Chapter 25

35 3 0
                                    

“Congrats Ivy, Jericho!” Bati samin ng mga kaklase namin ng makapasok kami kinabukasa.

Pati ang ibang mga teacher namin ay binati kami sa pagka panalo namin.

“Before we start, gusto kong batiin si Ivy at Jericho sa pagka panalo nila, Congrats! Sabi na at kayo ang mananalo doon.” Nakangiting Bati samin ni Ma'am kayla.

“Thank you po.” Sabi ko dito, ngumiti rin naman siya sakin.

Nag pasalamat rin si Jericho at nasabi samin ni ma'am Kayla na mamaya ang may sasabihin siya sa amin.

Nag simula na ang klase namin, kanina rin pala ay inabot saming dalawa ni Jericho ang mga notes kahapon na hindi namin napasukan, nag pasalamat naman kami sa mga teacher namin. Si Marie, Rei at Fara naman ay agad na kinuhaan ng picture yung mga notes na binigay sakin ng mga professor.

“I just want to tell you guys na sa Saturday na ‘yun.” Sabi ni Ma'am na ikina gulat namin.

Nandito kami ngayun sa office niya, pinasunod niya kami pag tapos ng klase namin sa kaniya para kausapin.

“Pero ma'am, bakit parang ang bilis po?” tanong ko dito, kasi halos kahapon lang kami inilaban dito tapos sa sabado na agad yung labanan sa ibang university? Paano kami makakapag handa kung meron nalang kaming tatlong araw na natitira?

“Ivy, hindi naman na kayo ilalaban eh kaya hindi niyo na kailangan ng maraming araw para mag review.” Nakangiti na sabi ni ma'am, taka ko naman siyang tinignan.

Hindi ba sabi ni ma'am ay ilalaban kami sa ibang school kung sakaling mananalo kami? Tapos ngayun sasabihin niya na hindi na kami ilalaban? Teka bakit ang gulo.

“What do you mean ma'am?” Takang tanong narin ni Jericho na naka upo sa harapan ko.

“Saturday to Sunday tayo doon, yes may mga kasama kayo doon na ibang student na psychologist student rin na nanalo pero hindi na kayo mag lalaban laban, nag karoon kasi ng ibang problem yung ibang university kaya na Cancel. Ang kaso nakapag pa book na kami ng reservation doon sa pupuntahan natin, kapag hindi natin na puntahan ay masasayang lang.” Paliwanag nito sa amin bago sumandal sa upuan niya.

“You have a two days rest, and ito na ang pinaka price niyo dahil nanalo kayo. We are going to Zambales, Mag paalam na kayo sa mga parents niyo at huwag kayo mag alala sa pag kain, sagot ng school yun.” Mahabang Paliwanag samin ni ma'am.

May part sakin na ng hihinayang kasi hindi natuloy yung program pero mas malaki yung kagustuhan sa naging desisyon nila.

Ang tagal ko narin kasing hindi nakakapunta sa ibang lugar, kapag kasi ma mamasyal kami ni Nanay ay sa Mall lang lagi ang bagsak naming dalawa.

Nag paalam na kami kay Ma'am kayla at dumiretsiyo na kami sa Cafeteria kung saan nag hihintay ang mga kaibigan namin.

“Sasama ka parin?” tanong sakin ni Jericho habang binabaybay namin ang Cafeteria.

“Oo, sayang eh. Dalawang linggo rin tayong nag babad sa laptop at libro natin.” Sabi ko na ikinatawa niya.

“Me too, mukhang kailangan ko nga rin ng pahinga.” Sabi nito sabay hawak sa leeg niya bago kunwaring hilutin ko na ikinatawa ko.

Pag karating namin sa Cafeteria ay kumpleto nanaman sila, may isa pa naman kaming Subject na kailangan pasukan kaya hindi kami mag tatagal dito.

Kumakain na kami ng biglang mag salita si Rei.

“Ano sabi ni Ma'am kayla?” tanong niya samin.

Nag katinginan muna kami ni Jericho at sabay na napangisi, this is the time na i-inggitin namin sila.

“We are going to Zambales, two days kami do'n. Saturday and Sunday.” Sabi ko na ikinalaki ng mata nila.

“Nice, sana all.” Kumento ni Nickhel.

“Sama kami.” Sabat rin ni Marie na ikinatawa ko.

“Sorry, para samin dalawa lang daw e.” Sabi ko dito.

