Hindi muna ginambala pang tawagan ni Sarah ang asawa dahil alam niyang papauwi na ito..
Naiinis pa rin siya dahil hindi man lang ito nag abala na ipaalam sa kanya kung saan ito pupunta..Samantala nagpasabi nalang si gerald na umalis na siya..
tok...tok..tok..
" pasok po...."
"anak dinalhan nalang kita ng dinner mo kasi kanina ka pa hindi kumakain.." si mommy divine ng pumasok sa kwarto niya.
"salamat mom, pero mamaya na po ako kakain, hinihintay ko pa po si Gerald na dumating"
Mommy divine:" si Gerald pupunta dito?" saad nito habang inilapag sa mesa ang dalang pagkain
Sarah:" naku hindi po, sa bahay po namin ang ibig kung sabihin." pagtatama niya
" bakit asan ba siya nagpunta at halos hating gabi na wala pa siya sa bahay?"
" yun nga po eh kaya napagalitan ko, may dinaluhan po siyang party ni hindi man lang nagpaalam kaya ayon pinauwi ko po.."
" naku anak saan hinayaan mo na lang muna makapag enjoy ang asawa mo kaysa naman magmukmok sa bahay ninyo habang wala ka.."
" pero mom dapat nagpaalam siya sa akin!" inis niyang sabi
" oh relax ka lang, huwag kang magalit..basta gusto ko kausapin mo ng mabuti huwag init ng ulo ang paiiralin mo pag nakausap mo na siya...kumain ka na rin"
kring ..,,,kring...kring...
" mom si gerald na po.."
" oh asan ka na!?"
Gerald:" babe i'm home...papunta na ako sa room natin.."
" good!" sabi niya at agad kinuha ang ipad niya..
Hindi pa nakapagbihis si gerald ng makita niya..
" at talagang nagpagwapo ka pa ng husto sa pagpunta dun ha!!? inis niyang simula dito
Gerald:" babe naman, kahit naman anong suotin ko ay talagang likas na gwapo na ako.." biro nito
Sarah:" tse!!! magtigil ka!"
" anak relax..." si mommy divine ng magsalita at tumabi sa kanya..
" magandang gabi po mommy...' bati ni Gerald dito
Mommy divine:" magandang gabi din hijo...naku pagsabihan mo itong asawa mo at kanina pa hindi kumakain..sige na lalabas na ako at naghihinto na daddy ninyo sa akin" sabay halik sa anak
" babe naman, ano yun? bakit hindi ka pa kumakain?" malungkot na tanong niya dito
" nagtanong ka pa!!" tugon niya at tuluyan ng napaiyak..agad niya kinuha ang unan at isinubsob ang mukha dun.."