Chapter 35

32 0 0
                                    

“Ano po ang ng yari?” hinihingal na tanong ko kay ate Tes, halos takbuhin kona kasi ang pag punta dito, medyo malapit naman ang hospital sa pinapasukan namin kaya nag jeep na kami para mabilis.

“Hindi ko pa nakakausap ang doctor, nasa ER parin sila.” Sabi ni Ate Tes, kita ko rin ang kaba sa mga mata nito kaya mas lalo akong ng hina.

Hinila ako ni Jericho sa upuan para paupuin, hinang hina nako kaya para akong walang buhay na nag patangay sa kaniya.

“Malakas si Tita Vel, alam kong magiging ayos ang lahat.” Sabi nito sabay yakap sakin, napaiyak naman ako sa balikat niya dahil hindi ko alam ang gagawin.

Dapat pala nung nakaraan kopa pinilit si Nanay na mag pa checkup, dapat pala sinamahan kona s'ya.

Napatayo ako ng may lumapit samin na doctor.

“Who's the relative of the patient?” Tanong nito kaya agad akong napalapit.

“A-ako po, anak po ako.” Natatarantang sabi ko, napatitig pa sakin ang doctor at ngumiti ng maliit.

“Nasa Room 403 napo ang pasiyente,” Sabi nito. “Pwede ba kita makausap sa office ko iha? For personal matter.” Sabi nito.

Sa pag kakasabi palang niya ay dinaga nako ng kaba, takot sa katawan. Para bang nahihirapan nakong huminga kahit hindi pa direkta niya itong sinasabi.

Dahan dahan akong tumango, tinapik ako ni Ate tes at sasabihin na pupuntahan niya si Nanay.

Nag lakad na ang doctor at wala na akong nagawa at sumunod nalang sa kaniya, ramdam ko ang pag hawak ni Jericho sa kamay ko, sobrang higpit na para bang pinaparating niya na nandiyan lang siya para sumuporta sakin.

Pag karating namin sa office niya ay agad niya kaming Pinaupo.

“Hindi kona papatagalin pa iha, your mother have an heart disease, may complication rin sa baga. Kung maaga sana naagapan ay pwedeng hindi ito lumala, hindi katulad ngayun.” Diretsiyo na sabi nito, para akong kandila na natutunaw gamit lang ng salita ng doctor.

Panibagong luha ang kumawala sa mga mata ko, bakit hindi ko napansin na may mga ganyan karamdaman na si Nanay? Bakit hindi niya sinabi sakin?

“A-ano po ang dapat kong gawin? Ano po?” umiiyak na sabi ko, ramdam ko ang pag alalay sakin ni Jericho pero hinang hina na talaga ako.

“For now, we are going to give her a medicine. Tataasan narin ang dosege kasi nakita ko sa protocol na minsan narin pala siyang nag pa check up and may iniinom narin siyang gamot, iibahin nalang namin siguro.” Marami pa siyang sinasabi sakin pero para akong nasa ulap dahil lutang ang isip ko.

Kahit ng makalabas ako sa office ng doctor ay ayun parin ang nasa isip ko, saan ako kukuha ng pera? Kailangan kona mag trabaho. Sobrang dami ng kailangan naming bilhin ng gamot at talagang nakakapang lumo rin ang presyo nito.

“Hey, magiging maayos rin ang lahat.” Sabi ni Jericho sakin, sana...

“If you need something, just tell me okey? I'm wealing to help.

“Thank you.” Ayun lang ang tanging nasagot ko, hindi ko alam pero wala ako sa kondisiyon sumagot ng sumagot.

Pumunta kami ni Jericho sa kwarto ni Nanay at nakita namin siyang naka dextrose habang kausap si Ate Tes.

Nang makita nila kami ay tumayo si ate Tes at nag paalam kay Nanay, si Jericho naman ay tinapik ako sa balikat bago ako halikan sa ulo.

“Maiwan ko muna kayo.” Sabi nito, dahan dahan naman akong tumango at pumunta sa pwesto ni Nanay.

“Nay...” tawag ko dito, nakangiti naman niya akong hinawakan sa kamay.

“Bakit ka nandito? Dapat ay nasa school ka ah?” tanong niya sakin, dahil doon ay napaiyak nanaman ako.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now