Chapter 1

100 4 0
                                    

“Hindi nga?!” napasigaw pang saad ni Fara kaya binato ko s'ya ng fries na kinakain ko. Napaka ingay kasi ng bunganga, hindi manlang niya naisip na nasa public place kami.

“It's true, Mhie. Alam mo simula ata ng makita n'ya itong si Ivy hindi na inalis ang tingin.” Sabi pa ni Rie, diko na sila pinakinggan at pinag patuloy ko ang pag babasa sa librong hawak ko.

Pag tapos kasi ng program ay lunch na at isang subject lang muna ang papasukan namin, mahaba haba kasi ang program kaya ang mga unang oras na dapat klase namin ay hindi na namin napasukan.

“Ahh, he's name is Jericho Garcia. Psych student rin, sa pag kakaalam ko ay isa siya sa mga nakalagay sa dean master list sa department natin.” biglang saad ni Marie, naibaba ko ang binabasa kong libro bago humarap sa kaniya.

“Really? Edi parehas rin pala sila ni Ivy, pangatlo ka sa dean list diba? Taas ng average mo nung first year te!” Sabi ni Fara kaya napatingin naman ako sa kaniya.

Kung ano ano pa ang sinabi nila tungkol doon sa lalaki na nahuli ni Rei na nakatingin sakin, hindi man nila naisip na baka hindi ako ang tinitignan nito? Napaka daming tao doon ay impossible naman na ako ’yun gayong dinaman namin kilala ang isa't isa.

“Ikaw rin naman, huwag mo lahat ibato sa ’kin.” Sabi ko dito na ikinatawa n'ya, kailangan ko talaga mapasama sa dean list dahil kung hindi ay baka matanggal ako sa scholar at diko alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa tuition ko.

“E ikaw, sino naman ang minamata mo kanina kaya mo nakita si Jericho na nakatingin kay Ivy?” Taas kilay na tanong ni Fara kay Rei, and it's my turn.

“She's looking to the guy, if im not mistaken he's from Engeener department base on his  I'd lace” Sabat ko bago inumin yung drinks ko, sa university na ito ay iba iba ang lace I'd namin, palatandaan kung saan department ka galing.

“Kasi naman, I'm just rooming around then suddenly he caught my attention. Gwapo e.” Sabi pa nito at nag kibit balikat pa kaya nakakuha siya ng batok mula kay Marie na katabi n'ya lang.

“Yan kananaman, mamaya iiyak kananaman.” paalala ng babae sa kaniya, Marie is a quiet girl sometimes. Masasabi ko na maliban sa akin ay isa siya sa medyo matino sa grupong to.

“Ang sabi ko, gwapo lang hindi ko naman sinabi na gagawin kong jowa pero pwede naman... Why not?” Biro ni  Rei at nag apir pa silang dalawa ni Fara.

Nag katinginan kami ni Marie at sabay nalang napailing, minsan mapapasabi ka nalang talaga na,
Mga babae nga naman.

Nang matapos kami kumain ay pumunta na kami sa department namin, tuwang tuwa nga sila dahil mag kaka section parin kaming apat. Habang nag lalakad ay may mga bumabati sa amin na naging kaklase namin before, ngiti at tango lang naman ang naibibigay ko sa kanila. Hindi naman kasi ako friendly hindi katulad nitong dalawa na si Fara at Rei na halos lahat kilala.

Nang marating namin ang Room namin ay umupo agad kami sa kanang bahagi, ang mga upuan kasi ay nasa gilid nakalagay at sa git ay malaking space kung saan doon nag lalakad ang mga professor na nag tuturo sa amin.

Maayos naman ang lahat, halos kalahati ng kaklase namin ngayun ay kaklase na namin ng first year. Yung iba ay siguro nailipat sa ibang section.

Pumasok sa Room namin si Ma'am Veronica, teacher namin before sa Major. Mukhang siya parin naman ang mag hahandle sa amin, narinig ko ang mga bulungan sa likuran ko na bakit ba daw siya ulit.

Natatakot kasi sila kay Ma'am Veronica, masyado daw mahigpit at masungit. Well for me, she's not. She's the typical terror teacher pero napaka galing mag turo.

“Good afternoon.” Simpleng pag bati nito sa amin, sabay sabay naman kaming tumayo at bumati in corrus.

“You can take your sit,” Sabi nito kaya naupo na kami. “Before we start, i would like to say na meron mga nailipat dito na dati ay sa ibang section.” Sabi nito, ito yata ang mga lalaki sa labas ng pinto at hindi parin pumapasok.

“Please, come in.” Pag tawag nito sa mga tao sa labas, isa isa silang pumasok at ang pinaka pang huli ay agad kong namukhaan.

Nakita ko siyang inot ang mata sa loob ng silid na ito at huminto lang ng makasalubot na nito ang mga mata ko.

Tumagal ng ilang segundo at ako na mismo ang umiwas dahil parang wala naman siyang balak umiwas ng tingin.

Narinig ko pa na pinaupo sila ni Ma'am Veronica pero diko na init na tignan sila.

Ramdam ko ang pag siko nila Fara at Rei sa akin, pero diko pinansin at nag kunwaring may inaayos sa table ko kahit na isang Ballpen, libro at notebook lang naman ang nakalagay dito.

“Diba ’yan yung sinasabi niyo?” Sabi ni Fara sa maliit na boses para walang ibang makarinig.

“Oo, ayan yung kanina.” Bulong din ni Rei.

Pinag gigitnaan nila ako kaya naman umayos ako ng upo at sinaway sila, mamaya ay makita pa kami ni Ma'am Veronica at sabihin first day of school year nag chichismisan kami.

“Umayos nga kayo, para kayong mga bata.” Suway ko, narinig ko pa ang panunukso nila pero diko na binigyan pansin at nakinig na may Ma'am Veronica na ngayun ay nag sasalita na sa harap.

“So before we start, we should know each other right? May mga nailipat at naalis dito, so we need to introduce our self. Para mag kakilanlan kayo.” Sabi nito,ay mga nauuna na at simple lang naman ang gagawin mo, sasabihin ang pangalan, edad ayun lang.

Nang matapos na ang iba at si Rei na ang sumunod ay naka ngiti itong humarap sa mga kaklase namin.

“Hello, I'm Rei Canlas. 20 years old at your service!” Masiglang bati nito at umupo, nang ako na ay hindi ko alam bakit parang kinakabahan ako, hindi naman dapat ako kabahan dahil ginagawa kona ito noon paman pero ngayun na ramdam ko na may isang pares ng mata na mariin na nakatingin saakin ay may kakaibang dulot ang taglay nito sa akin.

“I-im Ivy Elegio, 20 years old.” Sabi ko na ang tingin ay na Kay ma'am Veronica at pilit iniiwasan ang mga nakaupo sa harapan namin.

Bakit kaba naiilang Ivy?!

Sumunod na nag pakilala ay si Fara, si Marie at ang iba pa sa row namin. Pag katapos sa side namin ay sa kabila na, at kusa nalang ako napaahon ng tingin ng mag salita siya, ang malalim niyang boses ang bumugaw sa attention ko.

“I'm Jericho Garcia, 21 years old.” Sabi nito, nagulat pako ng makirang sa harap kolang pala siya nakaupo at agad na nag salubong ang mga mata naming dalawa.

Jusko naman po lord, ano ito?

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now