KABANATA XXXVIII

181 20 0
                                    

KABANATA XXXVIII: PAGPASLANG

Belle

Tatlong magkakasunod na pag atake ang ginawa ng kalaban pagkatapos ng mga atake ko. Lahat ng iyon ay sumapol sa akin dahilan para tumilapon ako at sumubsob sa lupa. Napakabilis pangyayari kaya't hindi ko agad nakita. Hinihingal akong bumangon at naupo. Ginawa kong panukod ang espada upang magsilbing balanse. Ito ang unang beses na inilaban ko ang sarili ko. Marahil nagtataka ngayon si Shanelle kung bakit marunong akong lumaban ay dahil hindi lang buhay prinsesa at pag aaral ang ginagawa ko. Madalas din ako mag-ensayo kasama si manong Del, ang tagapagsilbi ng palasyo.

Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang lahat, hindi ko inakala na may ibubuga siya. Kung sa bagay, bihasa na siya sa laban bago ako. Ang pinakaimportante ngayon ay matalo siya upang masundan ko na si Shanelle.

Dahan-dahan akong tumayo at hinawakan nang mahigpit ang espada sabay itinutok sa harap. Tiningnan ko siya, kalmado ang kanyang hitsura. Pakiramdam ko'y hindi siya napagod o nagulat manlang. Hindi siya nababahala.

"Napakahusay ng iyong mga pag atake at nakakamangha ang espadang gamit mo, kung hindi ako nagkakamali, isa iyang espadang Willow Leaf o Liuyedao, tama ba?"

"Tama at ang espadang ito ang tatapos sa iyo!" mariing tugon ko.

"Hay, dapat sana napugutan ko na ang prinsesa kanina ngunit may iba namang nakialam, hindi ko na tuloy alam kung nasaan na siya. Pero ayos lang, matutuwa pa rin ako sapagkat nagawa mong mapawi ang pagkayamot ko. Kung tutuusin, mas may abilidad ka kumpara sa prinsesa na iyon na walang ibang ginawa kundi manginig sa takot. Higit kayong magkaiba!" mataas na puri niya habang iginagalaw ang espada nang pahalang patungo sa kanan.

Kumunot ang noo ko sa pagmamasid sa mga susunod niyang galaw at pahalang ding inilapit ang espada sa harap habang nakapantay sa bibig ko. "Ngayon manong, magagamit ko na itong tiknik na itinuro mo," sabi ko sa isip ko.

Ito ang tiknik na ginamit ni manong Del sa pagpatay ng baboy-ramo sa bundok noon, at ito rin ang ginamit ng isang maalamat na swordman sa pinakaunang alyansa ng militar sa pandaigdigang digmaan, ilang libong taon na ang nakakaraan. Kaunti nalang ang nakakaalam ng tiknik na ito dahil mahigpit itong ipinagbabawal. Ito ay brutal ngunit kailangan ko pa rin itong gamitin ngayon para matalo siya ng mas mabilis.

"Halika!" hamon niya sa akin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy sa halip ay sumugod. Nang makalapit ako, isang beses ko lang iwinasiwas ang espada at pagkatapos ay napunta ako sa likod niya na ganoon pa rin ang estilo sa paghawak ng espada.

Hindi ko siya nilingon sa loob ng ilang segundo hanggang marinig ko ang naputol na bagay mula sa kanya. Humarap ako, nakita ko ang nahulog niyang braso at ang pagtalsik ng dugo.

Hindi ko manlang narinig ang pagdaing niya kundi ang malimitang pagtawa. Ibang klase ang taong ito, hindi problema sa kanya ang nangyari.

"Hindi nga dapat kita minaliit kanina. Mukhang malakas ka!" sabi ko at ipinatong sa balikat ang hawak kong espada. Medyo may kabigatan ito pero kayang-kaya ko naman buhatin.

Kapag nakakahawak ako ng ganitong sandata, nawawala sa isipan ko ang umastang mahinhin at napapalitan ng bagong ako, ang pagiging mandirigma. "Nakakatuwang tiknik iyon, grabe hindi ko napansin. Ang bilis!" natutuwang sambit niya.

"Dobleng pag atake iyon, isang beses mong makikita ngunit dalawa kung bibilangin," paliwanag ko. Tumaas ang kilay niya nang nakangiwi sabay tulo ng dugo niya sa bibig. Bumuka ang sugat niya sa dibdib, na lamat sa naging pag ataki ko.

Ipinatong niya sa noo ang kamay na nakahawak sa espada niya habang nakaangat ang ulo. "Ang galing, ang galing, ang galing, ang galing!" paulit-ulit niyang sinasambit habang nakangiti. Ako na mismo ang kinikilabutan sa inaasta niya.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now