KABANATA XVIII

266 42 51
                                    


KABANATA XVIII: PALIGSAHAN

Shanelle

Nakatayo ako sa gitna ng bintana at tahimik na pinagmamasdan ang maliwanag na buwan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Sa pamamagitan nito, nagagawa kong makapagpahinga. Wala naman akong ibang libangan kundi ito. Hindi ko rin naman kasi tipo ang mga libro nila dahil puno lamang iyon ng mga kasaysayan.

Napakagandang pagmasdan ang buong paligid kasabay ng pag ihip ng malamig na simoy ng hangin. Naririnig ko ang pagaspas ng mga dahon at ang tinig ng ibong kumakanta sa gabi. Sariwa pa rin sa aking isipan ang nangyari kanina. Nagtamo ako ng mga galos sa katawan dahil sa aking pagsubok na labanan ang nilalang na iyon ngunit sa bandang huli ay wala pa rin akong nagawa. Si Klean, siya ang tumalo ro'n. Muntik na siyang mapahamak ng dahil sa katigasan ng aking ulo. Gayunpaman, bihasa siya sa paggamit ng kanyang espada na kahit mabigat ang kalaban ay nagawa pa niyang magwagi.

Bumuntong hininga ako sinyales na ako’y nahihinayangan at nalulungkot sa nangyari. Pakiramdam ko’y wala akong naitulong.

“Ate Shanelle, naghain kami ng makakain ni ate baka gusto mong sumalo sa 'min at ni kuya Klean!" Akonay napalingon nang marinig ko ang tinig ni Raidee. Nakatayo siya sa may pinto na tila nakasilip lamang sa aking gawi.

"Mamaya na siguro, gusto ko munang makapagpahinga. 'Wag ka mag alala, susunod ako!" ngiting sagot ko.

"Sige, titirahan ka nalang namin," sabi niya at bumalik sa kusina. Ang dalawang magkapatid na iyon ay masaya sa kanilang simpleng buhay. Magkasama sila palagi at naging hilig na nila ang magluto na magkasama. Para lamang silang mga ordinaryong tao na nabubuhay sa normal na kalagayan.

Magtatatlong araw na kami rito, apat na araw nalang makakabalik na kami sa Wiseman.  Nais ko na talagang bumalik, hinahanap ko na ang kanilang mga presensiya. At pagdating ko naman, ikukuwento ko kina ama’t ina ang mga naging karanasan ko rito. Sana pakinggan nila ako sa lahat ng aking sasabihin.

"Shanelle," tawag sa akin ni Klean mula sa likod. Blanko ang ekspresyon kong lumingon sa kanya. Nakaband aid ang kabilang pisngi nito at may mga puting bendang nakapalibot sa baywang at isang braso niya.

"Ikaw pala, kumusta? Maayos ka na?" alalang tanong ko.

Tumango siya. “Sa kabutihang palad ay oo. Sandali, hindi ka ba nilalamig diyan? Ang luwang ng bintana, baka pasukin ka ng multo.”

"Hindi. Saka, hindi ako takot sa multo," matipid kong sagot.

Maya-maya, lumapit siya sa akin.

"Ang ganda ng buwan, hindi ba?" ngiting tanong niya.

"Oo!" iiling-iling kong sabi. Bakit sa dinami-dami ng puwedeng pansinin, ang buwan agad ang kanyang nakita? Wala ba siyang nakikita na kahit ano rito ko kagandahan ko manlang?

Tiningnan ko siya sa mukha at dahan-dahang tumabi sa kinatatayuan niya.

"Hindi ka pa ba kakain?" tanong ko.

"Hindi, busog pa ako!" sagot niya at nanahimik.

Ano bang taong ito, nakakabagot kausap. Ang bilis niyang maubusan ng sinasabi. Interesado ba ito o wala lang talaga akong kuwentang kausap?

Tingin ng tingin ako sa kanya at nagbabakasaling magbubukas siya ng panibagong usapan pero parang umasa lang ako sa wala dahil mas lalo siyang tumahimik.

Kalaunan, biglang nabasag ang katahimikan nang siya'y magsalita.

"Shanelle," bigkas niya sa pangalan ko.

"B-Bakit?" nauutal kong tanong.

"Nais kong magpasalamat sa iyo,” anya.

“Tungkol saan? Ako nga dapat ang magsabi niyan,” sabi ko.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now