KABANATA VI

349 103 4
                                    

KABANATA VI: MAGKASAMA

Klean

Tatlong araw isinagawa ang burol ng aking nakababatantang kapatid at pagkatapos no'n ay inilibing ang kaniyang labi kung saan nakalibing ang mga magulang namin. Magkasama na sila ngayon, ako nalang mag isa. Hindi ko na matiyak kung saan pa ba patungo itong buhay ko ngayon. Nawalan ako ng pamilya.

Ngunit sa kabila ng lahat, nakaya kong magpakatatag at malagpasan ang lungkot na humahatak sa akin pababa. Babalik ako sa trabaho. Wala na akong iba pang bubuhayin at susuportahan kundi ang sarili ko.

Sa pagkakataong ito, tinanggap ko ang isang misyon na ibinigay sa akin ng heneral. Ako ang inatasan niya sa halip ang ibang miyembro. Malaki ang kanyang tiwala sa aking magagawa.

Tama si Haru, malaki nga ang sahod ko sa loob ng pagmimilitar kaysa pagtiyagaang bantayan ang isang makulit na prinsesa. Mas mapapagod ako no'n kaysa rito. Ngunit, sa palagay ko’y umaasa ang babaeng iyon na babalik ako. Naramdaman ko iyon no'ng mga sandaling niyakap niya ako. Kakaibang pakiramdam at tila ba’y ngayon ko lang ulit naranasan.

Maingat ko pinupunasan ang talim ng aking espada habang humihigop ng kape. Pagkatapos, inayos ko naman ang aking sarili at lumabas.

Sisimulan ko ang pagroronda sa buong lugar. Dahil ayon sa nasagap na impormasyon ni Haru, may kahina-hinalang lalaki ang gumagala sa lugar. Miyembro ito ng lihim na oranisasyon.

Habang naglalakad-lakad ako, may napansin akong nakaitim na lalaki. May dala itong bagay sa likod na nakabalot sa itim na tela. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatakip ito. Lumiko siya sa kabilang eskinita na agad kong sinundan.

Limang metro ang layo namin sa isa't isa kaya hindi niya maramdaman ang presensiya ko.

Huminto kami sa 'di mataong lugar. Hindi ito masikatan ng araw sapagkat napaliligiran ito ng mga lumang gusali at tanging dilim ang bumabalot sa paligid.

Umangat ang tingin ko sa taas. Nakita ko ang isa pang lalaking nakasuot ng sombrero habang naninigarilyo, iyon yata ang pinuno nila. May mga tauhan itong nakatayo sa magkabilang gilid niya.

"Yoichi, mabuti't narito ka. Anong balita?" ang tanong nito sa taong sinundan ko kanina.

"Maayos naman. Kahit paano'y may nalaman akong impormasyon tungkol sa pamilyangJill."

Jill? Sino iyon? Lumakad palapit 'yong lalaki sa amo niya.

"Tigil!" sigaw nito.

Napaatras ako at pansamantalang nagtago sa dilim. Hindi dapat ako mapansin kundi iyon na simula ng katapusan ng imbestigasyon. Huhulihin ko siya sa isaktong oras at tamang pagkakataon.

"Bakit po? May problema ba?"

"Ah wala. Halika, lumapit ka at ikuwento mo sa 'kin ang lahat ng nalalaman mo," tugon ng pinuno.

Tumango ang lalaki. Nagsimula itong humakbang palapit subalit muling huminto at tumingin sa direksiyon ko. Binunot niya ang kanyang espada at itinutok sa akin dahilan upang magasgasan ako sa kanang pisngi. May sandata siya.

Mabilis akong lumayo sa kanya at pinunasan ang dugo sa pisngi ko. Ramdam ko ang hapdi nito at ang matalim na sandatang hawak niya.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now