KABANATA III : PAGMAMAHAL NG KAPATID
Klean
Patuloy akong nakikipaglaban sa lalaking muntikan ng makapatay sa prinsesa at mabuti na lamang sapagkat nagawa ko pa siyang pigilan.
Pinaalis ko ang prinsesa kasama ang kanyang kaibigang babae. Hinintay kong makalayo silang dalawa bago ko tinuloy ang pagtalo sa kalaban. Mabilis kong tinali ito sa mga kamay at maingat na dinala sa mga nakatataas.
Ayon sa mga nakakita, biglaan ang pagpasok ng ilang kasapi ng Dark Zone sa Rendell, kung saan pumapasok ang prinsesa. Marami sa kanila ang sugatan at ang iba ay tuluyang nasawi.
Lakas-loob akong lumapit sa nakatalaga na guwardiya na abala sa pagsusuri sa bangkay ng kalaban, na napatay ng isang hindi nakikilalang estudyante.
“Wala na siya!” sambit ng guwardiya habang nakahawak sa leeg ng lalaki.
“Ano kaya ang dahilan kung bakit nila ginawa ito? Bakit sa paaralan pa nila napiling lumusob?” naguguluhang tanong ko sabay nilibot ang paningin sa buong paligid.
Umangat ang tingin niya sa akin. Mabilis pa sa alas-kuwatro siyang tumayo at sumaludo sa harap ko.
“Ginoong Ghio!” Hindi ko alam na kilala niya ako, kaya nagulat ako sa kanyang reaksyon.
Tinanguan ko siya. “Ano po ang ginagawa ninyo rito?”
“May binabantayan akong amo,” tanging sagot ko at suminyas na ihinto ang pagsaludo sa akin.
“Mga kasama, paparating na rito ang mga tagpangalaga ng batas at manggagamot,” sigaw ng lalaki sa paligid namin.
Magkasabay kaming lumingon. Isang kalesa ang dumating. Isa-isa nitong dinala sa pagamutan ang mga sugatan kasama ang mga labi ng mga namatay.
Samantala, nagsimula na ring mag-imbestiga ang ilan sa mga ito.
“Kolonel Aizawa!” tawag sa akin ni Haru, isa sa mga kaibigan kong nagtatrabaho sa pamunuan. Lumapit ako sa kanya.
“Bakit?”
“Bakit nandito ka? Hindi mo ba alam na may misyon ng antas S ang mga pwersahang militar nga. . .” hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil alam ko na ang tungkol dito.
“Alam ko, ngunit wala akong pakialam. Iba ang aking tungkulin sa ngayon,” sagot ko.
Nagtaka siya. Napamewang siyang tumitig sa akin kaya tinitigan ko rin siya pabalik. Nagsukatan kami ng tingin.
“Ano ang ibig mong sabihin? Pumayag ka sa trabahong inalok sa iyo?” Isang tango ang isinagot ko.
“Ano? Ikaw, papayag? Pagsasayangin mong bantayan ang makulit at pasaway na prinsesa kahit mas maganda pa ang iyong trabaho bilang kolonel?”
“Akala ko ba pinagbabawal sa mga tulad ninyo, ang maging tsismosa at tsismoso?” asar kong tanong.
Ngumisi siya at agad humingi ng paumanhin.
“Maiba ako, ano nga pala ang nangyari rito? Bakit biglang nagkagulo?”
“Sinalakay ng kalaban, kani-kanina lamang,” sagot ko.
“Ganoon ba. Kawawa naman. Batay nga pala sa mga balitang aming nasasagap, nagkakaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang iba't ibang kaharian, kabilang na rito ang Wiseman, Denille, Yhegerre, at Caroline. Bukod pa riyan, nagbabanta na rin ng isang malawakang digmaan,” tugon ni Haru habang nakasandig ang kamay sa panga niya.
Bahagya akong napaisip ng malalim.
“Wiseman? Hindi ba't kina binibining Shanelle iyon?” nagdududang tanong ko sa aking isipan.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...