Chapter 23
Daniah
Hanggang ngayon parang lutang pa rin ang isip
ko. Mabuti na lang at tulog na si Chichi ng dumating ako. Parang hindi pa ako lubos makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Parang kanina lang ay naghahanda palang ako para sa dinner na iyon. Ngayon ay heto na ako at nakahiga na. Hindi ako makatulog, paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga pangyayari."Is it okay now?"tanong ni Mr. Romano ng makitang isinubo ko ang unang kutsara sa panibagong pagkain na inihatid ng waiter. Hindi ko maalala kung anong tawag dito, pero sobrang sarap. Hindi mo aakalain na sa sandaling minuto ay nailuto agad ito?
"Uhmmm.." napa ungol ako sa sarap ng pagkain.
"Sobrang sarap po sir.."nakangiti akong nag taas ng tingin sa gwapong ka date ko. Ang taas talaga ng pangarap mo Daniah, hindi ito romantic date..saway ng isip ko. Bigla naman akong nailang ng makitang madilim ang pagkakatitig nito sa akin.
"Don't do that again.." uhmm?ano daw?ano na naman bang ginawa ko?nagtanong siya kung okay na ang pagkain, ang sabi ko..sobrang sarap..mali bang magpaka totoo?masarap naman talaga.
"Ang alin po?Uhmm..ang sarap ng pagkakaluto..heaven.." balewala kong tanong sa kanya tsaka muling sumubo ng isa pa.
"Oh God..that..dont do that..stop moaning.." bawal
pala yun? hindi ba't natural lang umungol kapag masarap ang kinakain mo? Ay nako, ang daming bawal sa boss na ito."S-sorry Sir.." kinuha ko ang table napkin at ipinunas iyon sa labi ko, tsaka naglakas loob na nagsalita.
"Sir, mahirap po bang maging CEO?" nalaglag ng kaunti ang puso ko ng makitang ibinaba nito ang tinidor na hawak, kumamot sa noo, nagbuntong hininga at sumandal sa kanyang upuan. Naku. Nawalan yata ng gana sa tanong mo Daniah..tssk."No. If you love what you do, you won't feel it's difficult..if you dont like what you are doing, then thats the time, you feel tired, you feel nothing..no excitement.." saglit pa itong tumitig sa akin tsaka ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Singaot naman niya ng maayos ang tanong ko, subukan ko pa kayang magtanong.
"Uhmm..sir, may aso po ba kayo?" natampal ko sa isip ko ang aking noo. Hala ka! Bakit naman tungkol sa aso ang tanong mo! Alam mo minsan may pagka engot ka rin Daniah. Nawala naman ang pagka pahiya ko ng makita kong napangiti ito ng bahagya. Bahagyang bahagya, na halos hindi makikita 20/20 vision.
"I have three dogs.." Oh..sabi ko na nga ba, nakikita ko kasing bagay sa kanya ang may alagang aso, siya kasi yung tipong aso lang ang kayang mahalin. Aba, may attitude ka na Daniah?
"You have a dog?" tanong nito na nakataas ang dalawang kilay. Hindi ko naman inasahan na siya naman ang magtatanong.
"Meron po, pero matagal na po siyang namatay.." Bigla akong nalungkot ng maalala ang aso kong nasagasaan. Apat na taon ko rin syang nakasama noong nakikituloy pa ako sa tiyahin ko, umuwi na lang ako isang araw, ng makita siyang nasa gilid lang ng gate at duguan. Grabe ang iyak ko at awa ko sa aso ko. Pati ang poot sa mga taong hindi marunong magmahal sa hayop. Umuwi raw ito na duguan na, hindi raw nila nakuhang asikasuhin o bigyan man lang ng first aid dahil ayaw raw nito magpalapit sa kanila, bagay na hindi ko pinaniwalaan, dahil sobrang maamo at napaka lambing ng aso ko na yun. Sa tingin ko ay sadyang pinabayaan na lamang nila ito sa labas hanggang sa malagutan ng hininga. Mula noon ay hindi na ako nag alaga pa ng aso, dahil sa takot na baka mawala ito uli. Pinunasan ko ang nangingild na luha sa mga mata ko. At ngumiti.
"Im sorry for your loss..what's his name?" simpatya nito. Ngayon naman ay malamlam ang pagkakatingin nito sa akin. Bipolar yata talaga itong taong ito.
"Christmas.." nakangiti ngunit may bahagyang luha parin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
RomanceMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...