Chapter 22
Unknown POV
"Stop!please!stop!" halos wala na akong boses, pero hindi pa rin siya tumitigil sa paghataw sa akin. Suntok, batok, sipa. Lahat na yata ng uri ng pananakit sa pisikal ay naranasan ko na. Sa twing nag aaway kami, o sa twing nagagalit sya dahil di nya nakukuha ang gusto nya, ganito ang nangyayari. Nanlaki ang mata ko ng makita hinithit nya ng husto ang kanyang sigarilyo. No. Sa lahat ng sakit, ito ang ayaw ko, ang paso ng sigarilyo.
"No..no..please, I'm sorry pumalpak na naman ako. Im so sorry..please don't do this to me.."pagmamakaawa ko.
"I told you! You don't give me what I'm asking, I will punish you..right baby?" Nanlilisik ang mga matang sabi nito.
Kakatapos lang naming magpasarap, kanina lang nasisiyahan sya sa mga ginawa namin, pero ng magtanong sya tungkol sa progress ng plano namin, akala ko maganda na ang nagawa ko dahil napansin at nakita na ako ng CEO. But then, kulang, at mali pala. I have to be close to him. Kaylangan gawin ko ang lahat para mapalapit ako sa CEO.
"I made him look at me..notice me, he saw me.." sagot ko habang pilit itinatakip ang kumot sa hubad kong katawan.
"Look at you?notice you?that's not the plan, isn't it?" asik nito.
"I know..I know..Just give me time, makukuha ko rin ang atensyon nya..Just please..don't do this.." pumatak ang luha ko ng walang makitang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"I gave you so much time to do it. Inip na inip na ko..!" sigaw pa nito.
"I have plans..please, konting antay pa..please.."pag mamakaawa ko, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama, at lumapit sa kanya, pilit kong ibinaba ang kamay nyang may hawak ng sigarilyo.
"Please..just be patient.." iniyakap ko ang hubad kong katawan sa kanya. Sa kabila ng mga pasa at galos na natatamo ko sa kanya, ay hindi ko siya magawang iwanan. Sabi nya, magbabagong buhay na kami oras na makuha ko ang mga bagay na dapat ay kanya. Mga karapatan na ipinagkait sa kanya. Nauunawaan ko kung bakit ganun na lang ang naging pagbabago ng pag uugali nya.
"You know how I trust you. Why is it that you didn't won the Star of the Night Award? You know it is the only way, to be near that fucking asshole.." Si Daniah. Sya talaga ang dapat sisihin kung bakit hindi ako makalapit kay Xavier. Hindi ako papayag na isang sales lady lang rin ang makahadlang sakin.
"Sales lady ang napiling Star of the Night.." mahina kong sagot, naglakad akong muli patungo sa kama, at umupo.
"Sales lady lang?sales lady ang ang nakatalo sayo?" iiling iling na sabi nito na sumunod na rin sa kabilang side ng kama, at naupo.
"She is always flirting that CEO..." sagot ko."Idiot!as if you ar not a whore! You should be the one who's flirting him! You're good with that!" Sigaw nito muling kumupas ng kamay at inihagis ang unan.
"That's why I changed the plan.." Muli kong sagot, bahagyang lumayo sa pagkakaupo sa takot na maabot ako nito at muling saktan.
"I don't care kung anong plano mo! Kahit ibenta mo pa ang sarili mo! Fuck him if you want! Make him fall for you! I..don't..fucking..care! Ang gusto ko, makuha ang dapat ay akin! Lahat ng nawala sa akin!" humarap ito at hinila ang buhok ko.
"Aaah..!tama na please. Ginagawa ko na lahat ng paraan. Please..this time, I'll make it sure..promise.." pilit kong inaalis ang kamay nya sa pagkakahawak sa buhok ko. Huminga ito ng malalim at tinitigan ang mukha ko.
"Alright..alright..stop crying.."binitiwan nito ang buhok ko at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Alam kong nadadala lang siya ng galit na kanyang nararamdaman. Hindi naman siya palaging ganito. Pilit kong isinisiksik sa isip ko. Magbabago rin ang lahat. Magiging maayos din ang lahat. Magiging masaya rin kaming dalawa. Ako lang ang makakatulog sa kanya para maibalik ang mga nawala sa kanya. Kaya lahat ng hahadlang sa planong naisip ko ay sisiguraduhin kong aalisin ko sa landas na daraanan ko.
After wiping my tears, he lifted me and carried me to the bathroom.
"Let's fix yourself.." malambing na sabi nito habang ibinababa ako sa bath tub. Ganito siya palagi pagkatapos ng pagtatalo namin, pagkatapos niya akong masaktan, dala ng pagiging mainitin ng kanyang ulo. Itinimpla nya ang tubig bago ito binuksan, kinuha ang bath soap at marahang sinabon ang aking katawan. Maingat niyang dinadampian ng sabon ang mga galos na madaanan ng kanyang kamay na mismong kamay niya rin ang may gawa. Pagkatapos ay naglagay ng shampoo sa aking buhok.
"You know..Im not always like this right?" hinaplos nito ang pisngi ko, at buong pagmamahal na dinampian ng halik ang aking noo.
"I know..and I understand.." paghikbi ko. Alam kong mahal niya ako. Kahit hindi niya sinasabi, at hindi ko pa naririnig mula ng magsama kami na mahal niya ako. Nararamdaman kong mahal niya ako. Hindi palaging ganito. May mga araw din na masaya kami. May mga araw din na hindi siya galit. At hindi siya galit sa akin. Kundi sa mundo. Galit siya sa mga taong nagparamdam na hindi niya deserve ang mabuhay, dahil bunga siya ng kasalanan. At dahil ako lang ang nakakaunawa sa kaniya, ako lang rin ang makakatulong sa kanya. At nakahanda akong ibigay lahat, para sa kanya.
Handa kong gawin ang lahat para maging masaya siya.
Pagkatapos akong paliguan ay muli niya akong binuhat at iniupo sa kama, sinuotan ng underwear at tinuyo ang basa kong buhok.
"You must rest..Im going out.."muli nitong hinalikan ang aking noo. Bago nagbihis at lumabas ng kwarto.
Kahit hindi ako nakakarinig ng salitang sorry sa twing nasasaktan niya ako, sa simpleng gesture niyang ganito ay natutunaw pa rin ang tampo ko. Dahil alam kong mahirap rin para sa kanya ang salitang sorry.
Naging malupit ang mundo sa lalaking mahal ko. Pero siya lang rin ang sumalo sa akin, sa panahong wala akong matakbuhan. Siya rin ang tumulong sa akin para huminto sa pag gamit ng droga. Kahit siya mismo sa sarili niya ay di niya kayang pigilin. Siya ang nagkumbinsi sa akin na ayusin ang sarili ko, at maghanap ng matinong trabaho. Para mawala man daw siya sa mundo, ay meron akong matatawag na akin. Kaya kahit ano pang mangyari, hindi hindi ko siya bibitawan. Hinding hindi ko siya iiwanan sa laban niya.
A/N: Oops! Who is she? Sino sa tingin nyo ang stranger na ito guys?
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
Storie d'amoreMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...