Chapter 4

48 3 0
                                    

Another day, another morning. I'm still groggy dahil wala akong maayos na tulog, hindi ako pinatulog nila Fara kagabi dahil tawag ng tawag at kung ano ano ang itinatanong.

Ngayun ay gumising nako at nag unat-unat muna bago ayusin ang pinag higaan at pumasok sa cr para makapaligo.

Alas otso panaman ang klase ko at alasingko, trenta palang naman kaya may oras pako para makapag ayos.

Nang matapos ako makaligo ay sinuot kuna ang uniform ko, isang black skirt lang naman to at polo na may tatak ng university namin. Sinuot ko narin ang black shoes ko bago ayusan ang sarili.

Hindi ako mahilig mag makeup kapag papasok, minsan ay lip balm lang ang nilalagay ko sa labi ko para maging pinkish s'ya. Maputla kasi halatang puyat ng puyat. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok na hanggang bewan ko, di ko muna s'ya tinali dahil basa pa 'to. Nag lagay nalang ako ng baby powder at ng favorite Vanilla perfume ko at tapos nako.

Kinuha kuna ang shoulder bag ko bago lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina para kumain.

Sinalubong ako ni Nanay Vel na nag hahanda ng almusal, napangiti naman ako dahil sa nakita. Hindi talaga niya ako nakakalimutan na pag handaan ng pagkain tuwing papasok, at isa yan sa minahal ko kay Nanay.

“Good morning, Nay!” Bati ko sa kaniya na ikinangiti niya, humalik muna ako sa pisngi niya bago naupo para kumain.

“Good morning rin, anak.” Sabi nito at nilapag na ang tinimpla niyang gatas para sa ‘kin.

“Thank you po, kayo nay dipa kayo kakain?” tanong ko ng isang plato lang ang nilagay niya sa mesa.

“Hindi pa muna, sige na at mauna kana baka mahuli ka sa klase.” Sabi nito sa akin kaya tumango ako bago matiwasay na kumain.

Habang kumakain ako ay pinapalalahanan ako ni Nanay sa mga kung ano ang gagawin, ako naman ay nakikinig lang sa mga paalal niya.

“Nga pala, wala kabang lakad sa Sunday?” tanong nito sa ’kin.

Umiling naman ako bilang sagot.

“Wala po, diba po diba po may service tayo sa church?” tanong ko rito.

“Oo, Anniversary na kasi ng church at may mga bisitang galing ibang church ang pupunta dito sa atin kaya kailangan natin tumulong sa pag a-ayos ng decorations para sa Sunday.” sabi ni Nanay, napaisip muna ako kung kelan ako pwede.

“Baka po Saturday ng hapon makatulong ako sa pag aayos, after po ng lakad ko.” Sabi ko dito na ikinatango niya naman

“Sige at sasabihin ko kila pastor ’yan.” Sabi niya.

Nang matapos ako ay hinatid pako ni Nanay sa gate bago makaalis ng tuluyan.

“Alis na po ako!” paalam ko,

“Mag iingat ka.” Balik na tugon nito na ikinatango ko, kumaway pako ng dalawang beses bago tuluyan mag lakad papalayo.

Habang nag lalakad papunta sa sakayan ng jeep ay kinuha kuna ang wallet sa bag ko para mamaya ay dinako mag hahanap pa sa loob ng sasakyan.

Nang makarating ako sa pag hihintayan ng jeep, ay nag hintay nako pero bigla nalang may lumapit sa ’kin. Isang batang lalaki na sobrang payat, nanlilimos s'ya sa akin.

“Ate may pag kain po kayo?” tanong nito, wala naman akong maibigat dahil wala akong pag kain na dala kaya naisipan ko na bigyan nalang ng pera kahit nag dadalawang isip ako dahil baka saan niya ito gamitin, i mean diba? Maraming bata ngayun na katulad niya na dapat pag kain ang ibinibili ay hindi nila binibili. Ilbis ay rugby ang binibili nila.

Nag abot ako sa kaniya ng fifty pesos para ipang bili ng ng pagkain.

“Pag-kain ang ibili mo diyan ah?” Sabi ko dito na agad naman niyang ikinatango.

“Salamat po! May ibibigay na akong pag kain para sa kapatid ko.” Sabi nito at kitang kita sa mukha ang saya niya, hanggang sa makaalis siya ay sinundan ko siya ng tingin.

Nakita ko siyang pumunta sa Isang tindahan at bumili ng pagkain, bago tumatakbong pumasok sa isang iskinita kaya napangiti ako.

