Chapter 6

44 2 0
                                    

“Anong order n'yo? Kami nalang ni Rei pipila.” Sabi ni Marie na ngayun ay nakatayo na sa gilid ko, lunch na kasi kaya nasa cafeteria kami ngayun.

“Isang meal nalang sakin, bahala na kayo sa ulam.” Wala paring ganang sabi ni Fara.

“Ganon nalang din sakin.” Sabi ko bago mag abot ng isang daan pambayad, nang makaalis sila ay binalingan ko ng tingin ang babae.

“Problema mo?” Tanong ko dito,  napasandal naman siya sa upuan bago tamad na tumingin sakin.

“Wala, badtrip lang talaga ako.” sabi nito habang pinapag laruan ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

“Dahil parin ba doon? Hayaan mona kasi, ang dami dami kasing iba d'yan Fara. Bakit si Sir pa?” Takang tanong ko.

Tumitig naman siya sa akin bago nag buntong hininga.

“I don't even know, nagising nalang ako na may gusto nako diyan sa teacher na ’yan.” Badtrip na sabi niya. “I have a boyfriend before but fvck, hindi naman ako ganto sa kaniya. Anong pinakain sakin ng teacher na ’yan?!” Frustrated na sabi nito kaya natawa ako.

“Nahulog ang lintek.” Sabi ko bago iiling iling na pinag masdan siya, sinamaan naman niya ako ng tingin.

“What? Bruh, this is not my first time to fall inlove with someone.” Sabi nito.

“Bruh, but this is serious not like your past relationship.” Pang gagaya ko sa boses niya, “like what you said earlier, iba yung nararamdaman mo para kay Sir at sa mga naging ex's mo. It's mean hulog na hulog ka talaga not like before na nilalaro mo lang. Karma.” Sabi ko sabay ngisi.

She's right, marami siyang naging boyfriend pero di nag tatagal. Masyado kasi siyang playfull  girls, may sineryo naman siya pero dirin nag tatagal at kapag nag bbreakup sila ay wala pang isang buwan okey na sa kaniya. Same with Rei, parehas sila. Pero si Rei naman puro fling lang. Meron siyang naging ex's mga tatlo lang ata tapos puro flings nalang yung iba.

“Hindi kuna alan, Ivy.” Sabi niya sabay dukdok sa lamesa.

“Hanggang maaga, bakit dimo subukan na ihinto? Alam nama natin na—” Diko pa natatapos ang sasabihin ng sumabat siya.

“Ayoko nga, nasimulan ko na ’to e. Tyaka kahit sabihin mo na mali kasi teacher natin yun e fout years lang ang tanda sa ’kin non.” Mahabang sabj nito kaya napailing nalang ako.

“E ano naman inaarte mo, ayaw mo naman pala itigil tapos nalilito ka pa kunwari diyan.” Sabi ko dito.

“Ano nanaman pinag tatalunan niyo?” tanong ni Rei ng nakabalik na sila dala ang pag kain namin.

“Tanong mo diyan sa kaibigan mo na nag e-emote nanaman.” Sabi ko.

“E paano naman ’tong isa?” Agaw pansin ni Marie sa amin.

“Anyare?” tanong ni Fara.

“Naalala n'yo kahapon? Yung kinukwento niya satin?” tanong nito bago umupo sa harapan ko, tumango naman ako.

Baka ’yung tinutukoy niya ay yung gwapong lalaki na nakakuha daw kuno ng attention nitong si Rei.

“Aba, nilapitan kanina. Kaya pala sumama sa pila kasi kanina nasa pila rin yung lalaki.” Sabi nito sabay baling kay Rei.

“At hindi lang ’yon—” dina natapos ni Rei ang kwento ng sumabat si Rei.

“Kinuha ko ang name sa lahat ng social media at sabi ko i-add ako, ako lang to.” Proud na sabi pa niya bago ngumiti.

Yan, yan silang dalawa ni Fara.

“Ano pangalan?” Tanong ni Fara.

“Christian Ryo Barro.” With hands gesture pa na sabi ni Rei, kapag ito natulad kay Fara ewan ko nalang talaga.

“Binigay talaga sayo? Dimo ginamitan ng dahas?” sabay ko,

“Hindi, bakit ko naman gahamitan kung sa mukha ko palang binigay niya na.” Mayabang na sabi ni Rei na ikina irap ko.

“Diyan kayo magaling, tapos kapag kayo nasaktan kami naman ni Marie ang kawawa.” Sabi ko dito.

