Chapter 3

1.3K 20 0
                                    

Chapter 3

One year later..

Daniah

Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sakin, napabalikwas ako ng bangon sa pagka taranta. Parang kakatulog ko palang, bakit nag alarm na agad yung cellphone ko? Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa aking maliit na dresser, 6:30am. Napaka aga pa para magising ako dahil mamaya pang 3:00pm ang duty ko. Napakamot ako sa ulo ng ma realize na hindi cellphone ko ang nag alarm.

" Chichi! Bumangon ka na, ako na naman ang unang nagising sa alarm mo.." Inantay kong may marinig akong kaluskos, palantandaan na bumangon na si Chichi, pero wala akong narinig, dahil alam kong tatlong beses ng na late si Chichi ngayon buwan ay tatamad tamad akong tumayo at lumabas ng kwarto ko, para katukin sya sa kabilang kwarto.

"Chi! Opening ka ng 9am diba? Gusto mo bang ma late ka na naman?pang apat mo na ngayon kung sakali.." medyo malakas kong sabi habang kinakatok ang pintuan ng sa ganon ay magising sya.

Maya maya pa, nakarinig ako ng kalabog at ungol sa loob ng kwarto, sa kabila ng pagka istorbo na naman sa pagtulog ko, di ko pa rin maiwasan matawa kapag natataranta si Chichi, alam kong nahulog na naman sya sa kama niya dahil sa pagmamadali.

Nang masiguradong gising na si Chichi ay bumalik na ko sa kwarto ko. Malamig na dito sa Tagaytay ngayon. Hindi ako mahilig sa lamig, pero mas gusto ko na ang panahong malamig kaysa mainit. Isang taon na ko dito sa Tagaytay, at sa unang dating ko palang dito ay sinabi ko na sa sarili kong dito na ako tatanda. Malamig ang simoy ng hangin, tahimik, at malayo sa ingay ng syudad. Napadpad ako dito noong naghahanap ako ng matutuluyan bago umalis sa maynila, may savings account na ipinangalan sa akin ang nanay at tatay ko bago pa sila pumanaw, ayon sa mga tyahin ko, nagtratrabaho daw si tatay noon bilang College Professor sa isang unibersidad, habang si nanay naman ay isang pharmacist, pinagsikapan nila akong mapag ipunan simula pa lang ng malaman nilang ipinagbubuntis ako ni nanay. Nang tumuntong na ko sa edad na labing walo, ay ibinigay sa akin iyon ng isa sa mga tyahin ko kung saan ipinagkatiwala ni tatay ang savings, pero hanggang ngayon ay hindi ko iyon ginagalaw, iyon ang kaisa isang bagay na nagawa ng mga magulang ko para sakin, kaya gusto ko iyong ingatan lang at itago. Meron din naman akong naipon sa pagtratrabaho bilang receptionist noon, dahil hindi naman ako maluho pagdating sa mga bagay bagay. At yun ang ginamit kong panimula, noong una ay nahirapan pa akong makahanap ng mauupahang bahay, dahil may kamahalan dito sa tagaytay, may isang linggo rin akong nagpalipat lipat sa mga travelers inn, o kaya naman ay apartelle. Hanggang sa nakilala ko si Chichi, na ng panahong yun ay naghahanap din ng malilipatang bahay. Dito lang rin naman sya sa Cavite, pero sa Tagaytay sya nagtratrabaho, na malayo naman sa bahay nila, kaya nagpasya syang maghanap ng mauupahang bahay.

Naghahanap ako noon sa internet ng mga naka post na paupahang bahay na malapit dito sa kinakainan kong Fast food ng biglang may babaeng lumapit sakin. "Hi! Pwedeng maki upo?" nakangiting tanong nya.

" Oo, sure.." ngumiti din ako sa kanya, maamo ang mukha nya at may dimple sya sa kanang pisngi, siguro 5 feet lang ang taas nya, pero bagay naman sa kanya dahil cute syang tingnan,pinagpatuloy ko ang pag iinternet ko habang hinihigop ang kapeng inorder ko.

"Mukhang traveler ka ah?naliligaw ka ba?" nakangiti nya uling tanong.

"Ah..naku hindi, naghahanap lang ako ng matutuluyang bahay, dito kasi ako magtratrabaho, " sagot ko, kahit alam kong wala pa naman akong na applyan na trabaho, hindi ko pa kasi maasikaso dahil palipat lipat pa ako ng tirahan.

"Talaga?san ka ba galing? Sa itsura mo kasing yan mukha kang turista?tsaka magkano ba ang kaya mong upa?" sunod sunod nyang tanong habang ngumunguya ng french fries.

"Galing ako ng manila, uhmm..ah..gusto ko lang ma experience ang tumira dito sa Tagaytay" hindi ako sanay magsinungaling, pero hindi ko kasi sigurado kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon