Chapter 23

42 2 0
                                    

Day past, parehas lang din ang ng yari. Nag aral kami ng mabuti hanggang sa kung saan ang kaya namin, noong Saturday ay nasa kanila ulit kami. Kami lang ulit non pero wala pang isang oras noong nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng tanghalian ay biglang dumating ang mga kaibigan namin.

Oo, mga kaibigan namin dahil pati kaibigan ko ay kasama. Nagulat pa kami sa pag punta nila, wala kasi silang pasabi na pupunta sila ang ending hindi kami nalapag review ng maayos.

Paano kasi, ang gulo nila kung ano ano ang ginagawa. Buti nalang ay natapos na namin noong Friday at mag recall nalang kami noong araw na ‘yun.

Today is Monday, Maaga kaming pumasok dahil chinat ako ni Ma'am kayla na mag sisimula daw ng 9 am ang program kaya before eight ay nandoon na kami, ganon rin kasi ang stsrt ng klase namin pero naka excuse naman kami kaya walang problema.

“Kaya n'yo yan!” Sabi sakin ni Marie sabay hawak sa kamay ko na nanlalamig na.

“Oo, kaya n'yo yan! Manonood kami.” Nakangiting sabi ni Rei kaya nakakunot ang noo ko siyang tinignan.

“Diba may klase kayo?” tanong ko dito, nandito na kami sa activity center at hinihintay nalang na matapos ang pag aayos nila.

“Isusuport nga namin kayo, manonood kami!” Sabi ni Fara.

“Baka magalit ang mga professor kapag nalaman na nandito kayo.” Sabi ko.

“Hindi yan, kami bahala.” Napatingin ako ng may sumagot mula sa likod ko.

Napatingin ako kila Ram na papalapit, kasama niya ang tatlo.
Si Nickhel, Christian at Jericho na ngayun ay papalapit na samin.

“Bakit kayo nandito?” tanong ni Rei sabay tingin kay Christian.

“Support rin namin si Jericho, dapat nandito kami.” Sabi nito sabay akbay sa babae.

“O diba, di kami nag iisa.” Sabi ni Fara.

“Oo, dika talaga mag iisa kapag lagi mo akong kasama.” Sabat ni Ram kaya napataas ang kilay ko na napatingin sa kaniya.

Bumabanat ah.

Napatingin naman ako sa tumabi sakin, si Jericho. Hanggang ngayun ay diko parin makalimutan ang ng yari noong nandoon kami sa kanila, kung paano siya mag gitara at paano siya kumanta sa harap ko.

Lalo na ng sabihin niya kung bakit niya kinanta yun, ng sabihin niyang may hinihintay siya...

Napakagat ako ng labi sabay iwas ng tingin sa kaniya ng makita kong titingin siya sakin.

“Actually may Banner kaming ginawa.” Nakangiting sabi ni Nickhel bago itaas ang kulay puting kartolina na hawak niya.

“Patingin.” Sabi ni Marie sabay lapit sa lalaki, nag katinginan naman kami nila Fara dahil sa ginawa ng babae.

Para paraan rin ‘to eh.

Binuksan ni Nickhel ang hawak niya at napa nganga ako ng makita king gaano kalaki yun at kahaba.

Halos kasing laki na ng katawan nila, ang haba naman ay tiyantya ko ay nasa tatlong yarda.

“Ano ‘yan?” halos di makapaniwalang sabi ni Jericho.

Binasa ko naman kung ano ang nandoon.

'Go Bebelabs Jericho! Forda team Jerivy! #Jerivyforthewin'

“Seryoso kayo diyan?” di makapaniwalang tanong ko sa kanila.

Rinig ko ang tawaman ng mga babae kaya pati sila Ram ay natawa na.

“What does mean?” turo ni Jericho do'n sa may team team na nakalagay.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now