Chapter 12

33 4 0
                                    

Nag simula na mag pahayag si Pastor, ang katabi ko naman ay tahimik lang na nakikinig samantalang ako ay hindi mapakali.

Hindi kasi ako mapakali sa upuan ko, parang diko kaya mag tagal dito. Hindi ko alam kung bakit pero ilang na ilang ako sa kaniya.

Ivy, katabi mo lang naman anong problema don? Okey lang ‘yan! Hindi yan awkward!

Pag c-cheer ko sa sarili ko, napatingin ako kay Cassandra na katabi ko sa kaliwa. Nakangisi ito sa akin sabay  palihim na tingin kay Jericho tapos babalik ng tingin sa akin, alam kong may pinapahiwatig siya kaya pinag lakihan ko siya ng mata at sinabing “Huwag kang ano diyan” ng walang boses.

“Ayos kalang?” tanong ni Jericho sabay tingin sa akin, ngumiti naman ako sa kaniya kahit naiilang ako.

“A-ayos lang.” Sabi ko dito, tumango naman siya at bumaling ulit sa harap at seryosong nakikinig kay pastor.

“Sabi nga sa 1 Juan 3:18 Mga anak, huwag tayong mag mahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.” pahayag ng pastos sa harap, umayos ako ng upo at nakinig nalang rin kay pastor.

“Marami ditong kalalakihan na nanliligaw hindi ba?” tanong ni Pastor, ang iba sa youth ay nag si sagot at nag turuan pa. Marami namang natawa dahil sa ginagawa nila.

“Paano n'yo ba nililigawan ang mga babae ngayun? Uso ngayun ang social media hindi ba? I chat mo lang siya sasabihin mo, pwede ba ako manligaw? Pero wala pang isang buwan kayo na! Jusko po.” Sabi ni pastor kaya natawa kami, marahil maraming relate sa sinasabi ni Pastor ngayun dahil marami sa kabataan ang social media ang ginagamit para makapang ligaw.

“Kami kasi dati, pinuntahan pa namin ang mga babae sa bahay nila tapos ang liligawan namin ay ang mga magulang muna nila bago sila. Bibigyan ng bulaklak, chocolate.” Sabi ni pastor, natawa pako sa isang kumento ng matanda.

“Nako Pastor, sarap ulit mag paligaw!” Sabi niya kaya natawa ako doon, siguro ay isa siya sa nakaranas ng ganong ligawan.

“Ibang iba ang paraan ng panliligaw noon at ngayun, sabi nga dito sa binasa natin huwag tayong mag mahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa! So dapat hindi lang tayo bumabasa sa sinasabi ng nanliligaw sa ate, mga babae ngayun sabihan lang na 'Ang ganda mo' 'bagay tayo' akala mo ay bulati na inasinan.” natatawang sabi ni pastor, marami naman ang umangal dahil doon.

Hindi naman pastor!” sabi ni Cassandra, na ikinatawa ko jusko talaga tong babaeng ito.

“Huy, manahimik ka diyan!” suway ko dito.

“Ay hindi pwede ate, dapat lalaki ang may kasalanan!” Sabi nito kaya natatawang inilingan siya.

“Pero mga iha, iho kung mag mamahal kayo ipakita niyo. May kasabihan tayong Action is louder than words pero minsan kailangan rin natin sabihin ang nararamdaman natin para sa minamahal natin, pag tapos mo sabihin doon mo patunayan ang nararamdaman mo. Hindi mo kailangan sabihin araw araw, minu-minuto minsan kailangan rin nating ipakita ang pag mamahal natin sa kanila ganyan kasi ang panginoon, ipinaparamdam niya sa atin kung gaano niya tayo ka mahal.”

Mahabang sabi ni pastor.

“ikaw, naligawan kanarin ba?” tanong ng katabi ko, si Jericho.

“Huh?” kunwari ay diko rinig ay tanong niya,

He smile a bit before repeating his questions.

“I said, naligawan kanarin ba before?” tanong nito, huminga naman ako ng malalim bago bahagyang tumingin sa harap bago bumaling sa kaniya.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now