Chapter 19

36 2 0
                                    

Maaga ako pumasok kinabukasan, bago ako umalis ay nag paalam na ako kay Nanay Vel na baka malate ako makauwi dahil nag aaya sila Fara na baka daw gusto kong sumama sa kanila mamaya.

Alam ko na gagala lang sila mamaya, alas tres ang uwi namin kaya nag oo nalang ako dahil alam ko naman na di nila ako titigilan.

Pag karating ko sa room ay napansin ko na maingay sila kaya agad akong dumiretsiyo sa upuan ko, napansin ko angpag tatawanan ng tatlo at tumigil jg makarating ako.

“Andito kana pala.” Nakangiting sabi ni Fara, na akala mo hindi badtrip kahapon.

“ay hindi, hindi ako ‘to.” Sabi ko dito na ikina ngisi lang niya.

Agad akong umupo sa upuan ko, hinarap naman ako ng tatlo kaya takang taka ko silang tinignan.

“Sama ka mamaya?” Nakangiting sabi ni Rei kaya tumango ako.

“Yes!” Sabi nilang tatlo kaya tinignan ko sila ng puno ng pag tataka.

Okey anong meron?

Nakita siguro nila na takang taka ako sa ng yayari kaya nakangiti silang nag kibit balikat.

“Wala naman—” dipa natatapos ni Rei ang sasabihin ng sumabat si Fara.

“Paano kasi kasama sila Christian kaya excited siya.” Sabi ni Fara sabay turo pa kay Rei, sunod naman niyang tinuro si Marie na ngayun ay nanlalaki na ang mata na nakatingin sa akin.

“Bakit ako nasama?!” Sabi nito kaya nakangisi lang si Fara na humarap sakin.

“Pansin mo rin ba?” Baling sakin ni Fara kaya dahan dahan rin akong napangisi, oo pansin ko.

Simula kasi ng sumabay samin ang mga lalaki ay napansin ko ang pagiging close ni Marie at Nickhel, i mean kapag kasi nag sasabay kami sa Cafeteria mag lunch ay silang dalawa ang madalas mag usap tapos ilang beses namin napapansin ang pag papalitan nila ng chat.

Okey naman sa akin yun, wala pang nagiging boyfriend si Marie at kung diyan siya masaya support nalang kami sa kaniya.

“Oo, pansin na pansin ko.” Nakangiti na sabi ko kay Fara.

“Ano nanaman yan!” reklamo ni Marie kaya sabay kaming natatawa.

“Ano, kayong dalawa lang may alam ganon? Di niyo sinasabi samin.” Sabi ni Rei kaya tumingin ako sa babae sabay taas ng kilay.

“Bakit, kayo naba ni Barro?”Tanong ko sa kaniya, nakita ko kung paano siya mamula at pilit nilalabanan ang ngiti.

“Hindi... Pa.” Sabi niya.

“Bakit parang luging lugi ang boses mo?” Sabi ni Fara na alam kong ng aasar.

“Ano, wala ano ba?! Nanliligaw pa nga lang kasi yung tao.” Sabi ni Rei.

“Kelan mo sasagutin?” tanong ni Marie.

“E di naman siya nag tatanong—” Naputol ang sasabihin ni Rei ng mag salita si Fara.

“Ay shunga, ano hihintayin mo pa siyang mag tanong bago mo sagutin e nag hihintay nga siya pag Oo mo. Ano hintayan kayo ganon?” Tanong ni Fara sa kaniya na ikinatawa namin.

Minsan talaga hindi mo maawat ang bunganga nitong isang to e.

“Hayaan mo siya, bakit may gusto kanarin ba kay Christian?” tanong ko dito, napakagat pa siya ng labi bago tumango.

“Ay akala ko ba na attract kalang kasi gwapo at wala kang balak jowain?” natatawang tanong ko dito, napa nguso naman siya sabay pangalumbaba na tumitig samin.

“Hindi ko rin alam, ganon rin sana ang gusto ko kasi bigla nag iba, ewan!” Sabi nito kaya napailing ako, katulad ni Fara? Nasapul rin ata siya ng mapag larong pag ibig.

“Mukhang tinamaan kanarin, bakit kayo natamaan agad tatlo?” taka kong tanong pero agad akong binatukan ng katabi ko.

“Hala siya nag malinis!” Sabi sakin ni Fara.

“Oh bakit? Kayo lang, huwag mo ako idamay?” Reklamo ko dito.