“Hay nako, Ivy hayaan mo nayan. Naka record na sakin lahat ng advise sa mga yan iplay nalang natin in future.” Sabi nito na ikinatawa ko.

Nag kwentuhan pa kami hanggang sa matapos kami kumain, palabas na sana kami ng  Cafeteria ng mahagip ng mata ko ang isang table kung saan nakaupo sila Jericho. Kasama niya yung Christian na tinutukoy ni Rei kaya itong babae na ito, kulay nalang asin dahil parang bulate na inasinan dahil napaka likot e.

Tumingin lang naman kasi sa pwesto namin ang lalaki sabay kaway, kumaway naman pabalik si Rei. Napansin ko rin na napatingin si Jericho sa amin pero nauna na akong mag lakad at iniwan sila.

Pag dating namin sa room ay mangilan ngilan palang kami kaya wala silang ginawa kundi ang mag kwentuhan, paminsan minsan ay sumasali ako kapag tinatanong.

Dumating na ang oras ni Sir Fahar, ang last subject namin na papasukan ngayun.

He's just wearing a simple long sleeve white na nakatupi hanggang siko then slacks na black with black shoes, dala rin niya ang laptop bag biya ng makapasok sa loob ng classroom namin.

“Good afternoon.” Panimulang bati nito, bumati naman kami pabalik.

Katulad ng mga na unang professor namin ay nag looking back kami sa topic namin before bago siya mag simula, pansin ko rin ang paminsan minsan niyang pag tingin sa pwesto namin, may pag tataka rin sa mukha niya at siguro ay alam ko na kung bakit.

Siniko ko siya ng idudukdok niya ang mukha sa lamesa ng upuan niya.

“Bakit?” Tamad na tamad na sabi nito.

“Nakatingin si Sir, umayos ka nga.” Suway ko dito.

“So? Wala akong pakielam, gusto ko matulog.” Sabi nito at ng susubukan niyang yumuko ay nagulat nalang ako ng nag salita si Sir.

“Are you with us, Miss Fara?” Takang tanong ni Sir Fahar.

Umayos ako ng upo at nakita kong tamad lang na sumandal si Fara sa upuan niya.

“Yes... Sir.” Sabi nito sabay tingin ng Diretsiyo kay Sir Fahar.

“Are you sure? Kanina kapa di na kikinig.” Sabi nito sa babae, napairap pa nga si Fara na parang hindi teacher ang kaharap.

“Sus, paki mo.” bulong ni Fara, nagulat paki sa sinabi nito kaya agad akong humarap sa kaniya at pinag lakihan siya ng mata.

“What? May sinasabi ka?” tanong ni sir.

“Nothing, SIR.” At pinag diinan pa talaga niya ang word na "Sir" kaya napa iling ako sabay kagat ng pang ibabang labi.

“Nakakapanibago ka, hindi ka nag i-ingay ngayun.” may pagka mangha pa na sabi nito pero bakas parin sa mukha ang pag tataka, siguro dahil sa pag tahimik ng babae.

“Kaya nga, hindi mo binabanatan si Sir ngayun.” Sabi ng isa naming kaklase.

“Kaya nga, bakit?” tanong pa ng isa.

“E, bakit hindi kayo ang gumawa? Gusto niyo ’yun e.”Pam babara ni Fara sa kanila.

“Luh high blood.” Sabi ng babae.

“Luh, pakielamera.” Sabat nanaman ni Fara sabay ngisi.

Sira talaga tong babaeng to, makikipag away pa ata.

“Tama na,” Saway ni Sir sabay baling kay Fara. “Whats wrong with you Miss Fara?” tanong ni Sir.

“Ikaw banaman ganon ganonin e, sinong di ma babadtrip.” Sabi nito.

“What?” takang taka na talaga si Sir pero nginisian lang siya ni Fara bago tignan ang wrist watch.

“Nothing sir, time na.” Sabi nito sabay ngiti, “Time narin para ihatid si Ma'am Veronica.” Sabi nito sabay tayo at kuha ng Bag, naiwan kaminh naka nganga dahil sa mga sinabi ng babae.

What the? Juskong babae to, pinakita talagang nag seselos siya.

Nang tignan ko si Sir Fahar ay gulat parin ang mukha na parang di makapaniwala sa mga sinabi ni Fara, sino banaman kasi di magugulat kung ganunin mo yung teacher mo e.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now