya. Maganda rin ang isang ito ah. Mas maliit nga lang ang height nya kumpara kay Daniah na sa tingin ko ay 5'4". Siguro 5 feet lang siya, pero di maikakailang malakas din ang appeal at nakakatawag din ng pansin ang presence nya.

"Hoy! Hindi ka man lang ba mag sosorry samin?na 2 in 1 mo kami dun ah?!" Oh! Feisty I see. Mukhang masayang asarin ang isang ito.

"Hey! It's not my fault that you two are in a hurry?" hinarap ko ito at bahagyang kinumpas ang kamay ko.

"Aba at kami pa ang may kasalanan?hindi mo ba nakita, kaming pang dalawa ang bumagsak sa sahig?" hindi talaga magpapatalo, mataray ang maliit na ito.

"Well, hindi ko rin kasalanan kung lampa ka, dinamay mo pa itong friend mo na hila hila mo!" sagot ko pa. Sa sarili ko ay natatawa ako sa mukha niya, game sa pakikipag diskusyon ang cute na babae na ito.

"Aba sumasagot ka pa! Hindi porke gwapo ka, hindi ka na marunong magsorry sa nabangga mo!" nang akmang babato ako uli ng linya ko, ay sumingit na sa usapan si Daniah.

"S-sir..pasensya na po, nagmamadali lang po talaga kami kaya hindi namin napansin na may kasalubong kami.." paghingi nito ng pasensya.

"D..bakit ka nagsosorry sa taong ya-" nagtatakang tanong naman ng kaibigan niya.

"Chi..tara na..bibilhin na natin yung dress na gusto mo..halika ka na.." putol naman nito sa sasabihin niya, agad hinawakan ang kamay niya para yakagin papasok sa botique.
Bago sila pumasok ay muling sumulyap at ngumiti pa ng alanganin si Daniah. She didn't snap, even in the worst position kanina. She's a keeper. A sweet talker. And her friend, oh..never mind. Nabaling ang tingin ko dito,and wow. She sticks her tongue at me bago tuluyang pumasok. Really?

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon