Chapter 20

793 12 0
                                    

Chapter 20

Daniah

"I am very sorry for the late advice Daniah iha. Niccolo has to go back to manila early tomorrow, so we need to set the dinner date tonight.." late advice nga. Pero hindi ko naman makuhang mainis kay Mam Greta, humingi pa ito ng paumanhin. Ang akala ko nga lang ay sa isang linggo pa ang date na yun, iyon kasi ang sabi matapos ang branch anniversary tatlong araw na ang nakakaraan.

"Ah..wala naman po sanang problema Mam, ang kaso po..wala pa po kasi akong maisusuot, ang buong akala ko po kasi ay sa susunod na linggo pa naka set ang dinner.." nahihiya kong sabi.

"Hindi ko rin inasahan iyong biglaang advice ni Xavier iha. But don't you worry, I already set an appointment to the salon, and ako na ang bahala sa susuutin mo. Actually, it was already delivered just an hour ago. Come..check it out.." tumayo ito at marahan akong hinila patungo sa couch ng kanyang opisina.

Doon ay nakapatong ng dalawang kahon, isang maliit at isang medyo may kalakihan.

"Come iha, open it.." nakangiting aya ng mabait naming branch manager. Sa totoo lang, hindi ko akalaing makakasalamuha ko ang aming boss. Kalimitan kasi, nagpupunta lang ako dito sa office kapag nauutusan ng department manager para mag hatid ng kung ano ano, reports, documents for signing, minsan pagkain na niluluto nito para kay Mam Greta. At ngayon nitong mga nakaraang araw, madalas kaming nagkakausap, kapag nag iikot ito sa selling area at nakikita ako humihinto ito at saglit na nakikipag usap. Nakakatuwa sa pakiramdam na kahit mataas ang posisyon niya ay humble pa rin si Mam. Mararamdaman mo rin na sinsero sya sa pakikitungo sa iyo.

Dahan dahan akong lumapit sa couch, unti unti akong nakakaramdam ng hiya. Bakit naman nag abala pa ito na ipamili ako ng susuotin para sa dinner na iyon. Ganun ba ka importante ang dinner?Uhmm..baka naman nagmagandang loob lang ito dahil wala nga namang pasabi na ngayong gabi na ang dinner. Naupo ako at binuksan ang unang kahon. Tumambad sa akin ang isang kulay itim na dress, agad akong tumingin kay Mam Greta.

"M-mam, sobra naman po yata ito, may maisusuot naman po siguro ako mamaya, maghahanap lang po ako sa bahay.." nahihiya kong sabi.

"Oh..no..Nic- I mean, I prefered this dress for you, I know this will suit you. I..I personally picked that iha.." malambing na tugon nito. Alanganin akong napangiti. At tsaka ibinaling ang aking mata sa isa pang kahon. Hindi ako nagkamali, sapatos iyon na terno ang kulay sa dress. Medyo may kataasan nga lang, pero kaya ko naman siguro ilakad iyon, dahil sa tantya ko ay ganito kataas ang sapatos na gamit ko noong receptionist pa ako sa spa.

Ganun pa man, hindi ko maiwasang mag isip. Kung bakit kaylangan bigyan pa nila ako ng ganitong mga bagay, dahil ba hindi basta bastang tao si Mr. Romano?uhmm..tama nga naman. Hindi pwedeng kung ano lang ang suot ko, dahil makakasama ko ang isang taong tinitingala ng marami. Kagalang galang at nirerespeto. Ayaw lang siguro nilang mapahiya ito sa sandaling magkakasama kami. Sa isiping iyon ay napagpasyahan kong maki ayon na lang sa agos ng sitwasyon. Ayoko rin namang maging dahilan ng pagkapahiya, o usap usapan.

"Mam, hindi ko po alam kung pano ko po kayo pasasalamatan, kayo na po ang halos nag abala para sa mga tungkulin ko para sa dinner kasama ang CEO.."

"No..iha, remember, this is suppose to be a big day. Tama lang na paghandaan natin..para naman ma enjoy ninyong pareho ang gabing ito.." may himig pa yata ng panunukso ang tinig ni Mam.

"So, get your things now, you are free for the rest of the day, but be ready at 5pm, I'll be sending my driver to pick you and take you to the salon, doon ka na rin magbibihis. The dinner will start at 8:30pm.." paalala nito.

"Naku Mam, pwede pa naman po akong mag duty, wala naman po akong gagawin sa bahay.." tutol ko, kalabisan na yata kung hindi pa ako papasok, 12pm palang naman.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon