Chapter 30
Daniah
Isang linggo na ang nakalipas ng makatanggap ako ng bulaklak at chocolate. Pero hindi na iyon nasundan. Balik na rin sa dati ang buhay ko. Bahay, trabaho. Wala na ring Mr. Romano na nagparamdam, o nagpakita sa akin. Hindi ko man maamin sa sarili ko, ay ramdam kong naghihintay ako sa muling paglitaw niya. Pero kahit dito sa store kung saan ang opisina niya, ay hindi ko na siya nakita uli. Kung bumalik na siya ng Maynila ay hindi ko rin alam. Sino ba ako para alamin hindi ba? Napakataas naman ng pangarap ko, kung aasamin kong lapitan niya akong muli. Maling mali na umasa ako. Unang una, walang linaw kung bakit nangyari ang mga nangyari. Pangalawa, wala naman akong narinig kahit isang salita mula sa kanya na dapat maging dahilan para umasa akong gusto niya ako. Pangatlo, wala akong pruweba. At pang apat, nakakahiya na ang mga iniisip ko.
"Daniah!" nabigla ako sa pagsigaw ng ilan sa pangalan ko. Hindi ko namalayan na may kaguluhan na pala sa store. Huli na ng mapansin kong nakalapit na ang isang lalaki na may dalang patalim sa akin. Hindi ako agad nakagalaw. Tila napako ang ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Agad akong hinablot ng lalaki at isinakal ang kanyang braso sa leeg ko. Agad ring kumabog ng malakas ang dibdib ko ng maramdaman ang patalim na hawak niya na nakatusok ng bahagya sa aking leeg.
"Huwag kayong lalapit! Tutuluyan ko ang babaeng ito!" sigaw ng lalaki. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ng marinig ang boses niya. Alam kong hindi ako makakawala sa pagkakasakal niya dahil malakas siya, dala na rin marahil ng mga taong unti unti ng naiipon at nakapaligid sa amin. Halos maibitin niya ako dahil hamak na matangkad siya, siguro ay hanggang balikat lamang niya ako.
Hindi ako makapagsalita. Isa isa kong nakita ang mga kaibigan ko na may takot sa kanilang mga mata. Si Chichi ay lumuluhang nagmamakaawa sa lalaking hindi ko alam kung ano ang itsura. Nabibingi ako, pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay sa higpit ng pagkakasakal nito sa akin, nakakaramdam na rin ako ng sakit sa gawing leeg ko, kung saan nakatusok ang patalim. May mga nagtatangkang kausapin o lumapit pero umaatras ito at hinihila ako.
"Sinabing wag kayong lalapit! Kaylangan ko lang bilhn ng gamot yung asawa ko! Bakit ayaw nila akong payagan? Ok lang sa inyo mamatay ang asawa ko?" may panginginig sa boses ng lalaki. Gustuhin ko mang mahabag, hindi ko maramdaman. Nangingibabaw ang takot ko. Bawat nagtatangkang makalapit ay siya namang atras niya, ngayon ay malapit na kami sa escalator. Lord! Kayo na po ang bahala sa akin.
Lalo pang dumami ang mga tao, pero nahagip ng mata ko na ibinababa na ang pull up, kung bakit ay hindi ko alam, sinubukan kong hawakan ang braso niya, ng kahit papano ay lumuwag ang pagkakasakal nito sa akin. Pero iniiwas nito, dahilan para lalo akong masakal. Nanlalabo na ang mga mata ko sa mga luhang pumapatak sa aking mga mata.
"K-kuya, nakikiusap a-ko, please..pag usapan n-natin ito.." pakiusap ko sa lalaki.
"Pakiusap?! Yan nga ang ginagawa ko kanina! Halos lumuhod na ako, pero hindi nila ako pinagbigyan!" sigaw nito, kanina lang ay nilalamig ako sa lakas ng aircon sa store, pero ngayon, tagaktak na ang pawis ko, at sa twing magsasalita ito ay lalo akong natatakot. May mga narinig akong sigawan na mayroon ng swat sa paligid, at may mga pulis na rin sa labas. Siguro ay tinatakot nila ang lalaki ng sa ganon ay makapag isip itong sumuko na.
