Chapter 6
Daniah
Time check 2:30am. Malayo pa rin ang antok sa isip ko sa kabila ng pagod sa duty buong maghapon sa trabaho, hindi biro ang pag aassist sa kaliwa't kanang customer na naghahanap ng partikular na items, mag oorder ng iba't ibang kulay, o iba't ibang designs, paroo't parito kami sa stock room para mag replenish ng mga kulang na display. Pero kahit ramdam ko ang pagod ay heto ako't dilat pa rin ang mga mata, at naglalakbay ang diwa.
Pilit kong pinipigil ang pagpasok sa isip ko ng isang imahe. Imahe ng lalaking aksidente kong nabunggo sa hallway kanina. Ang gwapong mukhang iyon, na akala ko noon ay hindi posible sa tunay na buhay, na walang perpektong mukha, pero ang mukha nya ay parang perpektong inukit ng may Likha sa itaas, upang sambahin dito sa lupa, kahit sino sigurong babae ay mabibighani sa kanya sa una pa lamang na pagkikita, hindi pa man siya nagsasalita ay "oo" na agad ang isasagot mo. Ang matipuno niyang pangangatawan na siguradong pinaglalaanan nya ng oras sa gym, ang kanyang magagandang mata na tila nakakatunaw kung tumingin, na binagayan pa ng mahahabang pilik mata, ang makinis nyang mukha na may manipis na bigote sa taas ng kanyang labi at baba. "Like what you see?" ang mga salitang unang lumabas sa kanyang labi..ang kanyang labing mamula mula, ano kayang pakiramdam ng mga labing iyon sa sa aking labi?urghh!ano ka ba naman Daniah! Ano bang mga pumapasok sa isip mo. Ang tipo ng lalaking mukhang anghel na iyon ay hindi kagaya mo, mukhang mga modelo ang type nun, mga beauty queen, o kaya nama'y artista, malayong magkagusto siya sa ordinaryong katulad mo. Saway ko sa sarili ko, pero bakit mo naman iniisip na magkakagusto sya sayo? Broken ka..wala ng magmamahal sa kagaya mo. Malabo pa sa hamog ng Tagaytay ang naisip mong yan. Baka nga iyon na ang una't huli nyong pagkikita.
Erase..erase..erase..matulog ka na..haay..ng muli kong ipinikit ang aking mga mata ay bigla nman pumasok sa isip ko ang humaharurot na pulang kotse iyon, sino kaya ang nagmamaneho ng pulang kotse, ako kaya ang pakay nya?o sadyang naging over acting lang ako sa pag aakalang sinusundan ako niyon? Pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako na matiwasay akong nakauwi.
Third and last day ng aming special sale ay dagsa pa rin ang mga mamimili, ganun pa man ay masaya at magiliw kaming nagtrabaho, dahil maraming tao, mas maraming sales. Marami sa mga loyal customer ko ang nagpunta sa aking area upang samantalahin ang sale, kalimitan sa kanila ay mga business man, na malimit ay suit ang kasuotan sa kanilang pang araw araw. Ang area na hawak ko ay ang suits at pants, 2 piece suit, o 3 piece suit pati na rin ang iba't ibang designs ng cufflinks na babagay sa mga ito. Samantalang ang ibang accessories naman gaya ng mens formal socks, neckties, panyo at iba pa ay hawak ni Clarisse. Lumipas ang ilang oras malapit ng mag close ang store, abala na ako sa pag check at pag partial tally sa aking mga display ng may mag approach na customer sa akin.
"Excuse me miss? Can you help me find a suit for me?" masayahin ang boses ng customer ko kaya magiliw rin naman akong humarap sa kanya at itinabi ang aking maliit na notebook sa gilid ng isa sa mga rack ng display.
"Hi sir good evening, may I ask what would be the occassion?" nakangiti at propesyonal kong tanong sa kanya. Umuulan yata ng magaganda lalaki ngayon sa Empire. Hindi maikakailang gwapo rin ang customer kong ito, gaya ng anghel na lalaki kahapon, magiliw nga lang ang isang ito, at mukhang hindi naman masungit.
"Uhmm..just a formal business meeting..I guess?" nakangiti rin nitong sagot. "Sure sir, this way please.." tugon ko naman habang inilahad ang isang palad patungo sa direksyon ng rack na kinalalagyan ng formal suits. Habang inaassist ko siya ay marami pa syang tinanong tungkol sa iba't ibang klase ng suit, at kung paano mag mix and match ng mga ito, pati na rin ang mga accessories, na agad ko namang ipinapaliwanag sa kanya, pati ang mga accessories na ipinares ko sa mga suit na nagustuhan nya sa tulong ni Clarisse ay walang pag aatubiling isinama nya sa kanyang cart, sa huli ay tatlong pares ng suit ang napili nya kasama na ang mga accessories kaya inassist ko na sya sa cashier para sa kanyang pagbabayad, part kasi iyon ng aming customer service experience.
