Chapter 17

726 18 0
                                    

Chapter 17

Daniah

"Ang tagal mo D, ok ka lang ba?bakit parang namumula ka?" bungad na may halong pag aalala ni Chichi ng makitang papalit ako at habang hinihila nito ang upuang nakalaan sa akin. Kami ang nagsama sama sa isang table nila Clarisse, Jissele, Leah, May, Ivy at Jen, nang ipalista sa amin kung sino sino ang gustong magkakasama sa isang table ay kami nang walo ang nag grupo, dahil malalapit naman kaming magkakaibigan.

"Uhmm..ok lang ako Chi, nagmamadali lang kasi ako akala ko nag umpisa na yung program.." agad ko namang sagot tsaka naupo.

"Mabuti naman..alam mo ba?meron daw malaking surpresa ara sa mga employees mamaya, aside sa magagandang raffle prizes? In- announce knina ni Mam Greta.." excited nitong kwento sa akin.

"Ano naman kaya iyon?" kunwari'y tanong ko, tsaka dinampot ang isang baso ng tubig na sa tingin ko ay nauna ng inihatid ng mga waiter sa bawat table.

"Mamaya daw malalaman kung ano, bago matapos ang party.." dagdag niya, na sinuklian ko na lang ng isang kibit balikat.

Nang makakitang abala na si Chichi sa pakikipag usap sa iba pang kasama namin sa table, ay iginala ko ang paningin ko sa paligid.

Napakaganda ng set up ng Atrium. Nagkikintaban ang mga palamuti, na ang kulay ay naglalaro lamang sa black at gold mula sa mga lobo, back drop, at decorations ng stage. Bawat table ay nababalutan ng gintong table cloth, at may centerpiece na Calla Lily at puting feather, ang table napkin naman at upuan ay kulay itim. Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ang combination ng gold at black sa mga dekorasyon. Tunay ngang may class ang Empire.

Maya maya pa ay nag umpisa na ang program, sa panimulang speech ng aming Branch Manager na si Mam Greta, kasunod ang pagpapakilala ng mga bisita, may mga sumayaw at kumanta, kada isang performance ay awarding ng mga certificates at tokens sa mga empleyado na may limang taon pataas ng nagtatrabaho sa kumpanya. Pagkatapos ng kainan ay bumunot ng raffle, at swerte namang si Chichi ang ka una unahang natawag, nakatanggap siya ng bagong cellphone at pocket wifi.

"Before we announce our special surprise, go get your partners guys, coz the dance floor is now open..." wika ng host ng party. At pumailanlang na sa buong atrium ang kanta "Perfect" ni Ed Sheeran..love song? Agad namang nag hiyawan ang mga empleyado na tipong nagtutuksuhan. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko ng makitang isa isang nagsisitayuan ang mga lalaki at nilalapitan ang kanilang mga kasintahan, o di kaya naman, kaibigan o natitipuhan. Isa isa na ring sinusundo ng kanilang mga boyfriend ang mga kasama namin sa table. Bawat isang lalaki na tumatayo para tunguhin ang table ng gusto nyang makapareha sa pag sayaw ay umuugong ang malakas na hiyawan.

"Naku D, sigurado akong ikaw na ang sunod na pupuntahan at yayayain mag sayaw..." Sa lakas ng hiyawan, ay halos hindi na kami magkadinigan ni Chichi. Umiling iling lang ako at itinuon ang mga mata sa magkakaparehang nagsasayaw. Hindi ko naman inaasahan na may magsasayaw sakin, sa totoo lang ay kontento na ako na manood lang. Hindi kasi ako sanay sa atensyon ng ibang tao, kung baga sa show, audience lang ako. Natapos na ang dance for all, at ipinagpapasalamat kong walang nagtangkang lumapit sa akin. Si Chichi ay panay lang ang tawa kahit wala ring nag sayaw sa kanya, itong si Chichi kasi ay may kasungitan minsan, kahit nasa selling area, pero kapag nakilala mo siya, ay siguradong mamahalin mo siya dahil malambing siyang kaibigan.

"Ladies and Gentlemen, let us now proceed to the awarding of our Star of The Night!" masiglang wika ng host.

