Chapter 11

34 2 0
                                    

Today is Sunday, and also the anniversary of our church.

I'm preparing my self now, 8am start ng Mass pero 6:30 palanv naman. Tapos narin ako kumain ng almusal at ngayun tapos narin ako maligo, ang pinoproblema ko nalang ay ang susuutin ko.

Hindi ko alam kung mag jeans ako or mag d-dress.

Sa huli, ang naisuot ko ay ang beige na long dress na may split hanggang taas ng tuhod ko sa left side, may belt rin ‘to na kakulay ng dress.

Naisipan ko na hayaan nalang ilugay ang buhok ko, nag lagay lang ako ng clip dito para hindi kumalat ang buhok ko sa Mukha ko. I didn't also put make up of my face, i choose to look natural. I just put lipbam in my lips because it's look pale.

I also spray some vanilla scent in my body specially in my neck before i look my self in the whole body mirror here in my room.

“Perfect.” I said to my self, kinuha ko narin ang white chain bag ko at sinuot ang flat shoes ko.

Hindi kona kasi kailangan mag suot ng heels na mataas dahil matangkad narin naman ako, diko na kailangan ‘yun.

Nang makuntento ako sa suot ko ay bumaba nako, nakita ko si Nanay na nakasuot lang ng Simple white dress. Nanay Vel is beautiful, kahit may katandaan na  siya ay kita mo parin ang ganda niya. Maputi rin siya kaya kahit ano ang isuot mo ay babagay sa kaniya.

“Okey kana?” tanong sakin ni Nanay bago ako tignan mula paa hanggang ulo.

Nakangiti naman akong tumango.

“Opo, tara napo.” Sabi ko sa kaniya.

Nakangiti naman ako habang nasa biyahe kami ni Nanay Vel papunta sa Church, nag kwentuhan pa kami habang nasa biyahe kami.

Nang makarating kami ay napansin namin na marami agad na tao, napatingin ako sa relo ko at nakitang may sampung minuto panaman ang natitira bago mag umpisa kaya agad kaming pumasok ni Nanay.

Pag pasok namin ay sinalubong kami ng ka church mate namin, bumati sila kaya bumati kami pabalik. May iba pang galing ibang Church ay bumati sa amin, napili nami Nanay Vel na sa harap maupo dahil may mga gagawin sila kaya nag paiwan ako sa bandang likuran, nakita ko sila Cassandra kaya naisipan ko na doon nalang din maupo kasama sila.

“Hello ate Ivy, happy Sunday!” magiliw na bati nito ng makalapit ako.

“Happy Sunday too,” Bati ko sa kaniya.

“Grabe ka ate Ivy, bakit parang a-attend ka ng fashion show sa suot mo?” Sabi nito kaya natawa ako.

Si Cassandra kasi ay nakasuot lang ng black Dress na hanggang tuhod, plain lang yun at napaka simple lang ng suot niya. Yung kulot niyang buhok ay hinayaan niya lang din ilugay.

“Sus, ikaw nga ang ganda mo ngayun!” Bati ko sa kaniya, kunwari pa siyang nahihiyang nag ipit ng buhok sa likod ng tenga niya.

“Enebe ete” biro nito na ikinatawa ko.

Nag biruan muna kami at huminto nalang ng mag salita na si Pastor sa Altar, pinasimulan niya muna ng pag bati sa mga bisita at paunang panalangin. Kapag tapos ay kakanta ng workship song.

May mga Youth na pumunta na sa isang side kung saan nandoon ang mga drums, piano, guitar na gagamitin nila habang kumakanta ang taga kanta sa harap.

“All that i am, all that i have
I lay them down before you, oh lord.” Sinabayan ko ang kanta at ipinikit ko ang mga mata, sa tagal ko ng sumasamba ay hanggang ngayun ramdam na ramdam ko parin ang presence niya.

“All my regrets, all my acclaims
The joy and the pain, I'm making them yours.” Lahat ng nararanasan ko, lahat ng pinag daanan ko andiyan siya lagi nakagabay sa akin, may mga tao siyang pinapadala para gamitin upang matulungan ako.

Lord i offer my life to you,
Everything I've been through use it for your glory.” Ramdam ko ang pag daloy ng maiinit na luha sa mata ko pero hindi ko ‘yun pinansin, sa dami kong pinag daanan Hindi ako mag sasawang mag puri sa kaniya, sa lahat ng mga ginawa niya sa akin? Hindi ako mag sasawang mag pasalamat sa kaniya.

Dahan dahan akong nag dilat ng mata habang patuloy ako sa pag sabay sa kanta.

“Things in the past, things yet unseen.” bigla ako napatigil ng mapatingin ako sa harapan, sa mga nag papatugtog.

May isang lalaki na naka maong na jeans at white polo na nasaharapan habang nag d-drums, seryoso ang mukha nito at diretsyo ang tingin sa pwesto ko, o sa akin?

Napuno ng pag tataka ang mukha ko, wala sa sariling napa yuko ako sabay punas ng mukha ko na paniguradong may luha.

Pag angat ko ng tingin ay iba na ang kanta, hindi na ako nakasabay pa dahil sa biglang pagkailang na nararamdaman.

Bakit s'ya nandito?

yeah, see you...

yeah, see you...

yeah, see you...

Bigla kong naalala ang last message niya kagabi bago ako ma lowbat. 

Sa naalala ay bigla kong kinuha ang Cellphone sa bag ko at dali daling binuksan ’yun, tumambat sa akin ang madaming message nila Fara, Marie at Rei pero diko pinansin‘yun at agad hinanap ang conversation naming dalawa.

Jericho Garcia:Yeah, See you.

Jericho Garcia: seen? Are you already sleeping?

Jericho Garcia: I guess too, alright. Good night then.

Halos manghina ako ng mabasa ang mga message niya, ni hindi ko kasi binuksan ang Cellphone ko simula ng matapos ma charge nawala sa isip ko na kausap ko s'ya kagabi!

Napatingin ako muli sa harapan pero ngayun hindi na siya nakatingin kaya dali dali akong nag type.

Ivy Elegio: Sorry i forget to reply you, na lowbat ako kagabi.

Sabi ko at dali daling ibinaba ang cellphone, ng mag angat ako ng tingin ay halos manlaki ang mata ko ng makitang kasama ang tingin sakin ng lalaki.

Anong ginawa ko?

Hindi parin tapos sa pag kanta, sumasabay ako paminsan minsan at pilit iniiwasan ang lalaki sa harapan.

Natapos ang pag awit at ngayun nag u-umpisa na si Pastor sa seremonya.

“Thank you for coming here in our Church,” panimula ni Pastor.
“And before we start, i want to inform you that today is the 15th anniversary of our church!” Sabi ni pastor, nag sasalita na siya at ako naman ay tahimik lang nakikinig.

Habang nag sasalita si pastor ay agad kong nilibot ang paningin, tinignan ko si Nanay Vel na nasa harap at tahimik ring nakikinig. Sa dami ng tao ay may isang tao lang akong hinahanap—

“Can i sit here?” nagulat ako ng may biglang nag salita sa likuran ko, ng lingunin ko siya ay nakita ko na ang taong kanina kopa hinahanap.

“Can i sit here?” ulit na tanong nito sakin, tumikhim ako at nilibot ang tingin at napansin ko ngang wala ng mauupuan sa dami ng tao at dito nalang sa pwesto namin ang meron.

Tumingin ako sa kaniya at dahan dahang tumango.

“Sige.” Tanging nasabi ko nalang.


___________

Song: Lord i offer my life to you

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now