Chapter 39

579 13 0
                                    

My Heart's Angel

Chapter 39

Daniah

Bakit naman ngayon pa sumama ang pakiramdam ko? Para akong lalagnatin, kahapon ko pa ito nararamdaman, parang nananakit ang buo kong katawan at nanghihina. Ngayong gabi pa naman na iyong Year End Party. Kakayanin ko bang kumanta? Baka hindi na ko umabot mamaya at mukhang babagsak na ako. Gusto ko sanang mahiga at magpahinga na lang dito sa bahay. Kaya lang, nakakahiya naman kung biglaan ang abiso ko, nakakahiya kay Ma'am Greta. Hindi bale, pagkatapos na pagkatapos kong kumanta ay mauuna na lang akong umuwi kay Chichi.

Nagpasya akong uminom na lang muna ng gamot at maglinis ng bahay, para di tuluyang manghina. Mabuti na lang at day off ko ngayon. Si Chichi naman ay pang morning shift kaya maaga rin makakauwi ang isang yun, at sabay kaming tutungo uli sa Atrium. Hanggang ngayon ay labis labis ang kaba ko sa gagawin ko mamaya. Ito ang unang beses na gagawin ko ito, at hindi ko alam kung mairaraos ko ba ng maayos ang pagkanta ko mamaya.

Nakakabilib rin itong si Chichi. Kapag gusto niya talaga, talagang nakakagawa siya ng paraan. Gaya na lng ng naisip niyang ipasuot sa akin, dahil raw sa nahihiya akong kumanta sa harap ng maraming tao, ay nag rent pa siya ng puting hooded cape, at bumili ng puting maskara para raw bumagay sa theme na winter wonderland. Hindi ko maisip kung anong magiging itsura ko, pero sumangayon na lang ako, dahil maitatago nga naman ang mukha ko kapag isinuot ko ang mga iyon. Hindi ko rin kasi gustong maging tampulan ng tukso at atensyon kapag nalaman ng buong Empire na kakanta ako, o kumanta ako. Kaya mas mabuti na rin ang ideya ni Chichi.

Alas siete ng dumating si Chichi, sabay na kaming nag hapunan at naghanda para sa party. Napansin rin niyang parang matamlay ako, pero hindi ko na siya pinag alala at sinabing kaya ko naman. Pakiramdam ko ay ayos naman ang boses ko, at guminhawa naman ng kaunti ang pakiramdam ko matapos kong uminom uli ng gamot pagkatapos naming kumain. Dahil nakaligo naman na ako kaninang tanghali ay inuna na akong ayusan ni Chichi, pagdatong kasi sa mga bagay na ganito ay mas marunong ito at mas may alam kays sa akin. Kinulot niya ang hanggang beywang kong buhok, at siya na rin ang nag make up sa akin.

"D..mukhang may sinat ka nga?Okay ka lang ba talaga?Huwag na kaya tayong tumuloy?Magpahinga ka na lang D.." nagaalalang sabi nito matapos dampian ng palad ang aking noo.

"Okay lang ako Chi, kaya ko naman.. mamaya, pagkatapos ng kanta, mauuna na lang akong umuwi sayo ha?" paalam ko sa kanya.

"Sigurado ka ba?kung gusto mo, inform na natin ng committee na di ka makakapunta? Sana pala hindi na kita pinilit.." napangiti naman ako sa tuwa dahil sa pag aalala nito sa akin.

"Chichi..diba sabi mo kaya ko? Gusto kong makita mo akong kumanta sa harap ng maraming tao, kahit naka maskara ako, kahit ikaw lang ang nakakaalam na ako yun, masaya na ko, tsaka gusto ko maging proud ka sa kaibigan mo.." sana ay napawi ko ang pag aalala niya. Ngumiti nman ito at niyakao ako ng mahigpit.

"I love you D..tama ka, pangarap kong makita kang kumakanta at pinapahanga ang marami eh..kasi alam ko magaling ka talaga..mahiyain ka lang kasi! Tsaka proud ako sayo kahit hindi ka kumanta dun, proud ako kasi may kaibigan akong maalalahanin, maunawain, mabait at maganda pa.." niyakap ko na rin siya at saglit na nagpahinga sa balikat niya.

"I love you too Chyna Loui Limjuco.."

-----------

Matapos makapaghanda ay mabilis na kaming umalis para maaga rin makarating. Pagdating sa Atrium ay bumungad sa amin ang napakagandang set up nito. Ang entrance ay animo kweba na mayroong dalawang kulay puting usa sa magkabilang gilid, pag pasok sa loob ay bubungad naman ang naka set up na mini bar, at candy bar na mayroong iba't ibang klase ng mga wine at matatamis.. Ang mga ilaw ay puti at sinaluhan ng malamlam na kulay asul, ang iba naman ay may korteng snow pa. Pati ang stage ay nakakamangha pero nakakakaba ring tingnan. Dyan ba ako kakanta mamaya? Santisima. Talaga namang lalamigin ka sa desenyo nito.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon