Chapter 25

739 13 0
                                    

Chapter 25

Daniah

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang huli kong makita si Mr. Romano, ang Boss ng Empire. Pero hanggang ngayon, pakiramdam ko ay na mimiss ko siya. Wala naman sigurong masama, dahil hindi naman niya malalaman. Sa sarili ko lang naman iyon.

Minsan nakakahiya na rin isipin siya ng isipin, dahil imposible naman na iniisip niya rin ako. Bakit ba kasi hinalikan pa niya ang kamay ko? Pakiramdam ko tuloy, napaka espesyal kong babae. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko siyang palaging makasama. Pero nung panahon lang na iyon.

Hindi naman ako umaasa na magkikita pa kami ulit. Dahil ang pagkikita naman namin ay dahil lang sa mga okasyon ng Empire. Ang tulad niya ay hindi nababagay sa katulad ko. Masyado syang mataas, para abutin ko. Teka! akala ko ba di ka umaasa, bakit may pag abot abot ka dyang nalalaman?haay..

Pakiramdam ko ngayon lang uli bumilis ang tumibok ang puso ko. Sa tuwing naaalala ko ang magandang pares na matang iyon, na tila walang ibang nakikita kundi ako lang. Haay..tama na ang pantasya Daniah, baka ma late ka pa eh..gustuhin ko man na mangarap ng gising, kaylangan harapin ang katotohanan. Hindi na kami muli pang magkikita ni Mr. Romano. Para lang siyang dumaan sa paniginip ko at ang panaginip, ay hindi
nagkakatotoo.

Habang naglalakad sa mall area ay nakayuko kong binuksan ang aking bag para kunin at isuot ang aking company id. Sakto namang pagka kuha ko ay nakabunggo ako ng isang tao, agad akong lumingon para humingi ng paumanhin, pero tuloy tuloy lang itong nag lakad papalayo. Teka, pamilyar ang tindig ng lalaking iyon, pati ang paglalakad niya ay pamilyar, agad akong kinabahan ng maalala kung sino ang taong iyon.

John! Nagmamadali akong bumalik at hinabol ang naka pulang lalaki, lahat ng makasalubong ko ay sige ang iwas ko habang tinatanaw ang lalaki. Pero sa kasamaang palad ay matao ang mall ngayon dahil week ends, kaya unti unti itong nawala sa paningin ko. Humahangos na huminto ako sa gilid ng isang perfume store, bahagyang yumuko at itinukod ang mga kamay ko sa aking tuhod para saglit na pahupain ang hingal ko.

John? Ikaw nga ba yun? pero bakit nilagpasan niya lang ako? Hindi ba niya ako nakita o nakilala? Unti unti akong nanghina, na para bang ayaw gumalaw ng katawan ko.
Kung hindi siya yun, bakit ganun na lang ang kabog ng dibdib ko? Nabigla ako ng makita ang lalaking nakapula na lumabas sa mismong perfume store na kinatatayuan ko. Hindi na ako nagtumpik pa at agad na tinungo ang lalaki na waring may hinihintay pa mula sa loob, na bago pa ako makalapit ay papalabas na rin pala, isang babae. At hindi lang basta babae, kundi napaka gandang babae. Agad akong napahinto ng lingunin ng lalaki ang paparating. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapatunayan na si John nga ang lalaking iyon. Wala pa ring nagbago sa kanyang itsura, kagalang galang pa rin kung manamit. May kirot na gumuhit sa dibdib ko ng makitang sinalubong nito ang magandang babae, hinalikan sa noo, at magkahawak kamay na nagpatuloy sa paglalakad.

Isa isang muling nagbalik ang masasakit na alaalang dalawang taon ko nang pilit kinakalimutan, ang maraming tanong sa isip ko, na ni isa ay walang kasagutan dahil sa biglaan niyang pagkawala. Ang hirap ng kalooban na dinanas ko habang nagsasama kami. Ang sobrang pag aalala ko sa mga araw na hindi siya umuuwi. Ang takot sa dibdib ko ng malamang gumagamit siya ng droga. Ang mga araw na umaasa akong magbabago siya, at babalik sa dating John na nakilala ko. Muli ko silang tiningnan, ang kamay niyang nakahawak sa kamay ng babae ngayon ay nasa beywang na nito. Unti unti na ring lumabo ang paningin ko dala ng mga luhang naguunahang pumatak sa aking mga mata. Umiling iling ako at mapait na ngumiti. Sana ito na ang huling pagkakataong makikita ko siya.

Ang sabi ko noon sa sarili ko, malaman ko lang na ligtas siya at nasa mabuting kalagayan, magiging masaya na ako, at matatahimik na. Mukha naman siyang masaya na, malusog, at lalo pa ngang naging makisig, siguro ay maganda na ang kalagayan niya kung ano man ang narating niya. Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata, mabuti na lang at sa loob pa ako ng locker nag lalagay ng make up.

