KABANATA XXXII

188 25 50
                                    

KABANATA XXXII: PAGBABALIK

Belle

Mag isa akong pumunta sa palasyo ng Wiseman upang pakipagkitaan ang hari at reyna. Nais ko silang tanungin tungkol sa aking kaibigan upang malaman kung natagpuan na ba ito o wala pa. Sobra-sobra na ang aking pag aalala sa kanya at hindi na ako halos makatulog sa gabi sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa kanya.

Nakarating na rin sa akin ang balita na ilang araw na raw hindi bumabalik si Shanelle kung kaya't napilitan akong sumugod dito kahit lapag sa kalooban kong makialam sa pamilya nila. Maliban doon, hindi ako binigyang permiso ng mga magulang ko na makiusisa dahil baka kamo kami'y madamay.

Ngunit kaibigan ko si Shanelle, matalik kong kaibigan kaya sinunod ko pa rin ang nilalaman ng aking puso.

Sa pagdating ko sa tapat ng palasyo, dire-diretso akong pumasok sa loob. "Magandang umaga, mahal na prinsesa!" magalang na pagbati ni Aling Theresa na minsa'y naging yaya ni Shanelle.

Isang ngiti lamang ang itinugon ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sa malaking silid, doon ako pumasok. Iyon ang silid kung saan laging nananatili ang hari at reyna. Napakalawak dito, kung sa bahay ng ordinaryong tao ay tiyak na isang bahay na ito ke't likhang silid palang ng palasyo.

"Magandang umaga, mahal na hari at reyna. Ako si Prinsesa Belle, ibig ko kayong makausap kahit sa maikling oras lamang!" paunang bungad ko sabay yuko ng ulo sa kanila bilang paggalang.

"Naparito ka, ano ang maitutulong namin sa 'yo?" malambing na tanong ng reyna habang nakahawak ng isang basong tsaa.

"Naparito po ako upang magtanong sa inyo, maaari niyo po ba akong mapagbigyan?" Nakayuko pa rin ang ulo ko habang nakikipag usap sa kanila.

"Ano iyon?" tanong ng hari.

"Iangat mo ang iyong ulo sapagkat ang lugar na ito ay iyo ring tahanan," tugon naman ng reyna.

Kaya aking inangat ang aking ulo at nagsalita. "Alam niyo na po ba kung nasaan si Shanelle? Natagpuan na ba siya ng inyong mga kawal?" Nagtinginan sila sa isa't isa bago sumagot. "Sa ngayon wala pa, lampas na nga ng dalawang araw ang ibinigay kong palugit sa mga miyembro ng pwersang militar tungkol sa paghahanap kay Shanelle ngunit wala pa rin silang ipinapahatid na balita sa amin!" galit na sabi ng hari.

Kung gayun, wala pa ngang balita kay Shanelle. Saan na kaya siya napunta ngayon? Kung hindi ako nagkakamali, kasama niya rin si Ginoong Klean. Dahil bago siya mawala, balak na talaga niyang tumakas at katulong niya si Klean. Ngunit ang nabubuong katanungan sa akin ay kung nasaan na sila naroroon? Bakit hindi pa sila bumabalik?

"Ano na po ang plano niyo? Itutuloy pa rin ba ang paghahanap hanggang sa matagpuan siya? Kailangan talaga siyang mahanap dahil ilang araw na siyang nakaliban sa Rendell at malapit na rin ang pagsusulit namin."

"Dinukot ni Koronel Klean ang anak ko at hindi pa niya ito ibinabalik dito sa Wiseman kung kaya't napagpasiyahan naming patawan ng kamatayan si Koronel Klean. Bukod pa roon, nais ko rin na ilayo si Shanelle kapag sa oras na matagpuan siya," mahigpit na sabi ng hari. Kung gayun, ang akala nila'y ginawan nga ng masama  si Prinsesa Shanelle ni Ginoong Klean ngunit nagkakamali sila tungkol do'n sapagkat saksi ko ang nangyari, hindi plano ni Klean na dukutin ang prinsesa kundi ang tulungan itong makatakas mula sa nasabing pagmamalupit nila rito.

Sa halip na sabihin ko sa kanila iyon, pinili kong manahimk. Hihintayin ko na lamang ang susunod na balita tungkol sa kaibigan ko.

"Naiintindihan ko po. Salamat sa maikling oras na ibinigay niyo. Aalis na po ako!" paalam ko.

"May importanteng lakad ka ba, Belle? Bakit hindi ka muna sumabay sa aming pagkakape? Masarap ang tsaang ginawa ko, gusto mo bang matikman?" ngiting alok ng reyna.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now