A short update❤
Chapter 16
Daniah
Sa locker ng mga babae ay di magkahumayaw ang bawat isa sa pag aayos ng kanikaniyang mga make up, pati na rin ang mga susuotin. Closed na ngayon ang store, at maya maya ay mag uumpisa na ang party, binigyan lang kaming mga closing shift ng oras para makapag bihis at makapag ayos. Mas convenient para sa mga employee lalo na sa mga nag duty pa na dito na lang gawin ang party, isa pa, hindi naman pwedeng mag close ang store, kaya every year, dito raw palagi sa malaking Atrium ginaganap ang anumang pagdiriwang ng Empire.
Advantage na rin para sa amin ang pagiging selling personnel, dahil marunong na rin kami mag ayos ng sarili, gaya ng pag make up, at pag aayos ng buhok. Hindi na namin kaylangan magpaayos pa, o magpa parlor. Kaya eto ako ngayon, si Chichi muna ang inaayusan ko ng buhok, ok naman na ang mga make up namin, kaylangan na lang ng konting retouch, dahil sa gabi na, kaylangan long lasting, at di agad mabura. Simple lang naman ang gustong hairstyle ni Chichi, bumagay din sa nabili nyang dark blue venus cut gown, at iminatch nya ang kanyang green clutch na iniregalonko sa kanya noong nakaraang pasko. Unti unti na ring nagsisipagtungo ang ibang employees sa Atrium, na nasa pinaka unang palapag. Kakaylanganin maghagdan, o mag elevator para makarating doon, dahil nandito kami sa 3rd floor.
"Chichi, Daniah, hindi pa ba kayo tapos?baka mahuli na tayo.." tanong ni Clarisse sa amin ni Chichi, napakaganda rin nito sa suot niyang baby pink na long dress. Inaayos na ni Chichi ang buhok ko, nakapag bihis na rin naman ako, at ok na rin ang make up ko, kaya mabilis na lang namin itong matatapos.
"Malapit na ito Clarisse, pwede na kayong mauna, susunod na kami agad.." sagot naman ni Chichi habang nagsusuksok na mga hairpins sa low bun hairstyle na ginagawa niya.
"Sige, sumunod na kayo agad ha, ilan na lang kayo dito, sumabay kayo sa iba pang mga bababa.." sagot naman nito, at tsaka lumabas na ng locker. Ang isa sa gustong ugali ni Clarisse ay pagiging maalalahanin nito. Kaya naman isa siya sa nakagaanan ko ng loob.
Maya maya pa ay dalawa na lang kami ni Chichi na naiwan sa locker. Hindi namin nagawang sumabay sa iba pa, dahil hindi natagal si Chichi sa pag aayos ng buhok ko."Ok D, tapos na, halika na at baka nag uumpisa na yung program.." pagmamadali nito habang isa isang inilalagay ang mga ginamit namin sa pagaayos kanina.
Nagmamadali na kaming lumabas ng locker at tinungo ang private elevator, tama, open for employees ngayon ang private elevator, dahil ang bababaan kasi nito ay mismong Atrium na, hindi kagaya ng employees elevator, na sa kabilang dulo pa ang labas. Nang makahakbang na si Chichi papasok ng elevator ay agad ko namang naalala iyong clutch ko, naku Daniah, wala ka na talagang pag asa! Bakit ba napaka makalimutin mo.
"Chi, mauna ka na ha, babalikan ko lang yung clutch bag ko, hindi ko pala nadala..!" habol kong sabi bago pa magsara ang elevator.
"D, teka-" hanggang naputol na, at di ko na narinig ang sinabi niya.
Lakad takbo naman ang ginawa ko para makabalik sa locker, at ayun nga ang nakakainis na bag, nakapatong sa table sa harap ng malapad na salamin. Agad ko itong kinuha at nagmamadali uling lumabas.
"Hmmp! Nakakainis ka, bakit di mo ako tinawag at sinabing hoy wag mo akong iwan?ha?wala na tuloy akong kasabay nito eh..!" sabi ko habang nakataas kapantay ng mukha ko ang clutch bag. Oo, tama..yung clutch bag nga ang kausap ko. Pag hakbang ko mula sa loob ng locker, ay sya namang sulpot ng isang itim na pigurang naglalakad. Napahawak ako sa dibdib ko sa pagkagulat at napapikit pa.
"Santisima!" napakalakas ng kabog ng dibdib ko, totoo pala na may multo dito sa locker, ang sabi sabi kasi ay may gumagala raw na black lady dito, Diyos ko..wala naman po akong third eye, bakit nakakakita ako ng ganito..takot na takot kong bulong sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
RomanceMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...