Chapter 50

744 15 0
                                    

Chapter 50

My Heart's Angel

Daniah

Bakit nandito si Ms. Christine? Anong ginagawa niya rito sa gubat? Paanong nangyaring nandito siya?

"M-Ms. Christine?" paninigurado ko. Naaninag ko ang kanyang pigura sa liwanag ng buwan. Pero ng bahagyang pinisil ni Mr. Romano ang aking kamay ay napalingon ako rito.

"Oh..look who's here? Lovers in the woods?" tila may pang uuyam sa himig nito. Dahilan para iiwas ko ang tingin sa kanya. Nakita kaya niya ang nangyari? Hindi ba't siya ang girlfriend ni Mr. Romano? Hindi nga ba at nakita mo silang naghahalikan bago ka pa ma kidnap? Sa alaalang iyon ay bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay ni Mr. Romano. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili. Totoo ba? Nahihiya ka nga ba? O nasasaktan ka? Ramdam ko man na napalingon ito at bumuntong hininga, ay hindi ko ito pinansin, bagkus ay iniyakap ko ang mga braso ko sa aking sarili, at nagkunwaring nilalamig. Bagay na totoo rin naman, dahil sa sira sira kong damit.

"And what a woman like you is doing in the woods of Batangas?" anito ng muling ibaling ang tingin sa babaeng nasa harapan namin, bago ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon.

"Hindi ba pwedeng nagpapahangin lang? Huh? Xavier?" tumawa ito ng tawang akala mo ay nangaakit.

"And when did you have the permission to call me Xavier?" ganting tanong naman ni Mr. Romano.

"Oh..enough with the formalities. After this, I'm not gonna be your employee anymore..So tell me, are enjoying yourself here?" nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"No. This is not actually my plan for the both of us..but it's quite good, as long us she's still with me.." seryosong sagot nito, na walang mababakas na reaksyon sa kanyang mukha.

"How sweet! But I guess, hanggang dito na lang ang sweet moments ninyong dalawa.." maya maya pa ay dahan dahan nitong iniangat ang isang kamay na hindi ko napansin na may hawak palang baril.

"I'm sure you know that I have a gun too..right?" sagot naman ni Mr. Romano, at tinaas rin ang kanyang kamay na may hawak ng baril.

"Ofcourse I know. It's for you to protect your princess..! And me? This is for me to fulfill all the plans of the person whom you and your family deprived the life to be happy!" Hindi ko maunawaan ang sinasabi niya.

"Oh..still oblivious of the facts Daniah? Do you have any idea why I am here? Do you think this was just a coincidence? Wake up bitch..!" nakuyom ko ang aking kamao, ano bang sinasabi niya? Ano ba ang hindi ko nalalaman?

"A-ano bang ibig mong sabihin? Ano ba ang nangyayari?" tanong ko rito.

"Ang lalaking yan ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ni Johansson! Nang lalaking mahal ko! Siya at pamilya niya! Sila ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay niya!" dinuro duro nito ng baril ang lalaking sinasabi niyang dahilan ng lahat. Si Mr. Romano. Hindi. Walang itong kasalanan. Walang ibang may kasalanan kundi si John lamang. Dahil kung hindi sana siya naghangad ng mga bagay na hindi para sa kanya, ay hindi magiging magulo ang lahat. At wala sanang madadamay na inosenteng mga buhay.

"Ginusto niya ang buhay na meron siya ngayon! Walang nagturo sa kanya na maging masama kundi ang sarili niya! Walang siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya!" sigaw ko. Hindi ko naiintindihan ang takbo ng mga isip nila. Bakit kailangan isisi sa ibang tao ang mga pagkakamali sa buhay na sila namam mismo ang may gawa.

Nanginginig ang boses ko alam ko. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Si Kuya Alex, at nanay ni Mr. Romano mga taong walang laban sa tulad nilang mga ganid. Muling nangilid ang mga luha ko ng biglang maalala ang huling ngiti ni Kuya Alex.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon