KABANATA XXIX: PAGHAHARAP: Part I
Shanelle
"Ano ang naging hula sa iyo ng matanda?" tanong ko kay Klean. Tinitigan ko siya nang mabuti at matiyagang hinihintay ang kanyang sagot. Kanina pa kakaiba ang kanyang kinikilos kaya nakakapagdudang hindi maganda ang naging hula sa kanya. Hindi ako sanay na maramdaman ang ganitong klaseng katahimikan na sumabasabay sa malungkot na gabi. Alam kong nasabi ko na ang tungkol sa naging hula sa akin. Hindi ko pa nga lang matanggap dahil sobrang sakit isipin na sa buong buhay kong pamamalagi sa mundong ito na palaging nagbabakasakaling magkakaroon ng katahimikan ang buhay ko ay mauuwi pala sa isang nakakatakot na trahedya sa hinaharap.
Tumingin siya sa ibang direksiyon. "Ang hula sa akin ay. . . ."
"Ano? Sabihin mo sa akin. Masama ba o mabuti? H’wag kang mag alangan, nakikinig ako."
"Sa tingin ko, maayos naman," nakangiting sagot. Buti pa siya. Marahil magtatagumpay siya sa huli at ako lang ang hindi. Pero mas maganda na iyon kaysa pareho kaming mawawalan.
"Mabuti, p-pero paano mo nasabi na maayos? Talaga na talaga?" hindi ko makapaniwalang tanong. Aminin ko man o hindi ngunit may nararamdaman akong pangamba.
"Oo sapagkat matutupad ko ang pangako ko sa iyo. Maibabalik kita sa Wiseman at magagawa kong talunin ang mga kalaban nang hindi masasawi." Tuluyang napalitan ng magaan na ginhawa ang matinding nararamdaman ko. Kahit paano'y napawi ang pag aalala ko. Baka nag iisip lang ako ng hindi maganda.
"Ibig sabihin. . . ." naudlot ang sinasabi ko nang biglang magsimula ang fireworks display.
"Ayan na, nagsimula na!" sabi niya at ibinaling ang paningin sa kalangitan kung saan nagtitipon ang iba’t ibang makukulay na fireworks. Sumasabog at naghihiwalay ang mga kulay nito sa ere at nakakalikha ng nakakamanghang mga hugis.
Saglit ko siyang tinitigan saka napilitang ngumiti. Humanap din ako ng pagkakataon upang hawakan ang kamay niya.
Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa mga kamay namin hanggang sa umakyat patungo sa mukha ko. “Gusto pa kitang makasama,” sabi ko. Sa mga sandaling ito, naalala ko ang naging halikan namin sa kuwarto kanina. Ang kanyang mga labi ay banayad at kaaya-aya. Ang magaan na halik na iyon ay nag-iwan sa akin ng lakas upang mas lalo pang magtiwala sa kanya.
“Kahit kailan,. . . .napakakulit mo!” nakangising pag ismid niya at ibinalik sa mga fireworks ang atensiyon.
"Susubukan kong maniwala, susubukan kong tanggapin ang magiging kapalaran ko nang sa gayun ay hindi ako mabigla sa mga mangyayari,” saad ko sabay hinigpitan ang paghawak sa kamay niya. Ramdam ko ang matigas at mainit niyang palad. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanya sa mga sandaling ito.
"Tama. Iyan ang gusto kong makita mula sa iyo. Totoo ang sinabi ni Mang Lhurius tungkol sa iyo. Kilalang-kilala ka nga niya," sabi niya na ipinagtaka ko.
"Ha? Bakit? May sinabi ba siya sa iyo tungkol sa ’kin?" tanong ko. Ngumiti siya at biglang ipinatong sa ibabaw ng ulo ko ang kamay niya. “No'ng umalis ka sa bahay niya pagkatapos mong magdabog dahil nagalit ka, nabanggit ka naman niya sa akin. Nakiusap siya na hangga't maaari ay alagaan at protektahan kita. Sinabi niyang napakabait mong babae.” Bahagyang namula ang pisngi ko. Sinabi ni manong iyon? Nakakahiya.
“Hindi. . . . .”
“At mukhang unti-unti na niya akong napapaniwala. Masyado ka lang talagang makulit kaya ganiyan ka pero sa palagay ko ay mabait ka,” sabi niya na mas lalong nagpamula sa mukha ko at sinasabayan pa ng malagkit niyang titig sa akin.
"H'wag mo nga akong tingnan ng ganiyan baka kung ano pa isipin nila sa atin e," reklamo ko. Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko. Dumistansiya na rin ako sa kanya at nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang nakipagtitigan sa kanya nang matagal dahil para akong matutunaw na surbetes sa mga tingin niya. Habang nakatayo kami rito, may batang biglang nagsalita sa tabi namin kaya't napalingon kaming dalawa.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...