" tita? "
" oh hija nandito ka pala, sino ang kasama mo? " nang magkita sila sa airport
Sarah: " sila mommy at lolo po ang kasama ko, kayo po? " nagdududang tugon at tanong niya sa ginang
Mommy vangie: " kasama ko rin ang mag-ama ko, saan nga pala kayo pupunta? "
Sarah: " pupunta po kami sa Bacolod tita, magbabakasyon po kami dun..."
" bacolod? really? eh doon din ang punta namin...what a coincidence hija...masaya to.." nakangiting sabi ng ginang...Si Sarah naman ay napangiti na rin pero alam niya na hindi lang yun nagkataon...
" hahaaha talagang gagawin ni vangie ang lahat para sa anak niya.." natatawang sabi ni mommy divine ng makwento ni Sarah ang pagkikita nila ng ina ni Gerald
Daddy delfin: " gustong gusto ka talaga ng mga anderson para sa anak nila..." baling nito kay Sarah
" medyo nahihiya na nga po ako sa kanila eh,,,kasi hindi kami okay ni Gerald ngayon..." napapailing na tugon nito
Mommy divine: " bakit kasi pinapalala nyo pa ang sitwasyon eh pwede namang maayos na agad,,mga sarili niyo lang ang pinapahirapan ninyo..."
Nasa loob na sila ng eroplano ng lumapit sa kanya ang stewardes na may dalang teddy bear na pink and a bouquet of tulips...
" Maam for you..." ng iabot sa kanya ang mga ito
Sarah: " sa akin?! kanino po galing? " nagtatakang tanong niya dito.......ngunit matamis na ngiti lang ang tugon ng stewardes...
Agad binuksan ni Sarah ang card na kasamang binigay sa kanya.
Babe,
I'm sorry............................
I miss you so much....i will do everything para mapatawad mo ako.
Gerald
" ang sweet naman ng Babe mo..." natatawang tukso ng lolo niya