Ayon sa aming orientations, hindi porke may napili ng item ang isang customer ay hindi mo na ito iaassist, hangga't kaylangan nila ng assistance sa loob ng store ay dapat mo silang iassist, mabait naman ang customer kong ito, may halong kakulitan nga lang, at kung minsan sa aming pag uusap ay nambobola pa.
"Thank you so much for your help miss..?" wika nito ng matapos ang transaksyon namin sa cashier ay sinabayan nya pa rin ako sa aking paglalakad pabalik sa aking pwesto.
"Daniah..Daniah sir.." magalang ko namang sagot.
"Nice name, for a nice girl like you." pilyong ngiti nito. "Thank you for the compliment sir, anyway, if you need assistance whenever you're here at the Empire Department Store, just look for me and I'll be happy to assist you." magalang ko pa ring sagot.
Nauubusan na ko ng ingles sa pakikipag usap sa lalaking ito, wala pa yatang balak umalis o umuwi, magsasara na kaya ang store.
"Well that's great, mabuti na yung may mababalik balikan ako kapag kaylangan ko ng assistance for my shopping.." sabi nito na ngayon ay malaki na ang pagkakangiti. Teka't marunong naman pala mag tagalog ang mokong na ito, siguro siyang siya syang makitang nabubulol ako sa pag iingles magkaintindihan lang kami.
"Hey, you did a great job! Haha! Ngayon lang ako nakakilala ng sales assistant na maganda na, mabait pa, at intelligent pa..!" pukaw nito sa pansin ko ng ma zoned out ako sa pagkapahiya, pakiramdam ko tuloy ay napag laruan ako.
"Hey, I'm sorry ok? it's just that, you're cute specially with your nonstop talking, Daniah.." Nangingiti pa rin ito, at tila manghang nakatingin sakin.
"Naku sir, hirap na hirap na po ako sa pag english maintindihan ko lang po yung mga tanong ninyo, eh marunong naman po pala kayong mag tagalog.." tugon ko na medyo naiinis ako ay at ease na sa presensya ng makulit na customer na ito.
" I know, and I saw it with my own eyes..hahaha! But I'll make up to you..I'll treat-"naputol ang iba pang sasabihin nya ng biglang may magsalita sa aking likuran.
"How many times do I have to tell you, do not flirt with my employees..?" kumabog ang dibdib ko, A-ang boses na iyon..narinig ko na iyon..kahapon..oo tama kahapo-..hindi maaaring sya, hindi pwedeng sya uli, wag kang lilingon Daniah, hindi sisiguraduhin ko lang kung siya nga ito, hindi wag kang lilingon kung ayaw mong makilala ka nya, at maisipan nyan mag complain pa sa office nyo. Anong gagawin ko, baka mamukhaan nya ako, hindi ako dapat humarap sa kanya, bakit naman kasi bumalik pa sya, akala ko una't huling beses na yung kahapon..oh diba ang sabi mo sana makita mo uli ang mukha nya? Naglabo labo at tila naging dalawa ang isip ko ng magtalo sila sa loob ng ulo ko. Ang lamig pakinggan ng boses nya..pero nakakatakot at magugulat ka talaga sa bahagyang lakas ng pagkakasalita nito. Dapat siguro humingi ako uli ng paumanhin, kung kinakaylangang gawin ko iyon, gagawin ko para mawala na ang mga agam agam ko, at takot na baka ma complain, gagawin ko iyon para sa ikatatahimik ng kalooban ko. At ng makabuo ng pasya ang isip ko, at pagkalipas ng ilang minutong pakikipagdebate sa aking sarili ay nagpasya na kong lumingon sa taong nagmamay ari ng malamig na boses na iyon. Agad akong humarap.
"A-ah..sir? Teka..nasan na sila?sir?" lilingon lingon kong sabi, habang bahagyang tumanaw tanaw pa baka nasa paligid lamang sila. Ganun katagal ba akong natulala, kaya hindi ko na napansin na wala na ang aking customer, pati na rin ang estangherong nagsalita? Santisima Daniah..
(So..here he is...our Xavier Niccolo Romano)
(played by Alessandro Dellisola❤)
BINABASA MO ANG
My Heart's Angel (Completed)
DragosteMy Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang makapag simula ng bagong buhay. Malayo sa lugar kung saan sya natutong umibig at sinaktan ng lalaking una nyang minahal. Xavier Romano, makisig...