"All of us here surely, took their time to dress and to look good tonight, kaya sa tingin ko ay nahirapan ang ating panel of judges. That is why..we'll be having two winners for the ladies, so that would be, the first prize and the second prize, and same goes for the for the gentlemen!" nagpalakpakan naman ang mga manonood sa sinabing iyon ng host.

"Here we go, the second place for the Star of the Night Winner for the ladies.." saglit na nag pause ang host, para bitinin ang mga matang nag aabang ng pangalan na kanyang bibigkasin.

"Ms. Christine Castro, secretary of the Branch Manager!" malakas na hiyawan ang narinig sa buong atrium, nang tumayo mula sa kanyang kinauupuan ang aming Branch Secretary na si Ms. Christine. Napaka ganda nga naman ng kanyang ayos, nakasuot sya ng emerald green long dress, na sweetheart neckline ang design sa harap, at binagayan pa iyon ng mala beach wave na pagkaka kulot sa kanyang buhok. Malayong malayo sa conservative na ayos nito sa araw araw na pag pasok sa kanilang opisina, hindi rin niya suot ang kanyang salamin sa mata.

"And to award the sash and the cash prize, may we call on one of our Executive Board Member... Mr. Carslile Vinn Defuesto!" nanlaki ang mata ko ng makitang paakyat ng stage ang nakangiting si Carl. Hindi ko akalain na isa sya sa executives ng Empire. Para sa isang mataas at tinitingalang tao, sobrang bait at mapagkumbaba niya. Napalingon ako kay Chichi ng maalalang kilala rin nito si Carl, at ng makitang nakanganga ang aking kaibigan, ay tinakpan ko ng isang kamay ang kanyang bibig.

"D..yung gwapong walang modo, B-boss pala.." sambit nito habang walang kakurap kurap na nakatitig sa gwapong gwapong si Carl, habang isinusuot nito ang sash kay Ms. Christine, at hinalikan ang pisngi nito na waring may ibinulong ay napansin kong umirap si Chichi. Pag irap na hindi malaman kung naiirita ba siya, o hindi nya gusto ang nakikita nya sa stage. Nangiti ako sa reaksyon an iyon ni Chichi.

"Thank you Mr. Defuesto.." pagppasalamat bg host kay Carl, na tinanguan naman nito.
"And now, for our Star of the Night first place goes to..." muling pagsasalita ng host..na bahagya pa nitong binitin.
"Daniah Phoenix Monteverde! Sales Assistant of Men's Wear Department, Executive Wear!" biglang nanlaki ang mata ko ng marinig na binanggit nya ang pangalan ko. Ako?bakit ako?
Malakas na hiyawan ang nagpabalik ng atensyon ko sa kasalukuyan. Kahit si Chichi ay niyuyugyog ako at pinatatayo sa kinauupuan ko. Nahihiya man ay tumayo na ako at kiming ngumiti habang naglalakad patungo sa stage.

"Oh! What a truly lovely lady she is! No wonder why she is the Star of the Night first placer! Congrarulations Ms. Daniah Phoenix Monteverde!" masayang bati ng host, habang nakaalalay sa akin sa pag akyat ko ng stage.

Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko, halos di ako makatingin sa mga taong naghihiyawan at nagpapalakpakan. Ngayon lang nangyari ang ganito sakin, di ko inakala na ako pa ang mapipiling Star of the Night. Hindi ko naman pinaghandaan ito, nagmadali pa nga kami ni Chichi sa pag aayos dahil nag duty pa kami. Pero ganun pa man, nakakatuwa rin sa damdamin na maranasan ang ganito.

"And now..to award the sash and cash prize, may we call on our very special guest for tonight.." mahilig talagang mangbitin ang host na ito, ayaw pang tawagin kung sino man ang mag aaward ng makababa na ko ng stage, nakakasilaw ang mga ilaw, at pakiramdam ko ay lalo akong namumula sa hiya.

"Ladies and Gentlemen let us give a big round of applause to none other than, the CEO of ROMANO GROUP OF COMPANIES..! Mr. Xavier Niccolo Romano...!"

Santisima.

A/N: You can leave a comment guys, any reaction will be appreciated❤

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon