Chapter 29

32 2 0
                                    

Maaga akong nagising at nag ayos, maaga rin kasi akong kikitain ni Jericho.

Hindi ko alam pero, mas nauna pa akong nagising sa alarm eh. Hindi ko alam kung saan ako excited, siguro sa pupuntahan namin doon nalang siguro haha.

Nasabi ni ma'am kayla na kahit anong naman daw ang soutin namin ay okey lang basta naman daw ay pormal.

So i decided to wear black pants with matching plain Tshirt, itinali ko naman ng messy bund ang buhok ko para hindi makalat.

Nang maayos na ay binitbit kona ang bag ko at bumaba, pag kababa ko ay sinalubong ako ni Nanay na naka upo sa sala.

“Mag isa kalang ba na pupunta sa school niyo? Madilim pa ang daan.” Sabi nito at tumayo, lumapit naman ako sa lamesa para doon ilagay ang bag na daldala.

Nag lakad kami ng sabay papunta sa kusina para makakain ng almusal,
alas singko - kinse palang naman kaya may oras pako kumain.

“May mag susundo po sakin, si Jericho.” Sabi ko dito sabay kuha ng sangag at hotdog.

“Buti naman at masusundo ka niya.” Sabi ni Nanay, ng tignan ko ito ay ngayun naka ngiti na.

Napailang nalang ako, ito nanaman po tayo.

“Opo, siya po ang nag prisinta na susunduin niya daw ako para sabay na daw kami makapunta doon sa meeting place namin nila Ma'am kayla at ng ibang faculty members.” Paliwanag ko dito.

“Ahh, talagang maasahan ‘yang si Jericho.” Sabi ni Nanay sabay kain narin, “Nanliligaw naba sayo ang lalaki?” biglang tanong nito, dahil kumakain kami ay bigla akong nabilaukan.

“Jusmeyo, ito tubig oh!” Abot ni Nanay na agad ko namang kinuha.

“Nay naman kasi, kung ano ano ang sinasabi niyo.” Sabi ko dito.

“Aba, wala naman akong masamang sinasabi.” Sabi nito, jusko lord papatayin po ata ako ng Nanay ko.

“Hay nako nay, hayaan niyo po ako munang kumain ng matiwasay. At sasagutin ko po ang tanong niyo, hindi po ako nililigawan ng lalaki.” Sabi ko dito.

“Sige, mag hihintay ako pag uwi niyo.” makulit na sabi nito.

“Nay naman!” pag mamaktol ko, siya naman ay tawa ng tawa dahil sa reaksiyon ko.

Patuloy sa pang iinis sakin si Nanay habang kumakain, pero hindi naman ako nainis. Minsan nga ay natatawa nalang ako sa mga sinasabi niya.

Nang matapos namin kumain ay dumiretsiyo kami sa sala at doon nag usap, natigil kami sa pag uusap ng may kumatok.

“Ayan na ata ang pangalawa kong anak.” Sabi ni Nanay.

Napanguso naman ako dahil sa tinuran nito.

“Ayan nanaman siya.” Sabi ko sabay tayo at kuha narin ng bag.

Pinalitan ko pala ng hand bag yung bag ko kagabi, iyung parang pang travel na mesyo malaki pero sakto lang naman. Hindi kasi ako komportable sa backpack ko dahil mabigay kaya inilipat ko.

Pumunta kami sa pintuan, namita ko na 5:50 am na.

Nang buksan ni Nanay ay sumalubong samin ang maaliwalas na mukha ng lalaki, nakasuot ito ng salamin niya at buhat buhat ang backpack niya.

“Magandang umago po, tita.” Bati niya sabay beso nanaman kay Nanay.

“Magandang umaga rin iho,” Nakangiting bati nito.

Napatingin naman s'ya sakin bago ngumiti, ngayun ko lang napansin na parehas kaming naka black pants at white shirt.

“Good morning, ivy.” bati nito, doon lang ako natauhan sabay ngiti rin sa kaniya.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now