“E ano yung sainyo ni Jericho? Akala mo walang tinatago ah.” Sabi ni Fara kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Idinamay mo nanaman si Jericho, manahimik ka nga. Kayo lang diyan ang may ganyan huwag mo akong idamay.” Sabi ko dito.

“Hoy hindi ako kasama!” Reklamo ni Marie.

“Wala damay damay na ‘to, hindi pwedeng kami lang ni Fara ang masasaktan.” Sabi ni Rei.

“Luh, kayo lang kasi shunga idadamay mo pa ako.” Sabi ko dito.

“Luh si Ate, personalan ganon?” Sabi ni Rei na ikinatawa ko.

Wala kaming ginawa kundi ang mag asaran at tumigil lang ng dumating na ang first period professor namin.

Naging maayos naman ang lahat,  pati ang mga lesson namin ngayun ay maayos namin naunawaan. Nag lunch rin kami kanina tapos ay tumambay muna sa garden pampalipas oras, muntikan pa nga kami ma late kay Ma'am Veronica dahil di namin namalayan yung oras dahil sa dami nilang kwento.

And now, last period na namin. Kay Sir Fahar, kanina ko parin napapansin ang pananahimik ni Fara, kung ano ang ginagawa ni kaninang umaga ay ganon parin naman ngayun pero hindi siya naging hyper kahit andiyan na si Sir Fahar,  kahit ang ilan naming mga kaklase ay nag tataka na sa kinikilos ng babae. Si Fara naman ay parang wala lang sa kaniya, yung pangungulit niya at pag bibiro sa sagot kay Sir Fahar ay natigil, tahimik lang siyang nakikinig.

“Any volunteer? Ipapakita niyo lang dito sa harap kung paano ma a-apektuhan ang isang tao sa kung paano niyo siya tratuhin. Lalabas ang reaction ng isang tao kapag nag bibigay ka ng kung ano o may ginagawa ka sa kanila para mailabas kung ano talaga ang nararamdaman ng isang tao.
Lalabas yung tinatawag na behavior ng isang tao.” Maliwanag na sabi ni Sir.

“Sir kahit ano lang naman diba? Ipapakita lang kung paano nila mapapalabas yung reaksiyon nung isa?” tanong ni Alex, isa sa kaklase namin na babae.

“Yes, any volunteer? One girl and one boy. Ang lalaki ang mag gagawa ng movement sa babae at ang babae naman ang mag papakita kung anong reaksiyon niya. May tatlong cards ako dito, pipili ang lalaki para ayun ang gagawin niya.” Sabi ni Sir Fahar.

“Sir si Kenji!” Sigaw ng isa naminh kaklase, kaya napatingin ako doon. Doon kasi siya sa pwesto nila Jericho nakaupo kaya napatingin ako sa lalaki. Busy naman ang lalaki sa pag babasa ng libro at parang walang pakielam sa Paligid.

“Sure, asan si Kenji?” Tanong ni Sir Fahar, nahihiya naman nag taas ng kamay ang isang lalaki.

“Yun oh!” Sigaw ng isa sa mga katabi niya, siguro ay mga kaibigan niya ‘yon.

“Dali na tapos si Fara yung babae!” Sabi pa ni Alex, bale mag kakatabi sila tapos pinag tutulak ba nila si Kenji papunta sa harap.

“Oo nga boi dali!” Sabi pa ng isa.

Nahihiya namang tumayo ang lalaki, bumaling ng tingin si Alex sa pwesto namin sabay ngiti kay Alex.

“Fara pwede ba ikaw yung babae?” Nakangiting sabi ni Alex.

Napatingin naman ako kay Fara na ngayun ay nakangiti na.

“Dali na Fara, may crush kasi sayo si Kenji!” Sabi ng lalaki na kanina ay tumutulak kay Kenji.

“Parang bata, crush crush pero dali na Fara. Para naman kilig tong kaibigan namin!” Sabi ng isa pang lalaki.

“Sure.” Nakangiti naman tumayo si Fara at pumunta sa pwesto kung nasaan nakatayo yung Kenji, napansin ko rin ang pamumula ng lalaki.

Nag hiyawan ang mga kaklase namin pero isa lang ang diko napansin, si Sir Fahar na may di gusto ang reaksiyon ang ngayun na nakatingin sa babae na papalapit kay Kenji.

Ano ang meron?
Ano ang gagawin mo Fara?

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now