Chapter 11

920 15 0
                                    

Here's an update...enjoy❤

Chapter 11

Daniah

"Ika-"

"Ikaw na naman!!?" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil naunahan na ako ni Chichi.

"It seems you need a helping hand.." at gaya kaninang ng magkabanggaan kami, malapad pa rin ang pagkakangiti ng lalaking ito.

"Miss..I'll pay for her.." nakangiting nilingon nito ang kaherang, bahagyang nakanga nga sa pagkakatitig sa kanya. At doon ko lang napansin na may biloy pala siya sa kaliwang pisngi. Gwapo rin kasi ang isang ito. Hindi maikakailang, hindi naman siya ordinaryong lalake na basta mo na lang makakasalubong sa daan. Matangos ang ilong, maganda ang mata, matipuno at matangkad, aba't lahat yata ng babae sa pila ay namimilipit sa kilig.

"Ha? Naku S-sir! Hindi na po kaylangan..pina cancel na po namin, nalimutan ko lang po kasi talaga yung wallet ko sa bahay.." pagtanggi ko.

"While I'm waiting for someone outside this botique, I saw you fitting the dress..and as a curious handsome guy I am, pumasok ako then I heard everything. It really looks good on you. Kahit ako ay manghihinayang kung hindi mo ito maisusuot.." sinserong sagot nito. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa sariling handsome siya, dahil totoo naman. Mukha naman syang mabait, at mukhang gusto niya lang makatulong. Pero ganun pa man, ayokong magkaron ng utang na loob sa kanya dahil hindi ko naman siya lubos na kilala.

"Tingnan mo nga naman, akalain mo yung pagiging stalker mo ay may silbi pala?Sige, kung gusto mo, bayaran mo na para makabawi ka naman sa pagkakabangga mo sa amin kanina.." pagtataray pa rin ni Chichi.

"Miss 5 feet..." Oh..oh..ginawa niyang pangalan ang height ni Chichi. Halos matawa ako sa tawag niyang iyon, nagsalubong naman ang mga kilay ni Chichi ng marinig iyon.

"I..Am..not..a..stalker.., I just want to help. You see? Marami ng naaabala, humahaba na rin ang pila..Besides, Daniah has been good to me the first time we met, I'm just returning the favor.." marahang wika nito bahagyang lumapit at yumuko para magtama ang mga mata nila. Sa taas ng lalaking ito, hanggang dibdib lang yata umabot ang kaibigan ko.

"Uh-uhmm..kaya nga ba-bayaran mo na.." tila naman na concious ang tigre kong kaibigan, namumula at nautal pa sa pagsagot, pagkasabi niyon ay bahagya itong umatras tanda na hindi na sasabat pa sa usapan.

"S-sir.." pati tuloy ako nautal na rin.

"It's Carlisle..you can call me Carl.." ibinaling nito ang paningin sakin, at muling ngumiti.

"Sir Carl.."

"No sir..just Carl.." pagtatama nito.

"Ca-carl..ok sige..nakakahiya man, pero sige pumapayag na ko, pero pangako ibabalik ko agad sayo kapag nakauwi na kami.." masyado na kaming matagal dito, parang gusto ko ng lamunin ng sahig dahil sa pagkakatitig sa amin ng mga kasunod namin sa pila. Kung tinanggap ko man ang alok nyang tulong, baka dahil yun sa kagustuhan matapos na ito, at makalabas na ng botique.

"Perfect!" masiglang sagot nito at tsaka muling humarap sa kahera.

"Alright miss.." at kinapa nito ang bulsa ng likurang bahagi ng kanyang pantalon, tsaka alanganing ngumiti..kinapa ang kanyang bulsa sa magkabilang gilid..wala..mukhang wala rin siyang mailalabas.

"Uhmm..looks like..I lost my wallet.." kakamot kamot sa ulong sabi nito.

"Ano?" nagkasabay pa kami ni Chichi. Wala din siyang dalang wallet. At ang malala pa ay nawawala ang wallet ito! Bigla naman akong na guilty sa narinig ko, kung hindi pa niya naisipang tulungan ako, hindi pa niya malalaman na nawawala ang wallet niya. Sana kainin na ko ng sahig..para makawala na sa sitwasyong ito.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon