Chapter 27

32 5 0
                                    

Nag daan ang araw at ngayun ay papunta na kami sa bahay, na text ko narin si Nanay na papunta na kami para makapag handa na siya.

Nasa jeep kami ngayun at as usual ang ingay nanaman nila, hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila pera tawa ng tawa sila Marie at Fara.

Si Rei naman ay kausap si Christian, nakuha pa nilang mag holding hands. Pati ba naman dito?

"Malapit na ba tayo, Ivy?" tanong ni Ram sakin, napatingin naman ako sa labas at tinignan kung malapit naba kami.

"Oo, malapit lapit narin." Sagot ko.

"Ang takaw mo naman, di kaba pinapakain sa bahay n'yo?" tanong ni Fara dito.

"Hindi eh kaya nga kailangan ko ng taga alaga, pwede kaba?" Banat nanaman nito sa babae.

"Bakit baby kaba para alagaan?"

"Oo, baby mo." Banat nanaman ng isa, natatawa naman kaming pinapanood sila.

Ganyan ang gawain nila kapag mag kakasama kami, mag aasaran pag katapos ay mag haharutan. Hindi nako mag tataka kung magiging sila din, pero sa tingin korin ay malabo lalo na sa part ni Fara ngayun na nasa moving stage siya.

"Para po." Sabi ni Jericho kaya napa tingin ako sa labas bago sa kaniya.

Nakita ko na nandito na kami sa pag bababaan, sa sobrang pakikinig ko sa kanila ay diko na namalayan. Buti nalang at andito 'to si Jericho.

"Hindi ko napansin," Sabi ko ng makababa ako.

Natawa siya bago lumapit sa pwesto ko.

"Its okey." Nakangiti na sabi nito sakin.

"Nandito na tayo?" takang tanong ni Christian kaya nakatanggap siyang batok mula kay Ram.

"Wala pa pre, balik kayo sa jeep habulin niyo tapos tuloy niyo bebe time niyo don." Sarcastic na sabi ni Ram dito.

"Puro kasi bebetime." Sabat ni Nickhel.

"Sus, inggit lang kayo eh." Sabi ni Christian sa kanila.

"Bakit kami maiingit e meron kami?" Sabi ni Ram dito.

"Label?" Ngising tanong ni Christian.

"Lol, yabang." Sabi ni Nickhel dito.

Si Ram naman ay tinaasan lang siya ng middle finger niya na ikinatawa ni Christian.

Napatingin ako ng akbayan ako ni Jericho at hinila nako para mauna.

"Mauna na tayo, hayaan na natin sila." Sabi nito na ikinatawa ko.

"Mabutinga ka." Natatawang sabi ko.

"Luh ng iiwan!" Sabi nila.

"Nauna na yung isa pang walang label, hoy hintay!"

"Nakaraan may pahawak sa kamay tapos ngayun may pa akbay na."

"Label muna bago ganyan!"

Samot saring Kumento nila.

"Dont mind them, takbo?" aya sakin ni Jericho kaya napangisi ako.

"Game." Pag kasabi ko non ay agad niyang inalis ang pag ka akbay sakin at dalidaling hinawakan ang pala pulsuhan ko at nag simulan na kaming tumakbo.

Narinig namin ang sigawan at reklamo nila pero hindi namin pinansin, tatawa tawa kaming dalawa habang tumatakbo at ng makarating kami sa bahay tsaka lang kami tumigil.

Naulan kami ng reklamo pero hindi na namin pinansin at nauna na kaming pumasok.

"Dito na po kami nay!" Sabi ko at lumabas naman si Nanay mula sa kusina, agad ko siyang sinalubong at pinatakan ng halik sa pisngi.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now