"Nak, ok ka lang? Bakit ganyan ng mukha mo?" takang tanong ni Sir Mike.

Naku ito na nga bang sinasabi ko, kaya ayokong umiiyak, dahil madaling namumugto ang mga mata ko, haay..

"M-malakas po kasi yung hangin sa labas sir. Nakakapuwing po.." sagot ko naman at nagkunwari pang kumurap kurap. Pero ang totoo ay parang gusto na namang tumulo ng mga luha ko.

"Ay ganun ba?abay baka uulan.." paniwala naman nito matapos i check ang bag ko.

"Sige po sir.." kumaway ako at tsaka naglakad ng papasok.

May pamilya na nga kaya si John?asawa nya nga ba yung babaeng kasama niya? Merong parte sa puso ko na nag aasam na makita ko siya uli, na sana ay magkausap kami sa huling pagkakataon, para magkaroon na ng closure ang parteng iyon ng buhay ko. Hindi ko maiwasan, at kahit pilitin ko ay nasasaktan pa rin ako. Dahil ba mahal ko pa rin siya? Dahil ba umaasa pa rin ako na babalik siya?Pero ano yung nakita ko? Hindi ba senyales na iyon na tapos na ang lahat? Hindi ba dapat ay tanggapin ko na? Ang sakit sa dibdib. Yung sakit na kahit ihinga mo ng malalim at dahan dahan ay hindi nawawala ang tinik. Saan ako nagkulang? Ano ang hindi ko naibigay? Saan ako nagkamali? Mga tanong na nagpaikot ikot sa isip ko. Gulong gulo ang isip ko. Hinihiling ko na sana pagbigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na makausap siya. Para san pa ba?hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung ano ang gusto kong mangyari ngayon. Ang alam ko lang, gusto kong matitigan ang mukha niya, kamustahin ang kalagayan niya, kung masaya na ba siya sa naging buhay niya ngayon? Ngayon na wala na ako.

Wala naman akong balak na mang gulo pa sa kung anong merob siya ngayon, hindi naman siguro masama kung inaasam ko na magkausap lang kami, kahit huli na ang lahat. Si John, ang lalaking minahal ko na kay tagal kong hinintay na bumalik, ngayon ay nasilayan kong muli, si John na naging bahago ng buhay ko. Si John na una at huling lalaking minahal ko.

"Daniah, kanina pa kita tinatawag, gusto mo bang ma late? tara na mag in na tyo.." nagbalik ako sa realidad ng maramdaman ang mahina tapik ni Chichi. Nilingon ko siya at nakita ang kakaibang ngiti niya. May iniisip na namang kalokohan ang babaeng ito.

"Uhmmm..sabi ko naman sayo, naininiwala akong babalikan ka ni Mr. Romano, nagpuyat ka na naman? Halata sa mata mo..huwag mo lang kasi siya pakaisipin, mahal ka rin nun...!" napa kunot noo ako sa sinabi ni Chichi. Mabuti na lang at natakpan na ng kaunting make up ang mata kong galing sa pag iyak. Ilang beses na rin niya akong tinutukso kay Mr. Romano mula nung gabi ng dinner. Naikwento ko kasi sa kanya ang lahat ng pangyayari nung gabing iyon at wala siyang ginawa kundi tumili ng tumili, lalo ng banggitin ko na hinalikan nito ang kamay ko.

Ang sabi niya, hindi raw nito iyon gagawin ng walang dahilan. Ikinibit balikat ko na lang ang naisip na iyon ni Chichi. Wala sa loob na napangiti ako ng maalala ang gabing nakasama ko ang CEO, lumulutang ang puso ko sa halo halong emosyon na naramdaman ko noon. Tapos, ito ngayon, binibigyan pa ako ng dahilan ni Chichi para lalong umasa. Haay..ano kayang mangyayari kung sakaling magkita kami uli ni Mr. Romano? Babalik pa kaya siya o bibisita sa Tagaytay?

"Hoy! Tama na ang pag ngiti ngiti mo dyan, bilisan na natin ano..!" natatawang tapik uli sa akin ni Chichi. Agad na rin akong tumayo at inayos ang mga gamit ko sa loob ng locker. Magpapaka busy muna ko sa trabaho. Kaylangan mailihis ko ang isip ko sa mga nangyayari. Kaylangan kong maibaling ang atensyon ko sa ibang bagay para kahit saglit ay mawala sa isip ko ang muling pagkakita ko kay John, at ang nakakakilig na alaala ni Mr. Romano.

A/N: Ouch..poor Daniah, mukhang may magbabalik😂sino kaya ang mauuna?❤
Feel free to comment❤

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon