Chapter 28

35 1 0
                                    

“Paano kayo naging mag kaibigan? Ang pag kakaalala ko ay silang apat lang na babae ang mag kakaibigan.” Sabi ni Nanay.

Nasa sala kami at ngayun ay nanonood at nag kwe-kwentuhan.

Nakaupo kaming mga babae sa mahabang sofa, ang mga lalaki naman ay nasa mag kabilang single sofa at dahil dalawa lang yun, naupo gilid ng single sofa ang dalawa bale sa isang sofa ay dalawa narin sila.

“Dahil po kay Jericho at Christian Tita.” Kwento ni Marie kay Nanay, ako naman ay tahimik lang na naka sandal sa balikat ni Nanay.

“Paano?” tanong ni Nanay.

“Si Jericho po ang may kaibigan sa tatlong yan.” Turo ni Fara sa tatlong lalaki. “Tapos nasaktohan po na nililigawan ni Christian dati itong si Rei tapos nag karoon rin po ng program tapos sila Ivy at Jericho ang mag partner ayun po lagi napo kaming mag kakasama.” Paliwanag ni Fara na ngayun ay kumakain ng pop corn.

“Ahh, eh ngayun  nanliligaw ka  parin kay Rei, iho?” Tanong ni Nanay kay Christian kaya napatingin ako sa kaniya, isinisiksik na ni Ram ang sarili niya sa tabi ni Christian kaya ngayun nag haharutan sila at napatigil lang ng tanungin siya ni Nanay.

“Ahh, hindi napo. Kami napo ni Rei.” Nakangiti at Proud na sabi nito.

“Ilang buwan mo naman niligawan?” tanong nanay.

Napakamot sa ulo si Christian bago tumingin kay Nanay.

“Isang buwan at mahigit po...” Sabi nito, ramdam ko ang pag tango ni Nanay kahit hindi ko siya tinitignan.

“Do you really like her, love her?” Diretsiyo na tanong ni Nanay.

Para ko na kasing kapatid ang mga ito, sa tagal naming mag kakaibigan ay kilalang kilala narin ito ni Nanay.

“I Like and love her tita, and until now. Even we are together, I'm still courting her.” Nakangiti na sagot ni Christian bago tumingin kay Rei na ngayun ay namumula na.

“Sa tingin ko nga ay kahit naging madali ang relasyon niyo ay mahal mo siya.” Sabi ni Nanay, napa bangon ako sa balikat niya para tignan ang reaksiyon niya.

Nakita ko na nakangiti siya at tinignan ang mga lalaki, knowing Nanay kahit wala siyang naging asawa ay may mga napag daanan na siya na tungkol diyan kaya madalas siya ang nag bibigay ng payo samin.

“Alam n'yo mga anak, hindi ‘to tungkol sa tagal na pang liligaw niyo sa babae, tungkol ito sa kung gaano niyo siya kamahal. Hindi naman kasi matutumbasan ng kung gaano niyo siya sinuyo, tungkol ito kung paano niyo pang hahawakan ang relasyon niyo, ang bawat isa at kung gaanon niyo kamahal ang partner niyo.” Paliwanag ni Nanay, tinignan ko ang mga lalaki at lahat sila ay nakatingin kay Nanay habang sinasabi niya ito, napatingin ako kay Jericho na ngayun ay nakatingin

“Kaya yung tinanong ko si Christian, nakita ko yung pag aalala niya ng sinabing isang buwan niya lang niligawan itong ni Rei.” Sabi niya sabay tingin sa lalaki. “Pero nung sumagot siya sa pangalawang tanong ko doon, wala akong nakitang ano mang kaba o ano sa mata niya.” Sabi ni Nanay.

Nag kwentuhan pa kami hanggang sa naisipan na nilang umuwi dahil mag gagabi na, nag paalam sila kay nanay at sinabing babalik sila sa susunod dito.

Ngayun ay nag aayos ako ng gamit, kasama ko si Nanay sa pag aayos.

“Nandito naba ang lahat?” tanong ni Nanay ng isasara na ang backpack na dadalhin ko.” Tumango naman ako sa kaniya.

“Opo Nay, nandiyan napo lahat. Salamat po.” Sabi ko dito, naupo naman siya sa tabi ko at sinuklay ang buhok ko.

“Ang mga paalala ko huh? Laging tatawag sakin, lalo na kapag emergency okey?” tanong nito kaya tumango ako.

“Huwag karin pumunta sa kung saan saan at hindi ka pamilyar sa lugar baka mawala ka.” Sabi pa nito kaya natatawa akong humarap sa kaniya at niyakap siya.

“Alam niyo nay, magiging okey po ako. Dalawang araw lang naman po kami don.” Sabi ko dito.

Yumakap naman siya pabalik sabay haliknsa noo ko.

“Hindi naman ako natatakot, sa katunayan nga ay kampante ako dahil alam kong andoon si Jericho. Alam kong dika pababayaan ng batang ‘yun.” Sabi niya kaya napalayo ako sa kaniya.

“Bakit parang ang laki ng tiwala niyo kay Jericho Nay?” Tanong nito sakin.

“Hindi ko rin alam, pero ang alam ko mapag kakatiwalaan ang batang ‘yun. Subok ko narin, mabait na bata at higit sa lahat may takot sa diyos. Alam kong kapag siya ang kasama mo ay hindi ka mapapahamak.” Sabi ni Nanay kaya napa titig ako dito.

Si nanay ay marunong kumilatis ng tao, kapag sinabi niya na mapag kakatiwalaan ito ay mapag kakatiwalaan nga kaya ng sabihin niya na nag titiwala siya kay Jericho ay gumaan ang pakiramdam ko.

Ganon rin naman ako sa lalaki, hindi ko alam kung bakit parehas kami ng nararamdaman para sa lalaki, para kasing iba siya sa mga nakilala ko.

“Ikaw ba, walang nanliligaw sayo?” tanong sakin ni Nanay.

Agad naman akong napailing dito.

“Wala panaman po." sagot ko.

“Ay bakit ganyan ang pag sagot mo? May hinihintay kaba?” Nakangisi na sabi ni Nanay, napa nguso naman ako dahil alam ko na mang aasar nanaman siya.

“Kung may manliligaw man sayo, gusto ko si Jericho lang.” Sabi pa nito.

“Nay naman! Bakit naman niya ako liligawan e wala naman siyang gusto sakin!” Sabi ko dito na ikinatawa niya.

“Hindi mo sigurado.” kibit balikat na sabi nito.

Sandali pa kaming nag kulitan bago mag paalam si Nanay na matutulog na at pinatulog narin ako dahil maaga pa ang alis ko bukas.

Bago ako matulog ay nag open muna ako para tignan ang mga message, nagulat ako ng makitang may message ang lalaki sakin.

Jericho Garcia: please tell to tita Vel thank you for the lunch and also, see you tomorrow. Good night, vy.”

Message niya sakin, napakurap pako saglit bago naisipan na mah type ng i reply ko.

Ivy Elegio: Okey, don't worry i will tell it to Nanay, you too see you tomorrow. Good night.

Reply ko, agad naman niyang na seen at nakita kong nag t-type siya ng panibagong message.

Jericho Garcia: Ahh, Ivy. I have a question.

Kinabahan ako sa chat niya, Ano naman ang itatanong niya? Tungkol saan? Ahh baka sa school, okey.

Ivy Elegio: Sure, what is it?

Tanong ko, nakita ko na agad niyang na seen yun na para bang hinihintay niya talaga akong mag reply.

Jericho Garcia: Tomorrow, if you don't mind. Gusto mo ba na sunduin kita para sabay na tayo sa pag punta doon sa school?

Hindi ko alam ang irereply ko, hinila ko ang kumot pataas at wala sa sariling napakagat ako don, kung mag sasabi akong hindi ay baka kung anong isipin niya na maarte ako ganon.

Kapag nag oo naman ako ay hindi kona alam kung ano ang iisipin niya.

Napatingin muli ako sa cellphone ko ng may message nanaman siyang sinend.

Jericho Garcia: pero kung ayaw mo, okey lang naman.

Sabi nito, agad naman akong nag type dahil bigla akong na guilty sa message niya.

Ivy Elegio:  Okey lang naman sakin, anong oras ba?

Jericho Garcia: Before Six ay nandiyan na ako, seven naman ang calltime diba?

Wala sa sariling napatango ako kahit hindi ko naman siya kaharap, wala naman masama na pumayag ako ano?

Ivy Elegio: Sige, see you tomorrow.

Sabi ko, nakita ko na nag react pa siya sa message ko ng heart bago mag tipa ng reply.

Jericho Garcia: Yeah, see you tomorrow. Good night.

At pag ka reply niya ay dina ako nag reply pa at dali daling ibinaba ang Cellphone.

Ramdam ko ang kakaiba sa pakiramdam ko, bigla akong na excite bukas kaya agad akong naramdaman ng antok.

Sana maging masaya ang Rest vacation namin doon lord, ibigay niyo napo sakin to.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now