Chapter 36

32 0 0
                                    

Warning: Sensitive content in this  chapter, read at your own risk. If you are not ready for those sensitive words you may skip those scenario.

It's almost a months pass, and it's tiring. In two months, everything changed and it's hurt.

“Nay, inom niyo napo ang gamot niyo.” Sabi ko, nakahiga kasi siya tapos ayaw niya kumain nakaraan pa, puro lang siya tubig.

“Mamaya na anak.” Sabi nito, napa buga ako ng hangin, ma lalate nako sa pag pasok, puyat na puyat pako dahil nag pinag over time ako kagabi.

“Nay nag luto napo ako, naka hain napo sa mesa ‘yun. Inumin niyo napo yung gamot niyo maya maya ah? Kailangan ko napo pumasok dahil late na po ako.” paalam ko dito, idinilat niya ang mga mata niya at ngumiti sakin.

“Opo, Nay.” Biro nito sakin kaya napa ngiti ako ng maliit.

“Nay naman.” sabi ko sabay haplos sa mukha niya, sobrang payat na niya at naawa ako sa tuwing tumitingin sa kaniya, hindi ko matiis kaya madalas ay umiiyak ako sa kwarto ko, minsan ay dito ako natutulog sa kwarto niya para may kasama siya.

“Anak, huwag ka mag alala sakin. Magiging maayos rin ako don, magiging tahimik ako at pangako magiging masaya ako.” Sabi nito, napakunot ang noo ko, ano ang ibig niyong sabihin?

“Ano ang ibig n'yong sabihin nay?” takang tanong ko, inabot niya ang mukha ko at dahan dahan hinaplos ‘yun.

“Ang ganda mong bata, kampante ako dahil kahit papano andiyan si Jericho para sayo, kaya ka niyang alagaan at protektahan.” Nakangiti na sabi nito, “Gusto ko siya ang mapapangasawa mo ah? Gusto ko magiging kamukha mo ang magiging lalaking anak niyo, gusto ko magiging kamukha naman ni Jericho ang magiging babaeng anak niyo.” Sabi nito, napangiti naman ako at napahawak sa kamay niya bago yun halikan.

“Nanay naman, ang layo na ng nasa isip niyo. Mag o-one year palang kami sa twenty two Nay, anak agad nasa isip niyo.” Nakangiti na sabi ko dito.

“Basta anak, ipangako mo sakin na mag iingat ka lagi huh? Ipangako mo sakin na lagi mong aalagaan ang sarili mo, huwag mong kakalimutan na nandito lang ako sa puso mo, gusto ko mag tapos ka at matupad ang mga pangako mo.” Sabi niya, nakita ko ang pag patak ng luha sa mga mata niya kaya hindi kona napigilan na maiyak narin.

“Nay, pangako gagawin ko po ‘yan. Gagawin ko lahat ng sinabi niyo, pero sana po ipangako niyo rin sakin na gagaling narin kayo. Gusto ko po kayo ang mag sabit ng medalya ko, sa graduation ko. Gusto ko po kayo ang una kong makikita na papalakpak kapag tinawag na ang pangalan ko, gusto ko po nandoon kayo habang inaabot ang mga pangarap ko.” Sabi ko, ngumiti siya sakin at dahan dahang umupo at hinila ako para yakapin.

“Hindi ako mawawala, lagi lang akong nakatingin sayo. Nakamasid at magiging proud sa lahat ng gagawin mo.” Sabi nito, dahan dahan akong tumango at niyakap siya ng mahigpit.

Matapos non ay nag mamadali akong pumasok, hindi nako nasundo ni Jericho.

Hindi ko alam, mahigit dalawang linggo ng hindi na niya ako nasusundo, kapag nag kikita kami sa school ay sasabihin niya ay may importante siyang ginawa kaya di na niya ako nasundo, naintindihan ko naman ‘yun.

Pero nitong nakaraang tatlong araw, wala kaming communication sa isa't isa. Sinubukan ko siyang tawagan at i text kaso wala siyang reply, laging naka patay ang cellphone niya kaya hindi matawagan, hindi rin siya pumapasok. Kapag tinatanong ko sila Nickhel ay sabi nila wala rin daw silang alam sa ng yayari sa lalaki. Gusto ko man puntahan sa kanila ang kaso lang wala akong oras.

Agad kong tinakbo ang department namin ng makitang twenty minutes late na ako, nako po. Major panaman ‘to at sobrang higpit, yari ako dito.

Pag karating ko sa room ay hinihingal akong kumatok at pinag buksan naman agad ako ng teacher namin.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now