Chapter 8

40 2 0
                                    

Natapos ang klase namin kay Ma'am kayla pero ang nasa isip ko parin ay ang mga nasabi nito na tungkol sa program.

Bakit kasi ako ang pinili nila? i mean pwede naman pero bakit ganon? Kailangan si Jericho pa ang makapareho ko.

“Tagal naman nila.” Reklamo ni Fara, may hinihintay kasi kami dito sa gate.

Ang sabi ni Rei ay may kasama kami na mag l-lunch, sasabay daw at gusto makipag kaibigan. Pumayag naman agad sila Fara at wala narin naman akong magagawa pa.

“Saan naba sila?” Saad ni Marie na nababagot narin.

“Ayan na pala sila e,” Sabi ni Rei sabay turo sa labasan ng Gate.

Mula doon ay nakita ko ang tinutukoy niyang makakasabay namin, halos mapa nganga ako na makilala kung sino ba ang tinutukoy niya.

Apat na lalaki ang lumapit sakin, familiar sila dahil sila sila rin ang mag kakasama nung first day of classes.

Jericho, Christian, At may dalawa ring hindi ko kilala. Sila lang naman, at hindi pa sinabi samin ng babaeng to na sila ang makakasama namin. Kung alam ko lang ay sana umuwi nalang ako at nag pahinga.

“Zup!” Bati ng isa na dimamin kilala, tumango naman si Rei sa kaniya, agad na lumapit yung Barro kay Rei bago siya makipag piecebom dito.

“Hi, Rei.” Sabi pa niya.

“Ahh, hello! Ano tara na?” Masiglang bati ng babae, tumango naman ang lalaki.

“Tara.” Sabi nito.

“Teka teka nga!” Biglang sabat ni Marie at takang tumingin kay Rei.

“Sila ba ’yung sinasabi mo?” Sabi niya dito, tumingin naman si Rei kila Christian kuno bago tumango kay Marie.

“Yes?” Di siguradong sagot nito.

“Bakit dimo sinabi samin?”Sabi nito, tahimik lang kami ni Fara na nakikinig.

Tama naman si Marie e, dapat sinabi sa amin para naman awear kami diba?

“E nandito na sila, ano gagawin ko?” parang bata na sabi nito, napailing nalang si Marie bago walang nagawa na pumayag.

“Nu pangaba magagawa namin, tara na at gutom nako!” Sabi nito bago naunang mag lakad.

“Saan ba tayo?” tanong ni Fara na sa wakas nag salita rin.

“Sa may ano daw...” tila nag hahanap ng sagot si Rei, napataas naman ang kilay ko dahil doon. Ano hindi niya alam?

“Where?” Nang mag salita ako ay sabay sabay silang napatingin sakin, kahit si Jericho na nakatingin lang sa binabasang libro ay napa angat ng tingin sa ’kin.

“Sa kainan nila Jericho, may negosyo kasi silang kainan.” Simpleng sabi lang nung isang naka White shirt at naka panta na black, I don't know him so i just nod.

Nag lakad na sila kaya sumunod narin ako, si Marie ay kinakausap si Rei siguro ay pinapagalitan dahil di sinabi na lalaki ang makakasama namin.

Nang makarating kami sa sakayan ay nag para sila ng Jeep, hindi ko alam kung saan papunta yun pero hinayaan ko nalang. Sumakay na sila Fara at ako nalang ang nahuli, nang sasakay nako ay napansin ko na hinarang ni Jericho ang kamay niya doon sa taas ng papasukan ko. Hindi ko nalang papansinin yon at naupo na sa may space, sumunod pumasok ang mga lalaki na kasama namin.

Nang makapasok sila ay napansin ko na sa harap ko umupo si Jericho, hindi naman siya nakatingin sa akin ngayun kaya hindi ako naiilang. 

“Ahh, hello?” agaw pansin ni Christian sa amin kaya napatingin ako, nasa gilid lang naman kasi siya ni Jericho.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now