Chapter 3

63 3 0
                                    

I'm just laying here in my bed while reading this book, Mistake we made. Actually kanina pako nag babasa dito pero hindi manlang ma process sa utak ko yung binabasa ko, iniisip ko kasi yung conversation namin ni Jericho although ilang salitaan lang naman ang ng yari at hindi naging matagal ay diko parin makalimutan.

“Ahhhhh, ano ba!” wala sa sarili kong sigaw baka isumsob ang mukha sa unan.

Nagulat nalang ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko, sunod sunod yun kaya napa bangon ako at dali daling binuksan ‘yun.

Pag bukas ko palang ay sinalubong ako ni Nanay Vel na may pag a-alala ang mukha.

“Bakit ka sumigaw, anong meron? Anong ng yari?” Sunod sunod na tanong nito, napa kagat naman ako sa pang ibabang labi ko bago napa ngiwing tumingin dito.

“Ahh, wala po Nay. Nag babasa lang po ako.” Sabi ko dito at napakamot nalang sa pisngi.

“E, bakit ka sumisigaw?”Puno ng pag tatakang tanong nito sa akin.

“Wala lang po, di po kasi ako makapag focus. Sorry po, Nay.” Nahihiyang sabi ko dito.

Mukhang naka hinga naman siya ng maluwag at maamong napatingin sakin.

“Sige na, itigil mo muna ’yan at naka handa na ang pag kain.” Sabi nito, tumango naman ako at sinabing susunod nalang sa baba.

Inayos ko muna ang higaan ko na ngayun ay magulo na dahil sa nag kalat na unan sa baba at ang sapin ng kama ko ay natanggal narin sa likot ko dito kanina.

Nang matapos kona lahat ng gagawin at bumaba nako para kumain, kabababa kulang sa hagdan ng sinalubong ako ni Mache, tahol siya ng tahol bago umikot ikot sa akin kaya natatawang binuhat ko ito.

“Hello, baby!” Bati ko dito, tumahol lang naman siya ulit bago ako dilaan kaya naman nilayo ko siya ng bahagya sakin.

“Ay, kadiri ka ah! Di naman kita pinalaking bastos bakit moko dinidilaan?!” Suway ko dito na para bang pinapagalitan ko ang anak ko, natawa nalang ako sa naisip bayo kumuha ng panyo para punasan ang laway niya sa pisngi ko. Siya naman ay tumigil sa pag tahol at tumingin lang sa akin.

“Huy,” niyugyog ko pa siya pero hindi talaga siya tumatahol, nakatingin lang talaga siya sakin.

Napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang pag ngiti, masunirin talaga oh at mukhang nag tatampo ata.

“hala ang baby ko, sorry kung nasigawan kita. Huwag kana mag tampo.” Sabi ko pa dito bago siya yakapin, di parin siya tumatahol pero naramdaman ko naman na inihiga niya ang sarili sa akin kaya napangiti naman ako.

Nag lakad na ako papunta sa kusina para sabayan si nanay sa pag kain, ibinaba konarin muna si mache para kainin yung dog food na nakahanda na pala sa lagayan ng pag kainan niya.

Nag hugas narin ako ng kamay bago tulungan si Nanay Vel sa pag aayos ng pag kainan.

Bago kami mag simula kumain ay nag dasal muna kami na pinangunahan ni Nanay Vel.

“Magandang gabi po panginoon, salamat po sa biyayang ipinag kaloob niyo sa amin. Sa pag kain na nasa harapan namin, naway gabayan niyo po kami ngayun at pag tibayan kami ng pagkain na ito at nang maging gabay at kalakasan namin ito, in Jesus name, Amen.” Sumabay ako sa pag sabi ni Nanay Vel ng "Amen" bago namin simulan ang pag kain, habang kumakain kami ay nag kwe-kwentuhan kami ni Nanay Vel sa kung anong ng yari sa amin sa buong mag hapon.

“E ikaw? Kamusta naman ang first day of school n'yo?” Tanong nito sa akin, nilunok ko muna ang laman ng bibig ko bago Nakangiting sumagot sa kaniya.

“Maayos naman po, wala naman pong pinag bago dahil sila parin ang magiging teacher namin. May iba nga lang po kaming mga ka-klase dati na nailipat ng ibang section ngayun.” Mahabang sanaysay ko, tumango tango naman siya.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now