Chapter 9

46 2 0
                                    

Nang makaalis sila Jericho ay patuloy ang tawanan sa mesa namin, napuno rin ng asaran tungkol sa akin at paminsan minsat ay kila Rei.

Ngayun ay kumakain na kami, at totoo nga ang sabi nila na masarap mag luto ang magulang ni Jericho. Ito nga at sarap na sarap ako sa adobong order ko, tinikman ko rin yung iba katulad ng ulam ni Marie na katabi ko na minudo ay masarap rin, mukhang babalik balikan namin ‘to.

Habang kumakain kami kanina bago mag simula ay napansin ko ang matagal ng pananahimik ni Jericho bago mag simula kumain, at napuno rin ng purian ang pagkain kanina, masarap naman kasi talaga.

“Ikaw Fara, may boyfriend kana ba?” tanong ni Ram kay Fara.

Bale ganto pala ang pwesto namin.

Marie | Ako | Fara | Rei
Nickhel | Jericho | Ram | Christian

“Wala, bakit interesado ka?” taas kilay na sabi ni Fara.

“Pwede ba?” balik na tanong ni Ram.

“Hindi.” Sagot ng babae sabay ikot ng mata, natawa naman ako dahil doon.

“Wait nga, squad ba kayo ng masusungit?” Natatawang tanong ni Nickhel.

Natatawang umiling naman si Marie.

“Hindi naman, slight lang.” Sabi nito na ikinatawa ng iba.

“Nako Ram, huwag na d'yan dahil baliw na baliw yan kay Sir Fahar.” Nakangising sabi ni Rei.

“Yes, my one and only Fahar.” Nakangiting sabi ni Fara.

“Fahar?” tanong ulit ni Ram.

“Oo, Fahar Amroden.” Sabi ni Marie.

“What? Doon ka pa talaga na hulog ahh.” Naiiling na sabi nito.

“Bakit ba? At bakit, kilala mo ba s'ya?” Taas kilay na tanong ni Ryza.

“Yeah, he's my cousin. He is just 3 years older than me.” Sabi nito, napa tanga naman kami dahil don.

“Pinsan mo si Sir?” takang tanong ko sa lalaki, napatingin naman ito sakin sabay tango.

“Bakit hindi ba halata?” tanong niya pabalik.

Pinag masdan ko naman siya, maputi rin naman si Ram at may itsura rin. Matangos ang ilong at kapansin pansin ang nunal niya sa baba niya.

“Hindi.” iling na sagot ko na ikinatawa nila.

“Hindi talaga sila mag kamukha, pero kung papansinin mo parehas sila ng mata.” Sabi ni Nickhel.

Tinignan ko naman ang mata nito at kung titignan mo nga ng mabuti ay magkamukha nga sila sa Mata.

“Pero mas gwapo parin si Sir lalab.” Sabat ni Fara.

“Talaga, hindi ako na niniwala.” Sabi ni Ram, tinapunan naman ito ng masamang tingin ng lalaki.

“Aba paki ko kung dika na niniwala.” Asar na sabi ng babae.

Pansin ko na kanina pa sila nag aasaran dalawa diyan, si Rei at christian naman ay may sariling mundo.

Napatingin naman ako sa tabi ko na si Marie, paminsan minsan at kinakau siya ni Nickhel at minsan naman ay mag tatawanan sila bigla. Mukhang may naamoy akong kakaiba.

“Balita ko ay kayong dalawa ang mag partner na ilalaban?” Sabi ni Christian at siguro ang tinutukoy ay yung program na quiz bee.

“Kami nga.” Sa tagal niyang nakaupo ay ngayun lang siya nag salita.

“Ganon, pano yung set up niyo?” Tanong ulit ni Christian, bakit ba pati siya na ngingielam?

Umayos ako ng upo bago siya tignan.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now