Mukhang tama naman ang sinabi niya.

Sakto ay di nag dagal ay may pumaradang jeep na papunta sa papasukan ko kaya agad akong sumakay doon, pag sakay ko ay agad akong nakisuyo ng bayad at ng inayos ko ang upo ko ay sinalubong ako ng isang pares ng  mata sa harapan ko.

The man who's wearing a perfect matching school uniform, with his Dark brown eyes, thick eyebrows and eyelashes.  Jericho Garcia are looking at me... Again.

Nung una ay nagulat pako pero hindi nag tagal ay umiwas ako ng tingin lalo na ng maalala ang nang yari kagabi.

Ang aga naman, hindi maganda ang gising ko dadagdagan mo pa?

Walang kumibo sa amin, siguro ay wala naman dapat diba? Tahimik lang akong pinag lalaruan ang cellphone ko at siya? Hindi ko alam, kasi kanina ko pa iniiwasan ang mata niyang di manlang maalis sa akin.

Nang nakarating na ang jeep sa pinapasukan namin ay ako na ang unang bumama, pag baba ko palang ay tanaw kona ang mga kaibigan ko na nakatingin sa akin na nag aabang sa harap ng gate.

Habang nag lalakad ako ay napakunot ako ng makita ang reaksiyon nila, para bang gulat sila ng makita ako?

Nang makalapit ay doon ko napansin na hindi pala saakin nakatingin kundi sa taong nasa likuran ko, hindi kona kailangan tignan dahil kilala kona talaga yun. Bakit ko kasi nakalimutan na kasabay ko pala siya sa jeep?
At ngayun ang mga malisyosang mga kaibigan ko ay iba nanaman ang iniisip kaya napairap nalang ako bago sila lampasan.

Bahala sila diyan, badtrip ako ngayun.

“Hoy Ivy, ano ‘yun?!”

“Hoy teka babae!”

“Si Ivy fake friend, hindi nag kwe-kwento!”

Sunod sunod na sigaw nila habang hinahabol ako, mas binilisan ko pa ang lakad para di nila ako maabutan—

“What the fvck! Hiningal ako sayo!” Reklamo ni Rei ng tumakbo pa para mahabol ako.

Hawak hawak niya ako habang hinihingal na nakatingin sa ’kin.

Tinanggal ko ang kamay n'ya sa balikat ko bago siya tignan ng masama, yung dalawa ay nakarating narin na hingal narin. Weak.

“Jusko kang babae ka, wala pa ngang umpisa ng klase na stress agad ako sayo!” Reklamo ni Marie sakin, again i just roll my eyes.

Ano ba kasing kailangan nila? Mga chismosa kasi.

“Ghad, Ivy! Kapag ako pumangit agad tapos mag mukha akong stress na stress sa harap ni Sir Fahar my loves yari sa sakin!” Bulyaw sakin ni Fara, bigla nag pantig ang tenga ko dahil may naalala ako.

“Hoy ikaw babae! Ikaw nga may kasalanan pa sakin e.” Sabi ko dito, mukhang naalala naman niya kaya dahan dahan nag bago ang expression ng mukha niya.

“ay, diko naman kasi sadya yon!” dahilan nanaman niya pero diko na pinansin at nag simula ng mag lakad.

“Pero ano nga ’yun, bakit kayo mag kasabay?” Tanong ni Rei.

“Kaya nga, mag sabi kanaman samin.” Sabi pa ni Marie.

“Wala ’yun, pag sakay ko andoon na siya diko naman alam.” Sabi ko dahil ayun naman ang totoo, hindi rin naman titigil itong mga to kapag diko pa sinabi.

“Kinausap ka?” Tanong ni Fara kaya kunot noo ko siyang tinignan.

“At bakit naman niya ako kakausapin?” tanong ko, ngumiti naman siya bago sumagot.

“Diba kasi friends na kayo?” Sabi nito.

“Hindi!” Sabi ko dito, jusko ano ba ang aga aga nilang man bwisit!

“Diba sa ano—” Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

“Hindi! Sa Facebook lang ’yon, at hindi ko naman ginusto yun. Ikaw lang may gusto!” Sabi at mag sasali pa sana sila kaso hinarang ko ang dalawang kamay ko sa tenga bago humarap sa tatlo.

“End of conversation, good bye!” Gigil na sabi ko bago mauna mag lakad.

Rinig ko pa ang mga tawa nila pero diko na pinansin, nakakainis!

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now