Chapter 22

39 2 0
                                    

Sumalubong sa akin ang tahimik na bahay pag pasok ko, bumungad rin sa akin ang malinis na salat.

May saktong laking flat screen tv sila, may sofa set rin at isang center table. Napaka simple lang ng aura ng bahay at walang kung anong naka display maliban sa isang malaking picture frame na nasa sabit sa ding ding.

“Maupo ka muna, walang tao dito nasa tindahan sila mama.” Sabi niya sabay lapag ng bag sa gilid.

Tahimik lang naman ako at pinag mamasdan ang ginagawa niya, lumapit siya sa pintuan at pumunta sa shoe rack doon, nag hubad siya ng sapatos at sinuot ang isang pares ng tsinelas,ay kinuha naman siyang isang pares pa na kulay itim na tsinelas.

“Ito nalang gamitin mo, diko parin nagagamit ‘yan.” Sabi nito sabay lapag ng tsinelas sa paanan ko.

“Salamat...” Mahinang sagot ko, hanggang ngayun kasi ay ilang na ilang parin ako sa ng yari kanina, at sa labas lang yun ng pintuan nila ng yari!

Hinubad ko ang sapatos ko at medyas bago suutin ang disuksok na tsinelas niya.

Napanguso ako ng mapag tanto na ang liit ng paa ko kung ipag babasehan mo ang tsinelas niya, ang laki kasi sakin.

“Ang laki sakin.” Wala sa sariling sabi ko, narinig ko naman siyang tumawa kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakatayo siya sa gilid ko kaya mas lalo akong nanliit sa sarili ko ng tinignan ko siya na nakatingala.

“Sorry, ‘yan lang ang extra na pwede mong magamit.” Sabi niya sabay yuko at abot sa hinubad kong sapatos.

Nagulat ako sa ginawa niya at aagawin sana kaso nailayo niya na agad.

“Saan mo dadalhin?” gulat na tanong ko dito, tinignan niya ako bago tignan ang sapatos ko na hawak niya na walang ka arte arte.

“Dito sa shoe rack, para mamaya pag uwi mo dito mo nalang din kunin.” Sabi nito kaya dahan dahan akong napatango.

“Lets eat first, what do you want to eat?” tanong niya ng makalapit sakin.

“Anything, di naman ako maarte.” Sabi ko dito.

Nakangiti naman siyang nakatingin sakin kaya umiwas ako, bakit ba kanina pa siya nakangiti? Dinaman ako nakikipag tawanan.

“Walang pag kain na ANYTHING ang pangalan.” Sabi pa nito sakin.

“Jericho.” Pag babanta ko sa lalaki, nakuha pa talaga niya sabihin yan ano? Wala naman ako sa bahay para mag demand ng makakain kaya kahit anong iharap sakin diyan na pwedeng kainin ay kakainin ko.

“Okey okey, let's go to the kitchen then.” Sabi nito, tumayo naman ako sabay lapit sa kaniya, may pasilyo lang naman  na papunta sa kusina.

Pag dating doon ay makikita mo ang round table lang din, ang pinag kaiba ay gawa sa kahoy na nara ba ‘to? Doon gawa ang upuan at lamesa, pansin ko mahilig sila sa classic na style. ‘yung mga gamit dati ay karamihan ganon ang gamit nila.

Ang cute nga tignan eh.

Pumunta siya sa may ref at ako naman ay naupo na.

“Gusto mo ba ay pag lutuan kita?” Tanong nito sa akin bago ako tignan.

“Ikaw ang bahala.” Sabi ko dito.

Napatitig pa siya sandali bago isa ang ref at sunod niyang tinignan ang lutuan, nakita niyang may nakasalang doon na kasirola kaya agad niya itong binuksan.

Nang makita niya ang laman ay pumihit siya paharap sa akin na nakangiti.

“I think pinag lutuan muna tayo ni mama kanina bago umalis.” Sabi nito, napangiti naman ako doon.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now