“Sus gusto niyo lang mag solo eh.” Sabi ni Ram samin.

“Actually walang labanan na mang yayari.” Sabi ni Jericho, hinayaan ko siyang mag Paliwanag dahil nasimulan naman na niya.

“E diba nga pupunta kayo sa Zambales para ilaban?” tanong ni Christian dito.

“Well, kinausap kami ni ma'am kayla kanina then sinabi niya na hindi na daw tuloy yung laban pero tuloy yung pag punta namin doon.” Nakangiting sabi ng lalaki, napangiti narin ako dahil ngayun palang ay na excite nako pumunta doon.

Katulad ng sabi ko kanina ay bihira mami mamasyal kaya naman excited nako sa pupuntahan namin.

“Eh anong gagawin niyo don?” Singit ni Fara na ngayun ay takang taka na.

“Wala, two days vacation lang. pinaka price na daw namin.” Sabi ko na ikinagulat nila.

“Bakit di nila sinabi yan?! Dapat pala ay sumali nalang din tayo.” Reklamo ni Rei na ikinatawa ko.

“Jusko, may pa vacation pa kayong nalalaman. Bawal yan ahh!” Sabi ni Ram.

“Hayaan niyo sila, gusto lang talaga nila mag solo kaya di tayo isasama.” Sabi ni Nickhel na ikinatawa nalang namin.

Bahala sila sa kung anong gusto nilang sabihin, basta ako excited nako.

“Mauna na kami.” Paalam namin sa tatlong lalaki, si Jericho ay sasabay narin samin dahil mag ka-klase naman kami.

“Sama na kami.” Sabi ni Christian, agad naman siyang tinanong ni Rei.

“Bakit? Iba ang daan sa Engineer department sa Department namin.” Sabi nito, inakbayan naman siya ng lalaki.

“love, wala na kaming klase and naisip namin na maki sit in sa inyo.” Sabi nito.

“Love?” wala sa sarili naming sabi nila Marie.

“Ah ganon ba, sige hehe.” tila kinakabahan si Rei at hindi pinansin ang tanong namin.

Pati ang mga lalaki ay natawa sa naging reaksiyon nito.

“Saan ka sa tingin mo pupunta? Tinatanong ka namin!” Sabi ni Fara ng hilain n'ya ang bag ni Rei ng mag sisimula na sana s'ya lumakad.

“Ano ba tanong niyo?” Tanong nito samin.

“Kayo na?” para kaming tanga na nakatayo sa gitna ng cafeteria at di manlang nahiya kahit naririnig na kami ng ibang student na kumakain dito.

“Oo, Nung linggo lang.” Sabi ni Rei.

Hinila ko sila para mag lakad na dahil pansin ko na nakaka abala na kami.

“Mag lakad na nga kayo habang nag uusap, nakakaabala na tayo dito. Nakakahiya.” Sabi ko.

Nag simula na nga kami mag lakad papunta sa department namin, at panay naman kami tanong kay Rei.

“Bakit di mo sinabi na kayo na?” Tanong ni Marie, ang mga lalaki naman ay nasa likod namin na tahimik lang at nakikinig, chismoso.

“Akala ko alam niyo na eh.” Sabi ni Rei.

“Gaga, paano namin malalaman kung dimo sasabihin?” sabi ni Fara at talagay binatukan pa si Rei.

“Ano ba, edi sorry.” Sarcastic na sabi nito.

“Rei, it's your fault. Dapat ay sinabi mo parin samin kasi diba kaibigan mo kami?” Paliwanag ko dito, lumapit naman siya sakin at pinulupot ang kamay sa braso ko.

“Buti kapa ang lumanay mag salita, yung isa masyadong amasona kaya di siya nagugustuhan ni Sir Fahar eh.” Sabi ni Rei kaya sinamaan siya ni Fara ng tingin.

“Aba aba, ikaw na maliit ka!” Bago pa sila mag sabong ay ayad ng hinila ni Marie si Fara para mauna at makalayo.

Binalingan ko naman ng tingin si Rei ng alisin niya ang pag kayapos sakin.

“You shouldn't say that Rei, alam mong nag mo-move on yung tao diba?” Sabi ko dito, napakagat naman siya sa pang ibaba niyang  labi na parang natauhan.

“Sht, nakalimutan ko.” Wala sa sariling sabi nito kaya nag pakawala nalang ako ng buntong hininga.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now