KABANATA XXI: LABAN: PART ILhyster
Nakatayo ako ngayon sa tarangkahan na nagdudugtong sa pinagbabawal na gubat ng kaharian. Inaabangan ko si Blyde upang makatanggap ng bagong impormasyon tungkol kay Prinsesang Shanelle. Ilang araw na siyang nawawala pero hanggang ngayon, hindi pa siya natatagpuan. Sinubukan kong pumunta noong isang araw sa katabing kaharian ng Wiseman, ang Zohorha, kung saan nakatira ang lola niya ngunit wala siya roon. Ang hangal na koronel na iyon, talaga ngang dinukot niya ang aking mahal na prinsesa para ilayo niya sa 'kin? Walang hiya siya. Pagbabayaran niya ito ng kanyang sariling buhay. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakakaharap.
Ako mismo ang dudurog sa kanya kapag magkita kami. Hindi ako magdadalawang isip gawin iyon kahit sabihing isa siyang alagad ng batas. Hindi ko na iyon problema.
"Prinsipe Lhyster!" Napalingon ako sa nakabukas na tarangkahan kung saan iniluwa roon si Blyde na nakasakay ng itim na kabayo. Papalapit siya sa aking gawi.
"Narito ka na pala, kanina pa kita hinihintay," sabi ko. Hindi siya tumugon. Bumaba siya ng kabayo at inabot sa akin ang isang pirasong papel. "Ito na ba?" pagtatanong ko.
"Iyan nga. Marami akong pinagtanungan makuha lamang ang impormasyon na iyan," sagot niya.
Ngumiti ako at dahan-dahang binuksan ang papel upang basahin ang nilalaman.
Habang binabasa ko, hindi maiwasang malukot ang aking mukha at mapareact ng hindi maganda. Inisip ko rin na ito'y pawang kahangalan. Bahagya kong nilukot ang papel at matalim siyang tiningnan. "Ang sulat na ito, nais mo ba akong lokohin?" pagalit kong tanong.
"Hindi po, ang impormasyon na iyan ay. . . . ." Naputol ang anumang sasabihin niya ng hugutin ko ang aking espada at itinutok sa kanyang mukha.
"Totoong impormasyon ang kailangan ko at hindi ang walang kuwentang bagay na iyong sinasabi," galit na sabi ko.
"Subalit iyan ang isaktong sinabi ni Rexull. Sinabi niya sa 'kin, nakita niya ang ilan sa mga guwardiyang nakasaksi sa pagkawala ng prinsesa at ng kabalyero nito. Nasaksihan nila kung paano ito hinigop pailalim ng isang mahika hanggang maglaho ng parang bula. Naniniwala sila sa mundo ng mga mahika at ang biglaang pagkawala ng prinsesa ay kagagawan ng babaeng mula roon," paliwanag niya na mas lalong nagpairita sa akin kaya nilapit ko pa lalo ang talim ng aking espada patungo sa leeg niya na knting lapit nalang ay tatama na ito sa kanyang balat.
"Kapag magsalita ka pa ng mga walang kabuluhang bagay ay hindi ako magdadalawang isip na gilitan ka. Ang katotohanan ang nais kong malaman at hindi kasinungalingan," may diing sabi ko.
"Hindi ako nagsisinungaling, kung iyong mamarapatin ay sasabihin ko kung paano makakarating sa lugar na iyon. Sigurado akong doon mo matatagpuan ang prinsesa," aniya.
"Isaaaa. . . ."
"Nagsasabi ako ng totoo, mamatay man ako ngayon din!"
"Dalawaaaa. . . ."
"Handa kong ipapugot ang aking ulo kapag mali ang impormasyon ko!" sigaw niyang sabi at tinitigan ako ng may diin.
Dahil sa kanyang ginawa, naisip kong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Bakas sa mukha niyang nagsasabi siya ng totoo kaya nais kong bigyan siya ng pagkakataon ngunit kapag malaman kung nagsisinungaling siya-iyon na ang magiging katapusan niya.
Ibinaba ko ang aking espada at ibinalik sa sisidlan nito. Matapos no'n, pinagkros ko ang aking mga braso. Tiningnan ko siya ng seryoso habang nakaangat ang kanang kilay.
"Sabihin mo!" sabi ko. Tumango siya at nagsimulang magpaliwanag.
Klean
"Sabihin nalang nating, lalabag tayo sa patakaran nila," sabi ng katunggali ko na may ngiting nakaukit sa kanyang mukha. Nangunot ang aking noo. Nagbibiro ba siya?
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...