Epilogue

1.2K 28 0
                                    

Epilogue

My Heart's Angel

Daniah

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin. Ako nga ba ito? Hindi ko akalain na sa maikling panahon ay magbabago ng ganito ang buhay ko. Ang buhay ko na akala ko ay wala ng patutunguhan matapos akong mabigo sa una kong pagibig. Hindi ko inasahan na muli pa akong mabibigyan ng pagkakataong, magmahal at mahalin muli. Na hindi naman pala ako nakatadhanang magisa habang buhay. Na ang buhay ay hindi lamang umiikot sa sakit at pagdurusa, kundi paraan lamang niya ito, upang tayo ay ihanda sa surpresang naghihintay pagkatapos ng isang madilim na kahapon.

Pinahid ko ang patak ng luha sa aking pisngi ng bumukas ng pinto at iluwa nito si Chichi at ang nakangiting si Nanay Flora.

"Daniah anak, handa ka na ba? Oh..bakit umiiyak ka? May problema ba? May masakit ba sa iyo anak?" buong pagaalalang tanong nito. Nagmamadali namang lumapit ang mga ito sa akin.

"D? Bakit? Anung problema? Ayos ka lang ba? Masisira yung make up mo nyan eh.." takang tanong rin ni Chichi. Napangiti naman ako sa gesture na iyon ng mag ina. Napaka swerte ko, at naging malapit ako sa kanila. Sa katauhan ni Chichi ay nagkaroon ako ng kapatid, at sa katauhan naman ng kanyang nanay ay para na rin akong nagkaroon ng isang ina. Umiiling iling ako at muling pinahid ang aking mga luha.

"Sobrang hindi lang po ako makapaniwala sa nangyayari ngayon, Nanay Flora..Chichi.." inabot ko ang braso ni Nanay Flora at isinandig ang aking ulo.

"Daniah, gising..! Kung ano man ang nangyayari o mangyayari ngayon, ay iyon ang katotohanan. Ito ang iyong realidad. Ika nga sa fairy tale, ito ang iyong happy ending.." nakakagaan sa pakiramdam ang pagka lumanay ng boses nito. Tama. Hindi ako nananaginip. Totoong nangyayari ito. At ito na ang tinatawag nilang happy ending.

"Tama! May happy ending na ang istorya mo D! Yung sa akin kaya Nay? Kaylan kaya ang happy ending ko?" nakangusong sabi ni Chichi.

"Nako! Eh wala ngang nagtatangkang manligaw sayo eh..!" pang aasar naman ng kanyang nanay. Sabay sabay naman kaming napatingin sa pinto ng marinig ang sunod sunod na katok mula sa labas ng aking kwarto, ng bumukas ay sumilip ang isang kuya ni Chichi. Noong una ay pinipilit pa ako ni Xavier na sa isang hotel na lamang tumuloy isang linggo bago ang aming kasal, pero iginiit ko na mas komportable ako kung dito pa rin ako uuwi, at dito lahat gagawin ang preparasyon para sa aking sarili. Sa huli ay pumayag naman ito, sa isang kundisyon na magpapadala siya ng mga taga bantay sa labas ng bahay, para umano sa kaligtasan namin. Bagay na hindi na ako nakipagtalo pa, dahil alam kong ipipilit naman nito ang gusto.

"Daniah, nariyan na iyong kotseng maghahatid sayo sa simbahan.." pagkasabi noon ay biglang kabog ng dibdib ko. Totoo ngang nangyayari na ito. Kaunting oras na lamang at ikakasal na ako. Hindi na ako makapag hintay na makita si Xavier. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita, at gustong gusto ko na siyang masilayan at mahawakang muli.

Sa tulong ni Chichi at Nanay Flora ay maayos naman akong nakasakay sa isang nakapagandang puting sasakyan.

Napapalamutian ito ng malaking boquet ng mga bulaklak sa unahang bahagi, at pati ang bawat pintuan nito ay napapalibutan ng mga bulaklak. Dati ay sa tv ko lang napapanood ang ganito, hindi ko akalain na mararanasan ko rin pala. Napahinga ako ng malalim ng nagsimula ng umandar ang sasakyan.

"Nervous..are we?" awtomatiko akong napatingin sa front mirror ng sasakyan upang makita kung sino ang nagsalita. Dalawa lang kami. Ako at ang driver. Kaya ang ibig sabihin, ang nagsalita ay yung driver. Bahagya akong nabalot ng kaba ng maisip kung sino iyon. Agad kong sinipat ang lalaki mula sa kanyang likuran. Pamilyar ang kanyang pigura. Kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Carlisle?" takang tanong ko.

"At your service Ma'am!" nakangisi namang sagot nito.

"A-anong..B-bakit ikaw?" bakit siya ang driver? May problema ba?

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon