Chapter 20

40 3 0
                                    

“Kuha kana.” Sabi pa ni Fara,

Napansin ko ang pag lipat ni Marie sa gilid ko at bahagyang lumapit sa amin.

“Anong ginagawa niya?” takang tanong ni Marie sa amin, agad naman akong nag kibit balikat dahil diko naman talaga alam ang ginagawa ni Fara.

Ano ‘to? Pinag seselos niya si Sir Fahar? Baliw talaga.

“Hindi ko alam, ang weird niya.” Si Rei na ang sumagot sa tanong ni Marie.

Napabalik ang tingin ko sa harap at nakita ko na pumipili na yung Kenji sa tatlong card na hawak ni Sir Fahar.

Pansin ko ang Seryoso na mukha ni Sir Fahar habang nakatingin sa dalawa.

Nang makabunot si Kenji ay agad niya ‘tong binasa.

“Stare at her and see what is her reaction.” Pag ka basa palang ni Kenji ay nag hiyawan na ang mga kaklase namin.

“Yun ohh!”

“Dude, it's your time to shine!”

“This is your time, huwag duwag pare!”

“Binata na ang anak ko!”

Iba't ibang kutyawan nila sa lalaki, na ngunguna sa pang asar ang mga kaibigan niya na may pahampas pa sa lamesa.

Umayos na sila at may sinasabi si Kenji na hindi namin rinig pero si Fara na malapit ay tawa lang ng tawa sa sinasabi ng lalaki.

“Okey na, dito tayo.” Sabi ni Fara sabay hatak sa kamay ng lalaki, ngayun ay nasa gitna na sila at kitang kita namin ang dalawa.

“Game!” Nakangiting sigaw ni Fara na parang enjoy na enjoy sa gagawin.

“Ata na ata teh?” di mapigilan na sigaw ni Rei sa kaniya kaya natatawang bumaling ‘to samin.

“Hala si ante, wala pa pero nakangiti na.” Puna ni Marie.

“Manahimik kayo, may gwapo pala tayong kaklase ngayun ko lang napansin.” Natatawang sabi ni Fara sabay baling kay Kenji.

Muli, sa sinabi ni Fara ay nag sigawan ang mga kaklase namin at inaasar na si Kenji na ngaytay halatang namumula, hindi mo maikakaila na gwapo ang lalaki.

Maputi at matangkad naman siya, matangos ang ilong at Mukhang good boy.

“Sht, mukhang di ko kaya ‘to.” Sabi ni Kenji na ikinatawa namin, kahit ako ay natatawa na dahil nababaliktad ata ang ng yayari.

Dapat ang babae ang mag lalabas ng kung anong reaksiyon, pero nabaliktad ata. Kasi si Kenji ngayun ang pulang pula na.

“Lets change it, ako nalang ang tititig sayo tapos tignan natin ano magiging reaksiyon mo.” Sabi ni Fara sabay baling kay Sir na masama ang tingin sa dalawa.

“Pwede naman po siguro yun, Sir.” Baling ni Fara kay Sir Fahar, hindi agad sumagot ang lalaki at nakatitig lang ito kay Fara.

Nakalipas siguro ang dalawang minuto, at tyaka palang siya tumango.

“Do what ever you want.” Malamig na turan nito, sa sinabi ni Sir Fahar ay parang go signal yun dahil mabilis ang naging galaw ni Fara.

Agad siyang lumapit sa lalaki at inilapit rin ang mukha, sa sobrang lapit ang tiyansa ko ay nasa isang dangkal nalang ang layo nila.

Doon, mas lalong nag ingay ang klase namin.

“Jusko Fara mag hulos dili ka!” Sigaw ni Rei sa babae, napatingin naman ako sa gulat na mukha ni Kenji.

Nakailang minuto pa bago si Kenji na ang unang bumitaw.

“Stop!” Sigaw niya sabay layo sa babae na ngayun ay naka ngisi lang sa lalaki.  “Im lose, i think I'm blushing.” Wala sa sariling sabi ni Kenji na ikinatawa namin.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now