Chapter 41
My Heart's Angel
Daniah
Naalimpungatan ako sa lamig ng paligid. Bakit nga ba malamig? Giniginaw ako ng sobra. Kinapa ko ang kumot na nakatabing mula sa aking beywang at itinaas iyon hanggang sa aking balikat. Napaka lambot naman yata ng higaan ko ngayon? At napakabango ng paligid. Amoy..amoy Mr. Romano? Bigla ay napakislot ako sa pagkakahiga, pero ngayon ko lamang naramdamang may mabigat na bagay na nakadagan sa gawing beywang ko. Bigla akong nakaramdam ng takot ng maisip na baka may nakapasok na kung ano sa kwarto ko. Dahan dahan kong sinalat ang bagay na iyon, at gayon na lamang ang gulat ko ng mapagtantong braso iyon. Sa takot ko ay bigla akong napalingon sa estrangherong katabi ko.
Napapikit ang isa kong mata sa biglaang paglingon ko, nahilo akong bigla. Malamlam ang ilaw sa likod ng estranghero, ngunit gayun pa man ay kilalang kilala ko ang may ari ng mga brasong ito. Ang amoy niya..ang napaka bangong amoy ng kanyang pabango na nanunuot sa ilong ko. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Nang makaharap ako, ay dahan dahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Malamig ang mukha nito, hindi gaya ng palad ko na sobrang init. Hinaplos ko ang kanyang magagandang mata, ang makinis niyang pisngi, ng matangos na ilong, at ang kanyang mga labi, na iilang beses ng nakanakaw ng halik sakin. Hindi ko alam kung nasaan ako, at kung bakit narito ako, parang lumulutang kasi ang pakiramdam ko, pero gusto ko ang nakikita ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit nandirito siya kasama ko, at katabi ko pa sa pagtulog. Unti unting nagbalik sa alaala ko ang huling tagpo bago ako nawalan ng malay. Tama. Nawalan ako ng malay kanina lang, o kagabi pa. Hindi ko rin alam kung maliwanag na ba sa labas, o gabi pa rin. Napansin kong hindi pa ito nakakapagpalit ng kanyang damit. Nakasuot pa ito ng grey button up shirt. Nakakaawa naman ang taong ito, siguro ay puro trabaho na lang ang inaatupag sa buhay. Sa ilang beses na nagkasama kami, ay hindi naman nito nababanggit kung may pamilya pa siya, o kapatid. Tanging si Carlisle lang ang alam kong malapit sa kanya. Ano kaya ang nagpapasaya sa kanya? Masaya kaya siya sa buhay niya? Uminit ang aking mga mata sa isiping baka wala ring itong pamilya gaya ko. Muli kong hinaplos ang kanyang pisngi, habang tahimik na lumuluha.
"Alam kong may dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ba ako sa buhay mo. Lulubog lilitaw ka man, masaya pa rin ako dahil bigla kitang nakikita ng hindi ko inaasahan. Gusto ko lang sabihing, napapalukso mo ang puso ko sa mga titig mo pa lang..at masaya ako dahil nakilala kita.." mahinang bulong ko.
"If you're happy, why are you crying..?" bigla ay pinahid ko ang mga luha ko ng magsalita ito. Naku naman! Santisima! Napalakas yata yung bulong ko. Ano ka ba naman Daniah, kahit kaylan ka talaga!
"Uh..uhmm..gising k-ka?" natataranta kong tanong.
"No..I'm sleeping.." Anak ng! Syempre gising siya, kaya nga naririnig ka niya? Isang mapang asar na ngiti ang sumilay sa magagandang labi nito. Lalo pala itong gumagwapo kapag bagong gising.
Naramdaman ko na lamang na ipinasok nito ang kanyang katawan sa loob ng kumot, at tsaka ako maingat na inilapit sa kanya. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.
"You still need to sleep, you have a fever you know?" wika nito na dumadampi dampi pa ang labi sa aking leeg habang nagsasalita. Kinikilabutan man ay pilit akong hindi nagpa apekto.
"T-tama.." maikli kong sagot. Hindi apektado pero hindi makapagsalita ng tuwid Daniah?
"Okay..Let's sleep again.." anito, bago humalik sa gilid ng aking mata at hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Haay..may sakit nga ako, lalo kasi akong nahihilo sa ginagawa ng lalaking ito.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakomportable sa ganoong posisyon namin. Malalim na rin ang kanyang pagtulog dahil hindi na ito gumalaw pa. Kung sana palagong ganito. Kaso hindi.
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
RomanceMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...