KABANATA XII: PAGTAKAS
Klean
Damang-dama ko ang matinding kirot ng braso ko matapos ang matinding sagupaan namin ni Rehan. At habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapang salagin ang mabigat na ispadang pilit idinidiin nito. Hindi ko magawang bumangon o kumawala. Masyado siyang malakas para matakasan ng ganoon kadali. Tagaktak ang dugo ko sa braso kaya nagbibigay hina ito sa akin. Napalitan ng pula ang puting balat ko. Nagngingitngit ako ng ngipin kapag sa tuwing bumababa ang espada niyang magkalaki-laki.
Konting ispasyo nalang ay maglalapat na ang espada at katawan ko. Hindi ko masabing minaliit ko siya at hindi ko rin masabing mahusay siya basta't ang alam ko ay hindi ako nakadepensa sa huling pag ataki niya. Malas nalang sa akin, masyado akong nakampante. Sa totoo lang, kakaiba ang lakas niya kumpara sa ordinaryong tao.
"Ano bata, h'wag mong sabihin sa akin na sumusuko ka na ba? Ngunit 'wag. Lumaban ka. H'wag mo naman akong ipahiya rito. Umaasa pa naman akong mas magaling ka kaysa aking inaasahan," nakangising sabi niya sa 'kin.
Hindi ako sumagot sa halip ay pinabayaan ang anumang sabihin niya dahil nakatuon lamang ang atensiyon ko kung paano makakawala sa lagay na ito.
Ako ang unang Koronel ng Pwersang Militar at hindi ako matatalo nang basta-basta ng sinumang tao na galing sa labas ng aming kaharian. Sa aking kalagayan, alam kong may iba pang paraan. Hindi ito matatapos dito dahil mayroon pa akong papel na gagampanan. Lalaban ako kahit gaano pa kalakas ang kalaban, kailangan kong magpatuloy hanggang magtagumpay.
Habang tumatatak sa kukuti ko ang mga katagang iyon, dumating si binibining Shanelle. Tinawag niya ang pangalan ko kung kaya't saglit akong napalingon. Nagulat nalang ako nang biglang lumayo sa 'kin ang kalaban. Dahil doon, nagkaroon ako ng pagkakataong bumangon.
Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata habang nakatingin kay binibining Shanelle. Tingin na tila, nakatanggap ng swerte. At sa sandaling iyon, nagsalita ito na may nakakatakot na ngiti na hindi ko pa nakita noon. "Sa wakas at nagpakita ka rin. Natutuwa sapagkat ikaw na mismo ang dumating upang ibigay ang iyong sarili sa amin. Kanina ka pa namin hinihintay.“ Kahit walang sabihin ang prinsesa, nakikita ko pa rin ang kanyang panginginig.
"S-Sino ka? Bakit ka nanggugulo rito at bakit mo sinasaktan si Klean?" lakas loob kung suminghal si Binibining Shanelle ngunit bakas ang takot sa loob niya.
"Prinsesa, sumama ka sa 'kin." Hangal, anong sinasabi niyang sumama? Sino ba siya upang umalok siya ng ganoon?
"Tigilan mo siya, ako ang kalaban mo. Tayo ang magtuos!" naiinis kong sabi.
"Siya ang kailangan namin at hindi ikaw kaya manahimik ka!"
"Hangal!"
"Sino ka, sabihin mo?" singhal muli ni Binibining Shanelle. Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. I saw that her body is shaking but she kept prevailing herself to be brave.
"Rehan, mahal na prinsesa. Halika, sumama ka sa akin. Ilang taon din kami naghintay upang madakip ka at ngayon ang pagkakataong iyon kaya 'wa mo akong bibiguin," magalang nitong sagot.
"Kung ganoon Rehan, inuutusan kitang lumayas sa lugar na ito at huwag mo nang ipapakita ang pagmumukha mo! Lumayo ka kay Klean!” Binato niya ng matalim na titig si Rehan. Sa halip na magalit ito ay nagawa pang ngumiti. Nawawala na siya sa kanyang sariling katinuan.
Wala pang kahit na sino sa 'min ang nagbabalak sumugod. Nananaig ngayon ang mainit na pag uusap.
Tinitigan ko ang mukha ni Rehan. Hindi siya tao. Walang ordinaryong tao ang makakagawa ng ganoong klaseng sandata. Napapaisip tuloy ako kung saan siya nagmula at kung anong angkan ang kanyang pinanggalingan. Dito sa kaharian ng Wiseman, walang taong nagtataglay ng kapangyarihan sapagkat ang lahat ay namumuhay bilang mga normal na tao. Hindi ko dapat ibaba ang aking depensa. Hindi dapat siya makalapit sa prinsesa. Kailangan kong umisip ng paraan kung papaano siya matatalo.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...