"Pare! Ano bang problema?baka pwede nating gawan ng paraan?" narinig kong sabi ng isa sa mga tao sa paligid, hinanap ng mga mata ko kung saan nanggagaling ang boses, pero bigo ako, dahil hindi ko maigalaw ang ulo ko dahil na rin sa patalim sa leeg ko. Mabilis na ang paghinga ng lalaki, at patuloy pa rin ang pag atras. Nagtama ang paningin namin ni Chichi. Sinisenyasan niya ako na huwag ialis ang tingin sa kanya. Nais niyang kumalma ako. Naisip ko. Pero sa sitwasyong ito, hindi ko makuhang kumalma, sa takot na ibaon ng tuluyan ng lalaki ang patalim.
Sa tantya ko ay labinlimang minuto na kami sa ganoong posisyon, wala pa ring nakakapag pa kalma sa lalaki na kung ano anong masasamabg salita na ang lumalabas sa bibig.
Maya maya pa sa nanlalabo kong paningin, ay napansin kong humahawi ang kapal ng tao. Waring may binibigyang daan. At mula doon ay iniluwa ang isang napaka kisig na lalaki. Ang lalaking hindi ko na sana inaasahang makita pa. Nakatupi sa kanyang braso ang kanyang inner shirt. Madilim na madilim ang mukha nito, at waring anumang oras ay handang umatake, nang magtama ang aming paningin ay lumamlam ang mga mata nito, waring nakikisimpatya. Sa mga matang iyon ay waring nakaramdam ako ng kaligtasan. Ligtas na nga ba ako?gayong mahigpit pa rin ang pagkakasakal ng lalaking ito sa akin?Ligtas na nga ba ako kung pakiramdam ko ay lalong bumabaon ang patalim na nakatutok sa akin?
Lalong nag lakasan ang hiyawan sa hindi ko malamang dahilan. Naramdaman ko ng pagbilis ng pag atras namin ng lalaking humihila sa akin.
"Sige! Ituloy nyo ang paglapit, at isasama ko sa pagtalon ang babaeng ito.." muling nag unahang pumatak ang mga luha ko. At muling nakiusap.
"K-kuya! Maawa ka, huwag naman ganito..p-pano ang asawa m-mo kapag n-nawala ka? Kapag nakulong k-ka?" pagsusumamo ko, nananalngin na sana ay pumasok sa isip nya ang sinabi ko.
"A-ang a-asawa ko?k-kaylangan n-niya ng g-gamot miss. P-pero h-hindi nila ako p-pinagbigyan! P-paano na ang a-asawa ko? Maniwala ka miss, h-hindi ko gustong g-gawin ito, d-desperado lang a-ko" sa garalgal nitong boses ay alam ko umiiyak ito. Ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo. Nadala lang siya ng emosyon kaya nauwi sa ganito.
"Magtiwala k-ka, g-gawin ko lahat para matulungan ka..p-pakiusap k-kuya..H-hayaan m-mo akong kausapin si-sila.." Muli kong sambit. Naramdaman kong bahagyang lumuwag ang pagkakasakal nito sa akin. Maaring senyales ito na hinahayaan niyang magsalita ako sa mga tao sa paligid. Huminga ako ng malalim at kinurap kurap ang aking mga mata ng sa ganon ay makita ko ng mas malinaw kung kaninong tao ako titingin, at muling nagtama ang mata namin ni Mr. Romano. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko para magsalita.
"M-makinig p-po k-kayo, w-willing po siyang s-sumuko, basta't huwag po ninyo siyang s-saktan.." pakiusap ko sa mga tao, nang hindi inaalis ang pagtitig sa mga mata ni Mr. Romano. Siya naman ay marahang napailing.
"H-hindi ako susuko hanggang wala yung gamot! Bigyan ninyo ako ng gamot para sa asawa ko!" Muling sigaw nito, muli itong nag panic at umatras, marahil ay hindi na rin nito na tantya ang nilalakaran niya sa likod, dahil ramdam kong panay ang palinga linga nito. Nawalan na ito ng balanse dahil sa pagkaka apak sa unang baitang ng escalator. Napapikit ako ng maramdamang ang lalong pagdiin ng patalim sa aking leeg. Kasabay ng pagbagsak ng aking katawan sa malamig na sahig.
Malakas na sigawan at kumosyon ang nagpanatili sa malay ko, unti unting humihina ang pandinig ko, at pumipikit ang ang aking mga mata, naramdaman ko na lamang na mayroong matipunong braso ang nag angat sa aking katawan. Dinig ko pa ang mabilis na tibok ng kanyang puso, sinubukan kong igalaw ang aking ulo para makita siya, pero bago ko pa siya masilayan ay nawalan na ako ng ulirat.
❤
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
RomansaMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...